Mag wawalong buwan na ang ipinagbubuntis ni Sandra na napag- alaman nilang kambal ngunit hindi nila alam kung pareho bang lalaki ang magiging anak nila dahil ng magpaultrasound si Sandra ay hindi nakita ng doktor ang gender ng isang baby nila ni Jasper at ang sigurado lang nila ay may isa na silang lalaking anak. Hindi na nila pinaulit pa ang ultrasound para surprise na rin daw kapag nanganak na si Sandra ang sabi ng mommy ni Jasper ng masabi nila ang naging resulta ng pagpapaultrasound ni Sandra nung nakaraang buwan. Ang importante ay parehong healthy ang baby nila sa sinapupunan ni Sandra na ikinapagpapasalamat ng lahat ng mga taong nagmamahal sa kanilang mag asawa. Pinatigil na rin ni Jasper sa pagtatrabaho si Sandra kahit na nagpipilit pa ito noon na pumasok sa kompanya na kasama siy
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


