AVYANNA'S POINT OF VIEW
Kinabukasan, nagpunta kami ni Beatrice sa auditorium dahil may audition ang singing club, hindi ako nagsayang ng oras nagpunta agad kami doon para magpalista ako. Nagulat ako na maraming mag audition ngayon, ang aga ko na pero ang dami na pala kaya heto nasa 271 ang number ko.
"Grabe ang dami palang mag a-audition," sabi ko kay Beatrice ng makaupo kami, nasa may pinakadulo na kami.
"Sikat din kasi itong club na ito," sabi niya. "Sumisikat din kasi ang mga nasa club dito, may sariling website kasi ang club na ito kung saan mapapanood ang mga member ng club, StarMix ang tawag dito. Paramihan ng mga followers kung sinong mas marami makakasali sa ranking kung saan madalas na kinukuha para maging singer." Tumango naman ako.
Inabot na ng lunch ang audition kaya ang iba nagsialis na muna para bumili ng makakain nila, malapit na rin naman ako kaya sinabi ni Beatrice na siya na ang bibili ng makakain namin baka kapag wala ako hindi na ako isali sa audition, ganyan daw kasi sila kapag wala automatic na disqualified sa audition.
Saktong dumating naman si Beatrice ng tawagin na ang number ko kaya hindi ko na nakain ang binili niya.
"Goodluck," sabi ni Beatrice, tumango naman ako saka umakyat ng stage, medyo kinakabahan pa ako dahil marami ng mga tao, may mga estudyante kasing pumunta pa mag audition. Nagbubulungan din sila habang tinuturo ako kaya mas nadadagdagan ang kaba ko.
"Introduce yourself at kung anong kakantahin mo," sabi ng isa sa judge.
Tumikhim na muna ako bago magsalita. "I'm Avyanna Hendrix, kakantahin ko ngayon ang kanta ni Moira Dela Torre ang Paubaya."
Tumango naman ito. "Okay, you can start."
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Huminga muna ng malalim si Avyanna bago mag simula. Abang na abang naman ang mga nanunuod, may iba sa kanila na hinihintay nilang magkamali ito o 'di kaya ay inaasahan nila tone-deaf ito para may pagtawanan sila, marami kasing may ayaw sa kanya dahil mahirap lang ito, naiinis sila dahil may nahalo ng mahirap sa school nila pero lahat ng nagbubulungan biglang tumahimik ng mag simulang kumanta si Avyanna.
"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?"
Exaggerate man pakinggan pero para silang nakarinig ng isang anghel na kumakanta ng marinig nila ang boses ni Avyanna. Napaka kalmado lang ng boses niya kaya masarap itong pakinggan. May mga pumikit para mas mapakinggan pa ang boses niya, kahit araw araw nila itong pakikinggan hindi sila magsasawang pakinggan ito.
Natapos ng kumanta si Avyanna, nakaramdam siya ng kaba dahil sobrang tahimik ng mga estudyante sa loob ng auditorium pero ilang segundo lang para siyang nabingi sa sigawan ng mga estudyante.
"More, more, more." Iyan ang naririnig niya sa mga estudyante kaya hindi niya maiwasang mapangiti maiwasan na mapangiti.
"Quiet," sabi naman ng isa sa judge gamit ang mike nito. Nagsitahimik naman ang mga estudyante. "You know Avyanna sa ilang taon kong naging judge sa audition ng club namin, ngayon lang ako nakarinig ng ganyan ka kalmadong boses, para akong nakikinig sa isang anghel. Sobrang nakakarelax pakinggan ang boses mo."
Nahiya naman siya sa sinabi nito. "Maraming salamat po."
Humarap naman ang judge sa mga nanunuod. "Gusto ko man sundin ang request niyo pero magtatagal lang tayo baka gabi na kami matapos kaya pakinggan niyo na lang siya sa website namin, okay?"
"Okay," sabi ng mga ito.
Humarap muli ito kay Avyanna. "Magkita na lang ulit tayo bukas okay?"
Nagtaka naman si Avyanna. "Tanggap na po ba ako?" tanong niya.
"Oo naman, matapos kong marinig ang boses mo hinding hindi na kita bibitawan pa," sabi niya.
"Salamat po," masayang sabi niya saka nag bow.
"Bumalik ka ulit bukas ha? Para makapag simula ka na, mukha kasing excited na ang mga nanunuod na pakinggan ka pa," sabi niya saka tumawa.
"Sige po," sabi niya at muling nag bow pagkatapos lumapit agad siya sa kaibigan niya, agad naman siya nitong niyakap.
"Ang galing mo pa lang kumanta, ang ganda ng boses mo," sabi nito matapos siyang yakapin.
"Salamat," sabi niya.
Magsasalita na sana si Beatrice ng magsilapitan ang mga estudyante sa kanya at pinagkaguluhan siya maraming nag co-congrats sa kanya kaya hindi na alam ni Avyanna kung sino ang uunahan niya, nagpasalamat siya ng hilahin siy ni Beatrice saka tumakbo paalis ng auditorium.
Sa kabilang banda, naggagalaiti sa galit si Nichole Kim ang Rank 5 ng StarMix siya lang ang nag iisang babae ang nasa rank kaya sikat na sikat siya pero nagagalit siya ngayon dahil hindi na siya pinapansin ng mga fans niya na kanina ay nanggugulo sa kanya, lahat naka atensyon na kay Avyanna.
"Mukhang may makakatapat ka na ah," sabi ni Emma, isa sa mga kaibigan niya.
Umirap naman siya, "Walang makakatapat sa akin, mas magaling ako sa kanya," sabi niya.
"Tama, kaya ka nga nasa rank 5 kasi magaling ka, umpisa lang 'yan pero kalaunan mawawala din ang hype," sabi ni Ava.
"Oo nga," sang ayon naman ni Layla.
'Tama, umpisa lang ito walang pwedeng makalampas sa akin. Ako lang prinsesa ng StarMix' sa isip ni Nichole.
"BOSS, TIGNAN MO ITO," sabi ni Lorcan kay Zoltan, ibinigay niya ang cellphone niya dito.
"What is this?" tanong ni Zoltan.
"Panuorin mo," sagot niya.
Pinanuod niya, nagulat pa siya sa umpisa pero napangiti rin siya kalaunan. "My princess is really talented."
"Sang ayon ako," sabi ni Acyn na nakaupo sa sofa ng leisure room nila. "Ang galing galing talaga ni Yanna pero nakakagulat talaga na makita na magaling pa lang siyang kumanta."
"Oo nga, nagulat ako ng makita ko ang video niya habang nag a-audition," sabi naman ni Ximen na nasa tabi ni Acyn habang naglalaro sa nintendi switch niya. "Oo nga pala." Hininto niya ang paglalaro niya. "Hindi ka pa ba magpapakita kay Yanna?"
Umiling naman si Zoltan. "It's not the time, I don't want her life to be messed up here right away."
"Sabagay, sa dami nating kaaway dito paniguadong idadamay nila siya para lang makaganti sa atin," sabi ni Ximen.
"But I will not let that happened," malamig na sabi niya.
Dadanak panigurado ang dugo kapag may nangyaring masama sa prinsesa niya. Kantiin na nila lahat 'wag lang ang prinsesa niya.
Tumawa naman si Lorcan. "Good luck na lang sa mga magbabalak na saktan si Yanna, makikita nila ng maaga si santanas."