Chapter 6

1734 Words
JASPER'S POV Maaga pa lang ay nagising na ko sa tunog ng alarm clock ng cellphone ko dahil excited ako sa pagpunta namin ng Zambales dahil ngayon ang araw ng Team Building na gaganapin roon. Nauna na sina Arnel at Romary nagpunta sa isang Resort doon kung saan nagpa book ang kumpanya. Kaya naman si Rodjun, Marvin at ako na lamang ang makakasama ng mga empleyado ng DcEC. Pag park ko pa lang ng sasakyan ko ay napansin ko na si Rodjun at Marvin na may mga kasamang babae at nakilala ko naman na ang mga kasama nila sa bar kung saan kami madalas nagpupunta nila Rodjun " Pre, sakto ang dating mo kararating lang din namin ni Marvin. si Ericka at si Celine nga pala natatandaan mo naman sila di ba? " malokong sabi ni Rodjun, tinanguan niya naman ito at ngumiti sa kanya ang dalawang babae at lumapit naman sa kanya yung nagngangalang Celine kaya napatingin siya kay Rodjun at malokong ngiti ang isinukli sa kanya na sa ganoong aksyon ay nagkakaunawaan na sila kaya napailing na lamang siya at hinayaan ang babae na humawak sa braso niya. " Paano yan sa bus tayo sasakay ayos lang ba sa inyo girls? malinaw naman ang utos ni Mr. CEO na kasama natin ang ibang mga bosses at ilang empleyado kaya walang magdadala ng sasakyan. " saad naman ni Marvin na kasa kasama si Jenylyn na matagal na ring dini date ng kaibigan nila. " No worries boys basta kasama kayo go lang kami. " sagot naman ng babaeng katabi ni Rodjun " Mauna na kayong dalawa sa bus susunod na lang kami ni Jen maaga pa naman may kukunin lang ako sa loob ng opisina ko. " saad naman ni Marvin at hinila na si Jen papasok ng building na ikinatawa't iling na nilang dalawa ni Rodjun dahil alam nila ang binabalak ng kaibigan nilang si Marvin. naglalakad na kaming apat papunta sa bus na sasakyan namin ng makita ko si Sandra na kababa lamang ng taxi na magiliw pang kinakausap ang matandang driver lalapitan ko sana siya ng maunahan ako ng isang empleyado na nakikilala ko dahil siya ang lalaking umakbay kay Sandra nung nakaraan sa may lobby ng building at dahil malayo sila ay hindi ko naririnig ang pinag uusapan nilang dalawa pero nakakaramdam na naman ako ng selos dahil sa nakikita kong pagkagiliw ni Sandra sa kausap niya. naglakad na sila patungo sa bus kung saan doon din kami sasakay nakita kong tinulungan pa si Sandra ng lalaking kausap niya paakyat na si Sandra ng pigilan siya at hawakan sa braso narinig ko pang sinabi na tatawagan nito si Sandra kaya naman nag init na ang ulo ko at nagpatiimbagang ako sa aking nasaksihan. " Ms.Periera, hindi ka pa ba sasakay ng bus? Will you excuse us? nakaharang kayo sa daan. " ang sabi ko na matalim ang tingin sa kanila na halos gusto ko ng suntukin ang lalaking nasa tabi niya. " So- sorry sir Jasper " ang sabi niya kaya napapikit ako dahil kailangan kong ikalma ang sarili ko at umakyat na rin kami ng bus ni Celine " Sandra, pasok ka na ng bus. kita na lang tayo mamaya. " dinig ko pang sabi sa kanya nung Roel. Sa may bungad lang kami naupo nila Rodjun dahil ang iba ay sa likod ang pwesto at pag pasok ni Sandra ay tinitigan ko pa siya ngunit nakayukod ito at diretsong naglakad sa likurang bahagi ng bus kung saan naroon na ang ibang empleyado at dahil inaantok pa ko ay nakatulog na pala ako sa byahe ng di ko namamalayan at naalimpungatan ako ng makarinig na malakas na volume na kanta ng bts na dynamite napansin ko naman si Sandra at nag sorry sa mga taong nasa loob ng bus nag stop over na pala ang bus. Susundan ko sana si Sandra nang mapansin kong nakatulog pala sa braso ko si Celine at hindi pa rin nagigising kaya hindi na ko nagtangka pang tumayo hanggang sa makarating na kami ng Zambales. "P're musta ang byahe nyo? " salubong sa amin ni Arnel na naka akbay pa sa balikat ni Romary. " Maayos naman, safe ang lahat. " aning wika naman ni Marvin na nilapitan na ang mag jowa kaya sumunod na kami nila Rodjun. " Pare, ayokong makasama sa kwarto ko si Celine hindi ko sinabi sayong bigyan mo ko ng babae ha paano ako makakadiskarte kay Sandra kung ganyang ayaw akong lubayan ng kasama ng babae mo. " mahina kong bulong kay Rodjun. Ngunit nginitian lang ako nito at tinapik sa braso at tumawa ng nakakaloko kaya napasipa na lang ako sa sahig dahil sa inis. Lunch time ng mag aya si Arnel na magpunta na kami ng bulwagan ng resort dahil doon siya nag pahanda ng catering food para sa aming lahat. Pagpasok pa lamang namin ay marami ng tao sa loob at nagsisimula na ring pumila ang iba dahil self service ang set up ng catering. Inilibot ko ang aking mga mata dahil nais kong makita si Sandra. Nakita ko siyang nakapila na rin pala kasama ng mga kaibigan niya nang tawagin ako nila Rodjun at dahil kasama namin ang CEO ay may nakalaan ng lamesa para sa amin hindi na rin namin pa kailangan pumila dahil may kumukuha na para sa amin habang sinisimulan na namin kumain ay nahagip ng mata ko si Sandra na kausap na naman ang lalaking kausap niya kanina bago kami umalis sa DcEC ayun na naman yung pakiramdam na gusto kong manapak ng tao. " Excuse me mag mens room lang ako. " paalam ko sa mga kasama ko sa mesa. sinubukan ko pakalmahin muli ang sarili ko kaya naghilamos ako ng mukha at huminga muna ng malalim saka lumabasa ng mens room ng may makasalubong akong waiter. " Excuse me, Im Mr. Curtis may iuutos lang ako sayo kung pwede? nakikita mo yung babae na nasa table na yon yung may dalawang dimple malapit sa gilid ng labi? " at itinuro ko pa ang pwesto ng lamesa nila Sandra tumango naman ito. " pakibulungan sabihin mo na lumipat siya lamesa ng boss niya yun lang sige salamat. " bago ako nakabalik ng lamesa ay nakita ko ng kausap na nito si Sandra. maya maya lang ay nakalapit na si sandra sa lamesa namin. " Boss pinapatawag mo raw ako? may ipapagawa po ba kayo saking importante? baka naman pwedeng mamaya na, lunch time pa oh!" ang sabi niya ng makalapit kay Marvin na napaawang ang bibig na lihim ko namang ikinasipa sa paa ni Marvin sa ilalim ng lamesa na nakuha naman ang ibig kong sabihin. " Ah yes! Sandra, maupo ka na lang sa tabi ni Jasper at baka may kailanganin ako mas mabuti na yung malapit ka lang di ba. " saad ni Marvin habang nakatingin sa akin at hindi ako nagpahalata at agad akong kumuha ng silya at inilagay sa tabi ko upang makatabi ko si Sandra. Hindi ko mapigilan ang hindi ngumiti dahil nagbubunyi ang aking kalooban. Lalaki ako pero putsa kinikilig ako sa tuwing nadadampi ng braso niya ang braso ko. " Jasper, gusto mo ng porkchop? " tanong ni Celine kaya napabaling ang tingin ko sa kanya " Ah wag na, salamat " sagot ko naman " eh itong chopsuey gusto mo? " muli pang tanong ni Celine dahil sa ayoko namang mapahiya siya ay tumango na lang ako at nilagyan niya ng gulay ang plato ko na ngiting ngiti akong pinagsisilbihan. " Sandra, okay ka lang ba? durog na durog na yang porkchop sa plato mo oh! " saad na wika ni Marvin kaya nalipat ang tingin ko sa plato ni Sandra at sa kanya mismo " Yes boss, okay lang ako don't mind me hehehehe... gusto ko lang talaga na ganito ito kainin. " ang sabi niya kaya napangiti ako ang cute niya talaga ang sabi ko sa isip ko lang " Weird " narinig kong sabi ni Ericka dahil magkatapat ang pwesto nila ng tumayo at magpaalam na mag ladies room lang at inaya rin nito si Celine ng makalayo na ang dalawa ay malakas na natawa sina Rodjun at Arnel na ikipinagtaka ko naman at ni Marvin. " Anong nakakatawa Pre? " tanong ko sa kanila " Natakot ata si Ericka kay Sandra hahaha. " ang sabi ni Rodjun. " Hindi ko akalain na may ganyan ka pa lang ugali Ms.Pereira no wonder kaya marami ang nahuhumaling sayo sa opisina. " pahaging ni Rodjun kay Sandra " Naku Sir, wala naman po. Kayo talaga Sir Rodjun hindi ko rin po akalain na tsismoso pala kayo. " saad ni sandra at nag sign peace pang nakangiti kay Rodjun at nagpabunghalit ng tawa ni Marvin at Arnel habang ako ay nakangiti kay Sandra. " Ibig mong sabihin Sandra walang nanliligaw sayo sa opisina? " si Romary na ang nagtanong " Ah.. ehh.. may ilan naman po Ms. Romary pero hindi ko naman po ini entertain, walang pag asa agad kumbaga basted. Hindi pa kase ako handa sa isang relasyon gusto ko po munang ipriority ang pamilya ko kapag ready na ko why not naman na di ba? " saad pang muli ni Sandra na nagpabagsak ng balikat ko at nagtinginan ang tatlong bugok sa akin. " Wala ka man lang ba nagugustuhan na lalaki? " pag ienterogate ni Jenylyn kay Sandra. " Wow ha feeling ko na sa hot seat ako. pero sasagutin ko na rin Ms. dela Torre kung iniisip mo na crush ko ang boss ko nagkakamali ka gwapo si boss pero di ko siya type. may crush pero di naman ata ako crush hahaha ouch masakit yon.hehehe joke lang. " sagot niya sa tanong ni Jen na ikinatawa nilang muli. " Oh come on Sandra. Pero mas ok yan baka kase mamaya may sumapak na sa akin dito kung sasabihin mong crush mo ko. " saad naman ni Marvin na ikinatingin kay Jasper " Si boss talaga kaya di kita type puro ka kalokohan boss. pwede na ba ko umexit tapos ng lunch break. babalik na ko sa mga kaibigan ko tawagan mo na lang ako sa cellphone ko pag may kailangan ka. " di na sila hinintay na magsalita pa at tumayo na ito. naglakad pabalik sa pwesto ng mga kaibigan nito. " Narinig mo yon Jasper? " ang sabi ni Arnel kaya napailing na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD