A Night with mr. Sungit
A night with mr. Sungit.
Kasalukuyan nagdidilig si Ayesha ng mga halaman sa labas ng gate ng bahay na pinapasukan n'ya bilang katulong. Apat na araw pa lamang s'yang nangangatulong sa mansyon ng mga Altamonte, kaya bago pa lamang s'ya sa lugar at nakikisama sa mga kasambahay na katrabaho.
Abala s'ya sa pagpupulot ng mga natanggal na tuyong dahon habang patuloy pa rin ang pagdidilig niya sa ibang parte ng halaman ng makarinig s'ya ng malakas na busina malapit sa kinatatayuan n'ya na ikinagulat pa nga niya kaya naiharap n'ya ang hose na hawak sa kotseng nasa harapan na pala n'ya, kaya nabasa ang hood ng sasakyan na ikinataranta n'ya at agad niyang ikina off sa gripo ng hose.
"Hala patay, lagot ako nito!" usal n'ya sa kanyang sarili.
Lumabas mula sa loob ng kotse ang isang lalaki na ikinatulala ni Ayesha dahil sa angking kakisigan at magandang lalaki nitong nasa harapan n'ya na. Ngunit na balik siya sa huwisyo ng magsalita na ang lalaki na halatang galit ito sa kanya.
"What the f*ck, miss! Anong ginawa mo? bakit mo binasa ang kotse ko!? Kakapawax ko pa lamang kanina nito." ani ng lalaking salubong na ang mga kilay.
"S-sorry sir, hindi ko po sinasadya, nagulat po kase ako sa pag busina n'yo!" hingi niya ng paumanhin.
"Bagong katulong ka dito? Bakit ikaw ang nagdidilig n'yan? nasaan si Mang Jun? siya dapat ang gumagawa n'yan at hindi ikaw?" aning wika ng lalaki sa kanya na ikinapagtaka niya dahil kilala nito ang hardinero ng mga Altamonte.
"May sakit po kase si Mang Jun, kahapon pa po tinatrangkaso, kaya ako po ang napag-utusan ni Manang Lilia na gumawa po muna nito habang nagpapagaling si Mang Jun." aniya sa lalaki.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni Manang, na ngayon ang dating ko!?" tanong nito kay Ayesha na biglang lumaki ang mata dahil sinabi nga ng mayordoma na ngayon darating ang bunsong anak nila senyora Mildred galing ng Pangasinan.
"Sir Nathan!?" tanong niyang naniniguro sa lalaki.
"Ako nga! pakibukas ang gate, papasok ako." utos sa kanya ng lalaki na ikinairap n'ya pagtalikod n'ya rito saka bumulong bulong.
"Ang gwapo nga, ang sungit naman!" pabulong n'yang saad.
"Narinig ko yun miss!" malakas na pagkakasabi ni Nathan sa kanya.
"Hehehe.. Ang lakas naman ng pandinig mo sir, ibinulong ko na nga nadinig mo pa!" aniya sa lalaki na nginitian n'ya na lang.
Tumalikod na sa kanya si Nathan at pumasok na sa kotse nito at pinaandar na papasok sa mansyon pero bahagyang nag stop sa tapat ni Ayesha at nag gesture ng kamay na pinapalapit ang babae sa kanya.
"Bakit po sir!?" kinakabahang tanong ni Ayesha.
"Ano nga palang name mo?" seryosong tanong ni Nathan.
"A-Ayesha sir, Ayesha Madrigal po." sagot naman n'ya na nakatungo ang ulo dahil sa kinakabahan s'ya sa pagtitig ng senyorito nila sa kanya.
Pinaandar ng muli ni Nathan ang sasakyan at napaisip naman si Ayesha kung bakit tinanong pa ang pangalan niya.
"Hindi kaya ako isumbong ni sir kay Manang Lilia at kay senyora Mildred!? Hala lagot talaga ako nito! Mukhang last day ko na ngayon sa mansyon na 'to ah!. Totoo naman ang narinig niyang sinabi ko ah, masungit naman talaga s'ya, buti nga sinabi ko pang gwapo s'ya eh!" aniya sa kanyang sarili.
Binalikan na niya ang ginagawa niyang pagdidilig sa labas ng gate nang mawala na sa paningin n'ya ang sasakyan ni Nathan.
At nang matapos siya ay dumiretso na s'ya sa loob ng kusina upang tulungan naman si Manang Lilia na maghanda ng pananghalian.
"Mabuti at narito ka na Aye! Tulungan mo kong maghiwa ng mga gulay rito at malapit ng magtanghalian." utos sa kanya ng mayordoma nila na kaibigan ng kanyang ina kaya naipasok s'ya nito bilang katulong sa mansyon ng mga Altamonte.
"Nakita mo ba si sir Nathan na dumating?" tanong ni Manang Lilia.
"Opo! Ako po ang nagbukas ng gate para sa kanya kanina manang. Naabutan po kase n'ya ko sa labas ng gate na nagdidilig ng mga halaman." mabilis na sagot ni Ayesha sa ginang.
"Ang sungit po pala ng anak nila senyora Mildred, manang Lilia." turan niya kay manang.
"Bakit ka nasungitan?, ano namang ginawa mo ha Aye!? Kilala ko ang batang 'yon hindi ka susungitan o papansinin nun kung wala kang ginawa sa kanya!" pagalit na tanong sa kanya nito.
"Eh kase manang, nagulat ako ng bumusina s'ya. Nabasa ko ang hood ng kotse n'ya. Ang sabi niya kakapawax pa lang daw n'ya ng sasakyan niya. Tapos tinanong n'ya ako kung bakit ako raw ang nagdidilig ng mga halaman, hinanap niya si mang Jun sa akin, tapos sinabi ko naman na may sakit. Hindi ko naman sinasadya ang pagkakabasa ng kotse n'ya, promise manang Lilia, nagulat lang talaga ako sa biglang pagbusina niya sa labas ng gate." pagkukwento n'ya sa nangyare kanina sa labas.
"Kaya naman pala eh! ipiinaliwanag mo ba? humingi ka ba ng pasensya kay sir Nathan? Ikaw talaga Aye, hindi ka nag iingat sa trabaho mo! Alam kong iniisip mo ang kalagayan ng inay mo kaya madalas na lumilipad yang isip mo. Pero sana naman kapag oras ng trabaho ay mag focus ka sa ginagawa mo. Gusto mo bang mapaalis ka agad dito sa mansyon? Kapag nangyare yun paano ang pinangako mo sa inay mo na tutulungan mo siya sa pagpapagamot niya. Saan ka magtatrabaho para may ipampadala kang pera sa kanila? Ikaw na lang ang inaasahan ng inay mo na makakatulong sa pamilya ninyo magmula ng mamatay ang itay mo. Alam mo naman iyon hindi ba!?" sermon pa sa kanya ni Manang Lilia.
"Sorry po manang Lilia, hindi na po mauulit aayusin ko na po ang trabaho ko!" aniya na lang na tinanguan naman s'ya ni Manang at tahimik na silang kumilos sa kusina.
Narinig naman ni Nathan ang usapan sa kusina. Kukuha sana siya ng malamig na tubig sa refrigerator ng mahimigan niya ang pagsesermon ng mayordoma nila sa kausap nito na aalis na sana s'ya ng marinig nya ang pamilyar na boses ng babae na kausap n'ya lamang kanina sa gate.
Nasa labas lang siya ng pinto ng kusina at mataman na nakikinig ng makita siya ng isang kasambahay.
"Sir may kailangan po ba kayo?" aning tanong ng kasambahay na si Rose kay Nathan.
"Ah wala!" at naglakad papuntang sala at naupo roon si Nathan at nagkunwareng nagbabasa ng magazine na nasa ibabaw ng center table ng sala nila.
Nagkibit balikat na lang si Rose sa ginawa ng amo nila at pumasok na ng kusina.
Lumipas ang ilang linggo na pagtatrabaho ni Ayesha sa mansyon na hindi niya gaanong nakikita si Nathan sa mansyon na iniiwasan din naman niya kapag naroroon dahil ayaw niyang masungitan pa siyang muli ng lalaki.
"Ayesha, pwedeng ikaw na muna ang maglinis ng kwarto ni sir Nathan? Hindi ko pa kase nalinis ang room niya medyo sumama ang pakiramdam ko pakiramdam ko maliliyo ako." hinging pabor sa kanya ni Rose na ng tignan niya ito ay namumutla nga kaya hinawakan n'ya ang noo nito at napagtanto niyang nilalagnat nga si Rose.
"Sige ako na ang maglilinis nun, wala naman si sungit kaya okay lang! Pahinga ka na lang muna sa kwarto natin at uminom ka ng gamot. May pagkain sa kusina gusto mo bang kumain na muna? ipag- iinit kita?" pag aalala niya kay Rose.
"Hindi na busog pa naman ako, iinom na lang ako ng gamot at magpapahinga. Unahin mo ang kwarto ni Sir Nathan ha kase parating na 'yon ang sabi ni senyora Mildred." bilin pa ni Rose sa kanya.
"Oo sige, aakyat na ko sa taas ng masimulan na. Ayokong madatnan ako ni sir Nathan sa kwarto n'ya. Baka pagsungitan na naman ako n'on kapag nakita ako!" Iniwan na niya si Rose at kumuha ng mga gagamitin niya sa paglilinis.
Mainit ang ulo ni Nathan habang pauwe sa mansyon dahil sa hindi sila ang nakakuha ng project na pinabidding ng isang real estate na magpapatayo ng Condominium building sa Makati. Construction firm kase ang kompanya ng mga Altamonte na kasalukuyan niyang pinamamahalaan dahil ang kuya niyang si Joshua na presidente ng kompanya nila ay nasa ibang bansa pa, kasama ang sarili nitong pamilya na nagbabakasyon.
Tuloy-tuloy na pumasok si Nathan sa kwarto n'ya at ibinagsak ang katawan sa ibabaw ng kama at ipinikit ang mata niya ng ilang minuto ay nakarinig siya na parang may kumakanta sa loob ng banyo ng kanyang kwarto.
Love moves in mysterious ways
It's always so surprising
when love appears over the horizon
Ill love you for the rest of my days
But still its a mystery
Oh, how you ever came to me
Which only proves
Love moves in mysterious ways.
Rinig niyang inaawit ng nasa loob ng banyo at inulit pa at nilakas pang lalo ang pagkanta.
"What the heck!" tumayo mula sa pagkakahiga si Nathan at kinatok ang pinto ng banyo niya.
Natigil naman sa pagkanta si Ayesha ng marinig niya ang sunod sunod na katok sa pinto. " Hala! dumating na si sungit nakakahiya narinig pa yata ang pagkanta ko. Naku! ano ba yan pag mamalasin ka nga naman Aye oh! bakit kase ngayon pa umuwe ng maaga ang sungit na to!"
"Sinong nandiyan sa loob? Pwede bang wag ka ng kumanta at manahimik ka ang sakit sa tenga ng boses mo!" sabi ni Nathan ng hindi pa rin binubuksan ang pinto ng banyo ng nasa loob.
"Ah sir, sige po hindi na po ako kakanta para sa inyo!" malakas na sabi niya para marinig s'ya ni Nathan.
"Makapagsalita naman kala mo maganda boses n'ya, baka nga boses palaka pa siya kung s'ya ang marinig kong kumanta." mahinang wika naman niya sa sarili.
"Hindi ka pa ba tapos maglinis diyan? pakibilisan at magbabanyo ako.!?" Pang iinis ni Nathan dahil sa nakatapat ang tenga niya sa pinto dinig pa n'ya ang huling sinabi ng babae na alam na niyang si Ayesha ang nasa loob ng banyo niya.
"Bwiset na sungit na 'to, kakalinis ko lang dito gusto na agad dumihan." pabulong na naman niyang sabi sa sarili.
"Yes sir, saglit na lang tapos na 'ko. lalabas na lang po ako kapag okay na!" pasigaw n'yang sabi.
Hindi naman na nagsalita pa si Nathan na inilingan na lamang ang sinabi ni Ayesha.
Nang hindi pa nakakahakbang ng malayo si Nathan palayo ng banyo ay narinig n'yang may kumalabog sa loob ng banyo niya.
"Aray ko po, ang sakit! ang paa ko, putsa na sprain pa ata!" Nadulas si ayesha ng ma out of balance sya ng matapakan nya ang basang basahan na hindi n'ya napansin.
"Anong nangyare sayo!?" bulalas na tanong ni Nathan ng sa pagbukas niya ng pinto ay nakita n'yang nakasalampak na si Ayesha sa sahig ng banyo at hawak ang kanang paa nito.
"Sir, nadulas po ako eh! ang sakit ng paa ko na sprain po ata!" sagot niya kay Nathan.
Napapikit naman ng mata si Nathan at halata ang inis sa mukha nito.
Tinulungan naman ni Nathan si Ayesha na makatayo at inalalayan n'ya ang babae na maupo sa sofa na nasa loob ng kwarto n'ya.
"Maupo ka na muna rito at tatawagin ko si Manang Lilia. Napaka clumsy mo kase hindi ka nag iingat!." ani ni Nathan na ikinaingos ni Ayesha.
"Bakit ginusto ko bang madulas at mapilayan!? Nasaktan na nga ako rito pinagsusungitan mo pa ko! Minsan naman sir maging sensitive ka naman." angil n'ya sa lalaki na sinamaan siya ng tingin na binalewala n'ya naman.
Iniwan s'ya ng lalaki sa loob ng kwarto at tinawag nga ang mayordoma nila.
" Susme kang bata ka! Anong nangyare sayo?"
Bulalas na tanong ni Manang Lilia ng makita s'ya.
"Nadulas po ako ng matapakan ko po yung basang basahan sa loob ng banyo. Masakit po manang ang paa ko, namamaga na po ata!" aniya sa matandang babae.
"Kaya mo bang ilakad?" tanong ni Manang.
Sinubukan tumayo ni Ayesha ngunit nasasaktan naman s'ya.
Nagulat na lang sila ni Manang Lilia ng bigla siyang buhatin ni Nathan.
"S-sir Nathan!" sambit ni Ayesha.
"Wag kang malikot ng hindi ka mahulog! Manang mauna ka na hindi ko alam kung saan ang kwarto nito." utos ni Nathan sa mayordoma.
"Ah eh sige Nathan! Salamat." aning pasasalamat ni Manang na sinulyapan naman si Ayesha na nahiya naman bigla kay Manang Lilia.
Pagkarating nila sa kwarto ni Ayesha ay dahan dahan na ibinaba ni Nathan ang dalaga.
"Manang pakitawagan na lang si Doctor Reyes, para matignan ang paa ng babaeng clumsy na, reckless pa!" pang iinis ni Nathan kay Ayesha.
Ngiting aso naman ang ipinakita ni Ayesha kay Nathan na lihim na ikinangisi ni Nathan.
"Sir Nathan, salamat! Mabait ka rin naman pala eh! Pero masasabi kong matalas din ang dila mo talaga. Pero thank you pa rin." turan ni Ayesha.
Hindi naman siya pinansin ni Nathan na sinadyang dedmahin ang sinabi niya. Kaya nainis na naman si Ayesha sa senyorito nila.
"Napaka sungit mo, kainis ka!. Naku pasalamat ka amo ka namin eh!" pabulong na wika niya sa sarili na hindi naman narinig nila Manang at Nathan.
Tumalikod na si Nathan sa kanila at lumabas ng kwarto ni Ayesha. Bago pa siya tuluyang makalayo ay narinig pa niya ang panenermon ni Manang Lilia kay Ayesha pagkalabas na pagkalabas niya.
Napangiti siya ng sagutin din nito ang mayordoma nila. Una pa lang alam na niya na may pagkapalasagot si Ayesha na una niyang na obserbahan sa ugali ng babae. Na imbes na ikagalit niya rito ay natutuwa pa siya kay Ayesha dahil ito lang ang may lakas ng loob na sagut sagutin siya sa pamamahay nila.