Nakailang ulit pang nagtalik sina Sandra at Jasper ng magpasya na silang bumalik dahil sa pamimilit na rin ni Sandra dahil iniisip niya ang trabaho na iiwanan din niya agad at gusto rin niyang makaharap ang dalawang kaibigan na naging kasabwat ni Jasper sa pag papagaling niya. Hindi naman siya galit sa ginawa ng mga kaibigan dahil naiintindihan niya naman ang alam niyang irarason ng mga ito sa kanya. Gusto lang niya talagang makausap ang mga ito at hingan ng paliwanag. Masaya siya na maayos na silang muli ni Jasper na halata rin sa lalaki kung gaano ito kasaya ngayon. Napatunayan naman na niya kung gaano siya kamahal ng binata kaya wala na siyang pag aalinlangan pa na muli itong pagkatiwalaan at mahalin. " Anong iniisip mo? " tanong ni Jasper dahil tahimik lang siyang nakatingin sa karag

