Chapter 1
" Kuya, sa Cubao po tayo sa DcEc building. pakibilisan lang kuya ma le late na po kase ako. "
saad niya sa taxi driver na nasakyan niya.
" Naku miss trapik na ng ganitong oras ngayon. " wika naman ni manong driver na napakamot pa sa ulo.
" Sige po, basta pakibilisan na lang " sagot ni Sandra na nag dudumali na makarating ng opisina dahil kalahating minuto na lang ay ma le late na siya ng pasok. Nasanay kase siya na nagigising ng alarm clock ang kaso kanina ay hindi naman na nag alarm dahil naubusan na ata ng battery dahil tumigil ang orasan ng alas tres ng madaling araw. kung hindi pa kinatok ng kaibigan niyang si Alexa ang pinto ng kanyang kwarto ay baka natutulog pa rin siya hanggang ngayon.
Limang minuto na lamang ang natitira sa oras niya kaya ng matanaw at malapit na siya ay pinatigil na niya ang taxi at pagkabayad ay mabilis na tumakbo at tinungo ang building kung saan ay mag wa walong buwan pa lamang siyang nagtatrabaho bilang secretary ng kanyang Boss na si Engineer Marvin Almeda na isang chief of financial officer sa dela Cerna Engineering Companies. Pinagbubutihan niya ang kanyang trabaho rito dahil sa bukod na malaki ang sweldo niya ay mabait at gwapo pa ang kanyang boss pero syempre kahit na ganoon ay ayaw naman niyang abusohin ito.
nang makarating siya ng building ay nakuha pa niyang bumati sa security guard na palagi niyang kabatian tuwing umaga. " Kuya Guard good morning po, dumating na po si Boss Marvin? " mabilis niyang sabi rito. " Good morning Cute, Oo kadarating lang din umakyat ka na. bilisan mo " natatawang saad ni kuya Guard.
" Sige po. bye " paalam niya na ng nasa harap na siya ng elevator ay naghintay pa siya ng ilang minuto bago bumukas ito. hindi niya pansin ang tao na nasa likod niya at nakasabayan niyang naghihintay rin pala na magbukas ang elevator dahil panay ang sipat niya sa kanyang suot na relo at tingin sa loob ng bag niya. “ Naku, lagot ka na Sandra late ka nang talaga. “ saad niya sa kanyang sarili na kinamot pa ang kanyang leeg dahil sa first time niya na ma late sa trabaho ay kinakabahan siya baka mapagalitan siya ng boss niya at panay din ang pag tapik tapik ng isa niyang paa sa sahig habang naghihintay mannerism niya na kase ang ganon kapag nai stress siya.
Ipi press niya na sana ang seventh floor ng may maunang pumindot nito kaya tumingin siya sa kasama niya sa loob ng elevator na nakangiti sa kanya. Nagulat siya ng makita niyang ang crush niyang si Jasper Curtis na kaibigan ng boss niya na isa ring Engineer at Chief Information Manager ng kumpanya ang kasabayan niya sa loob ng lift bigla siyang na concious sa ayos niya kaya naman hinawi niya ang buhok niya sa kanyang tainga at ngumiti ng pagkatamis tamis upang lumabas ang malalim niyang maliit na dalawang dimple na katulad kay Mikee Cojuangco.
“ Thank you Sir and good morning po.“ saad niya rito ngunit hindi naman siya tinugon nito bagkus ay tumango lamang sa kanya hanang nakatingin sa mukha niya na ikinailang niya naman kaya hindi niya na pinansin pa ito.
Pagbukas ng Elevator ay nauna itong lumabas dahil nasa fifth floor ang opisina nito. Tumingin pa muna ito sa kanya bago tuluyang lumabas kaya nag wave siya ng kamay niya rito.
Nang nasa seventh floor na siya ay nagmadali siyang nag tungo sa kanyang lamesa at inayos ang gamit niya ng matapos siya ay kinatok niya ang pinto ng kanyang boss
“ Come in “ dinig niyang sagot ng boss.
“ Good morning Boss, Sorry im late. “ bati at paghingi niya ng paumanhin na nakayuko.
“ Your 10 minutes late Sandra, i hope it won’t happen again. ” saad nito sa kanya habang nakatingin naman sa paperworks nito. mukhang hindi naman galit kaya kumalma na siya at napangiti sa sarili.
“ Yes Boss, do you want coffee boss?” tanong niya na lang
“ Okay, with cream and sugar please. “ sagot nito sa kanya.
Pumunta siya ng pantry at ipinagtimpla na ng kape ang boss niya na nagpapaka busy na naman sa trabaho.
habang nagtitimpla ng kape ay naalala niya ang nangyare kanina sa elevator at napangiti siya dahil nakasabay niya si Jasper. Crush niya na ang binata ng una pa lamang niyang makita ito sa opisina. Apat silang magkakaibigan kasama na ang boss niya lahat naman ay wala kang itulak kabigin dahil puro sila mga gwapo at pang artistahin ang dating mas nakuha lang ni Jasper ang atensiyon niya dahil sa makulit ito kapag nakikita niyang kasama ang mga kaibigan nito at magiliw sa ibang tao pero nagtataka lang siya kung bakit kapag sa kanya ay hindi naman ito ganoon.
“ Boss, your coffee. may ipag uutos pa po kayo?” inilapag niya ang tasa ng kape sa lamesa nito.
“ Thanks, paki print na lang ang ibang documents na tapos ko na Sandra. ” utos sa kanya.
“ Okay boss ” at kinuha ang mga natapos na nito upang i print.
“ Boss, remind ko lang po na mamayang 2 pm may meeting kayo with the board member “ nakita niya itong tumango at lumabas na siya ng opisina nito.
At naging maayos naman ang takbo ng work niya buong umaga sa opisina.
“ Ms.Pereira, lalabas lang muna ako for lunch . pag may tumawag sabihin mo na wala ako o busy. “ utos nito sa kanya
“ Copy boss. eh paano kung magpunta rito si Ms. dela Torre?sasabihin ko rin bang busy ka. “ nakangiti niyang tanong
“ Tell her that im in a meeting ” sagot ng boss niya
“ Okay, bye Boss happy lunch ” wika niya na lamang at iniwan na siya ni Mr. Almeda.
Kakaalis lang ng boss niya ng may tumawag na babae sa telepono at hinahanap ang boss niya pero dahil nga sa utos ni Mr. Almeda sa kanya ay sinabi niyang nasa meeting ito.
“ hay, ang babaero talaga ni boss. mabuti na lang hindi natin type ang isa‘t isa kung hindi sigurado magiging luhaan ako ng dahil sayo ” ang sabi niya sa sarili na natatawa pa habang inaayos ang mga nasa ibabaw ng lamesa niya.
“ ehemmm ehemmm... “ rinig niyang nasa tapat lang ng table niya ang taong kumuha ng pansin niya.
“ ay kalabaw ka.. “ gulat niyang sambit ng makita si Jasper na nasa tapat niya pala ng di man lang niya napapansin.
“ Hi, andiyan ba si Marvin? " tanong sa kanya nito na nakangiti
" Sir Jasper, sorry kayo naman kase bigla na lang sumusulpot. kanina pa po ba kayo diyan? " ang sabi niya
" hindi naman, narinig ko lang ang huling sinabi mo." wika naman nito na ikina awang ng labi niya.
" hehehehe pasensiya na sir Jasper pero totoo naman eh wag mo na lang sana iparating kay boss baka masipa ako mawalan ako ng work. at nag peace sign pa na inilapit sa kanyang pisngi at ngumiti na madalas niyang gawin para mag pa cute upang makuha ang nais niya o paboran siya. na ikina ngiti naman ni Jasper.
" Sige isekreto na lang natin ang sinabi mo. buti na lang hindi mo type si Marvin." ang sabi ni Jasper ngunit pabulong ang huling sinabi nito na hindi naman din narinig ni Sandra.
" salamat sir, wala po si boss kakaalis lang mag la lunch daw sa labas " wika niya sa kaibigan ng boss niya.
" Ganun ba ayain ko sanang mag lunch ang boss mo kaso nakaalis na pala. pwede bang ikaw na lang ang ayain kong makipag lunch sakin Sandra? " ang sabi nito na ikinabilis ng pagtibok ng puso ni Sandra kaya hindi siya agad nakasagot." pero kung ayaw mo naman ay okay lang. next time na lang siguro baka pwede na. sige Sandra. " ang sabi nito at lumakad ng papalayo sa kanya.
" Kainis naman oh di man lang ako hinintay na makasagot muna. " sabi niya sa sarili at umupo na lamang at napabuga ng hangin dahil sa panghihinayang na nadarama.