Ilang buwan at linggo pa ang nagdaan mag mula ng iuwe ni Samara si Sandra sa kanilang mga magulang sa Binangonan at sa mga nakalipas na panahon ay tuluyan ng gumaling si Sandra at masasabi nilang bumalik na ang dating Sandra na nakilala nila noon sa tulong ni doktora Paula na napalapit sa pamilya nila Sandra na naging personal doctor na rin at therapist niya. Nakatulong din kay Sandra ang pagsama sama niya kay Doc Paula sa ilang Organizations na pinupuntahan nila na katulad niya ay mga nakaranas din ng miscarriage at ang iba pa nga ay mas malala pa ang nangyare dahil sila ay nadala pa ng siyam na buwan ang baby ngunit ng ipanganak ay nawalan din agad ng buhay. Na realize ni Sandra na kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay niya katulad ng mga taong nakasalamuha niya sa organization para ri

