Ilang taon na rin ang nagdaan ng makipaghiwalay si Vanessa sa lalaking kanyang minahal. Nang magkalayo sila ng landas ay sinikap ng dalaga na kalimutan na ang lahat ng mga pinagsamahan nilang dalawa. Ngunit kung kailan handa na siyang magmahal ulit ng iba, t'saka naman nagpakita muli sa kanya ang dating nobyo. Muli kayang mahalin ng dalaga ang lalaking batid niyang pagmamay-ari na ng iba?
Natagpuan nila Yanna sa tabing ilog ang katawan ni Sergeant Dixson Sanchez na sugatan at walang malay. Ginamot at inalagaan nila ang lalaking estranghero. Nang magkamalay ang lalaki ay hindi na ito makaalala. Hinala nila Yanna ay nagkaroon ng amnesia ang lalaking kanyang tinulungan.Kinupkop ng tiyuhin ng dalaga ang lalaki at pinangalanan nilang Anton. Sa paglipas ng mga araw ay nagkapalagayan ng loob sina Yanna at Anton. Hanggang sa magkaaminan ng kanilang nararamdaman. Gusto niyang pigilan ang damdamin para kay Anton, ngunit hindi niya kayang labanan ang isinisigaw ng kanyang puso.Kahit may pangamba dahil maraming tanong sa isipan ang dalaga na masasagot lang kapag bumalik na ang memorya ng lalaki ay sumugal pa rin sa pag ibig si Yanna.
Nang manumbalik ang mga alaala ni Dixson ay agad siyang bumalik sa pamilya niya at wala itong matandaan sa nakalipas na buwan na inakala ng pamilya niya na patay na siya.
Paano kung sa muli nilang pagkikita ay malaman ni Yanna na nagbalik na ang mga alaala ng lalaki at siya naman ang nabura sa ala-ala nito? Sabihin kaya ni Yanna kay Dixson kung sino siya sa buhay nito? Ipabatid kaya ni Yanna na may anak silang dalawa o ililihim na lang niya ang lahat kay Dixson na malapit ng ikasal kay Chelsea na step-sister ni Yanna?
Nag runaway bride ang dalagang si Girly, sa kadahilanang hindi niya mahal ang lalaking pakakasalan. Tinakasan niya ang kanyang mapapangasawa sa mismong araw ng kanilang kasal. Humingi siya ng tulong sa estrangherong lalaki na naka-encounter niya, ngunit ayaw naman siya nitong tulungan. Sa kadesperadahang makalayo ni Girly sa bayan nila ay nagbitiw siya ng salita na gagawin niya ang gustong ipagawa sa kanya ng lalaki basta ilayo at itago lang siya nito sa kanyang ama at kay Vincent. Nagkataong nangangailangan din ng tulong ang binatang bilyonaryo na si Enrico Briones kaya pumayag na siya na itago si Girly. In one condition, magpapanggap ang dalaga na girlfriend niya. Pumayag naman agad si Girly ng hindi na inisip ang maaaring maging consequences ng pagpapanggap niya.
Sa angking karisma at gandang lalaki ni Enrico, hindi kaya ma-in love sa kanya si Girly?
Ano kaya ang mararamdaman ni Girly kapag nalaman niya ang tunay na dahilan kung bakit siya pinagpanggap na girlfriend ng binata? Hindi kaya siya magsisi sa pagpayag niyang maging fake girlfriend ni Enrico? Masaktan kaya ang puso ng dalaga sa kanyang mga madidiskubre?
Iniwan ng nobyo si Candice Pontavedra ng wala man lang pasabi basta na lamang siyang nawalan ng komunikasyon kay Marvin Almeda ng hindi niya alam ang dahilan kung bakit. Nasaktan siya sa nangyari at lumipat sila sa malayo ng kanyang pamilya upang tuluyang makalimutan si Marvin. Sa paglipas ng panahon ay muling nagtagpo ang dating magkasintahan.
Babaeng laki sa hirap at mapagmahal na anak at kapatid, yan si Eloisa Marasigan. Dahil sa kasinungalingan ng iba at nangibabaw na selos at galit ay nakagawa ng maling desisyon ang kanyang kasintahan. Nakipaghiwalay sa kanya ang nobyo pagkatapos siyang papiliin nito. Pinili niya ang pamilya at kinalimutan ang pag ibig. Sinikap na mapaganda ang buhay ng kaanak dahil iyon naman ang pangarap niya noon pa man para sa pamilya at sa sarili na rin. What if kung muling bumalik ang lalaking minahal noon, pagkatapos ng ilang taon? At ngayon ay malaya na siyang magmahal ngunit hindi naman na siya pinapansin nito dahil may galit sa kanya ang dating nobyo.
Maibalik pa kaya niya ang pagmamahal sa kanya ng dating nobyo o hahayaan na lamang niya na maibaling sa iba ang pag ibig ng lalaking kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso?
Napilitan si Nica Mae Romero na mamasukang katulong/ driver sa mansyon ng mga dela Cerna, kung saan namamasukan bilang family driver ang kanyang ama. Ngunit nagkasakit naman ang kanilang itay kaya kailangan nitong tumigil sa pagtatrabaho. Dahil sa marunong naman din siya at maalam sa mga sasakyan ay siya na ang kinuhang kapalit na driver, at dahil na rin sa pakiusap ng kanyang ama at ng tiyahin niya na mayordoma sa mansyon. Sa pagpasok niya bilang katulong at driver sa mga dela Cerna, ay hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa kanyang among lalaki. Alam niyang hindi pwede ang kanyang nararamdaman, dahil nakatali na ang puso ng lalaking kanya ng minamahal. Paano niya mapipigilan ang kanyang damdamin kung sa araw-araw ay nakakasama n'ya ang lalaki? Papaano niya pa susupilin ang nararamdaman, kung alam niyang nahuhumaling na rin sa kanya ang amo niya? Magkaroon kaya ng happy ending ang nararamdaman nila para sa isa't isa, gayung kasal si Arnel dela Cerna kay Romary Gail?
Napilitin si Nick Braganza Perez na bumalik ng Hacienda Braganza dahil sa lolo niyang may sakit. Dahil iyon ang kahilingan sa kanya ni Don Gilberto Braganza, ang ama ng kanyang mommy.Sa kanya nais ipamana ang hacienda dahil siya ang nag iisang apong lalaki at panganay na apo ng matanda. Ngunit tinanggihan iyon ni Nick dahil mas gusto niya ang pamumuhay sa lungsod.Sa pagbalik ni Nick sa probinsya nila ay makikilala niya si Lianne Gonzaga, ang caregiver ng kanyang abuelo na anak ng kanilang tauhan sa hacienda na may malaking utang na loob sa kanyang abuelo.Maiin-love si Nick kay Lianne. Ngunit ang dalaga ay may nobyo na, ang kababata niyang si Archie.Lahat ay gagawin ni Nick sa ngalan ng pag ibig niya kay Lianne, kahit na may masaktan siya at manatili siya sa Hacienda.
A 3 short stories na pinagsama-sama in one book.
1. A NIGHT WITH MR. SUNGIT.
Isang dalagang probinsyana na namasukang kasambahay, upang makatulong sa pagpapagamot sa inang may sakit. Ulila na rin sa ama at may pinag- aaral na dalawang kapatid. Magkakacrush sa anak ng kanyang amo na napakasungit.
Na isang gabi na nalasing ang binata ay naging marupok ang dalaga.
Ano kaya ang gagawin n'ya kung sa paggising ng binatang amo ay maalala ang nangyari sa kanila?
Panagutan kaya siya? o lilisanin niya ang mansion dahil sa isang gabing namagitan sa kanila ng masungit niyang senyorito?
2. LOVING THE SIGHTLESS GIRL.
Dahil sa aksidente ay nawalan ng paningin si Sofia Alcantara. Hindi matanggap ng nobyo nito ang nangyare sa kanya kaya hiniwalayan siya at dahil doon ay nawalan na siya ng ganang mabuhay pa at ayaw ng magpaopera. Matulungan kaya s'ya ng isang eye surgeon na kababata n'ya na sa ilang araw na magkasama sila sa iisang bubong ay napamahal na siya rito?
3. YOU'LL BE IN MY HEART.
Dalagang nangangailangan ng heart donor dahil sa sakit na Cardiomegaly. Nabigyan ng pagkakataon na mamuhay ng normal after ng heart transplant operation. Paano kung ang nakilala at nagugustuhan niyang lalaki na malakas na nagpapapintig ng puso n'ya ay malaman niyang nobyo pala ng heart donor nya? Susundin pa rin ba n'ya ang itinitibok ng puso o paglalabanan ang nararamdaman ng puso niya?
Nicholai 'Nick' Perez isang playboy na mapaglaro sa mga babae. Minsan na may isang babaeng iniligtas at nahulog ang loob niya sa babaeng walang maalala dahil nagkaamnesia.Ipinaramdam niya ang kanyang nararamdaman sa babae pero umiiwas naman ito sa kanya sa dahilang nahihirapan tugunan nito ang kanyang pag ibig dahil sa sakit nitong amnesia kahit na may feelings na rin para sa kanya ang babaeng una niyang minahal.Paano kung sa pagbabalik ng alaala ng babae ay malaman nilang hindi na ito maaaring umibig pa sa ibang lalaki. Maipaglaban kaya ni Nick ang kanyang pag ibig sa nag iisang babaeng minahal?
His Cute Secretary
Blurb
Jasper Gallardo Curtis is the only son of Katarina Gallardo and Wilson Curtis ang CEO ng GC Construction Companies.
He is working with his friend bilang Engineer sa kumpanya ng kanyang kaibigan sa kadahilanang ayaw niyang maging CEO nang kumpanya nila, dahil sa pressure na ibinibigay sa kanya ng mga kamag- anak na lagi niyang idinadahilan sa kanyang mga magulang, kung kaya naman ay hinayaan na muna siya ng mga ito sa nais niyang gawin.
He loves to work with his friends, specially he wants to see the girl na una pa lang niya makita ay sobra na siyang nakukyutan.
He is a jolly person but when it comes to Sandra Pereira the Secretary of his friend Marvin Almeda ay para siyang natotorpe.
But something happened that he is force to be a CEO of their Companies.
Magawa pa kaya niyang mapalapit sa cute na Secretary na bumihag na ng kanyang puso?