AVYANNA'S POINT OF VIEW
"May naisip ka na ba na sasalihan mo ng club?" tanong ni Beatrice.
Napakunot naman ako ng noo. "Club? Kailangan bang sumali ng club?"
"Oo naman, dagdag rin ito sa grade," sabi niya.
"Eh paano kung wala akong makitang club?" tanong ko.
"Imposibleng wala kang makita dahil maraming mga club dito, kung ayaw mo ng sports meron naman 'yung mga brainy club, meron din 'yung mga talent club," sabi niya.
"Ano ano ba ang mga club?" tanong ko.
May kinuha naman siya sa bag niya. "Heto ang mga list." Binigay niya sa akin ang isang papel. Kinuha ko naman ito saka binasa.
SPORTS CLUB
-Basketball
-Baseball
-Volleyball
-Soccer
-Tennis
-Table Tennis
-Badminton
-Swimming
-Sepak Takraw
-Track and field
-Martial Arts
TALENT CLUB
-Singing
-Dance
-Entertainment
-Painting
-Instrument
BRAINY CLUB
-Math
-Science
-Filipino
-Journalist
-Readers / Writer
Grabe ang dami pa lang club, ang hirap tuloy mamili pero ekis na sa sports club wala naman akong alam sa sports, gusto ko sana sa brainy club kaya lang gusto ko rin sa talent club, mahilig akong kumanta lalo na kapag naliligo ako, hindi naman ako tone-deaf kasi nakakaintindi at nakakasabay naman ako sa mga kanta pero hindi ko naman sinasabi na magaling akong kumanta, marunong lang akong kumanta.
"So, may napili ka na?" tanong niya.
"Subukan kong sumali sa Singing Club kung hindi ako makuha doon na lang ako sa brainy club," sabi ko.
"Sige, samahan kita sabihin mo lang kung kailan," sabi niya.
"Hanggang kelan ba dapat sumali?" tanong ko.
"Kahit kelan 'wag mo lang paabutin ng isang buwan," sabi niya.
Tumango naman ako. "Ikaw anong club na sinalihan mo?" tanong niya.
"Painting Club, nakaka relax kasing mag painting, gusto ko sana sa journalist club kaya lang nakakapagod dahil kailangan naming mag stalk ng mga sikat na students para may mailagay sa website ng school," sabi niya.
"So, walang privacy ang mga ito sa mga journalist?" tanong ko.
"Ganun na nga pero hindi naman basta basta lang sila nag po-post, kailangan muna nilang dumaan kay head master bago ito ma approve kung hindi pwedeng ma disband ang club nila," sabi niya.
"Mabuti naman pala kung ganun," sabi ko.
"Speaking of that, na feature ka na sa website," sabi niya.
"Ha?" takang sabi ko.
"Wait pakita ko sa 'yo," sabi niya saka kinuha ang cellphone niya at may kinalukot siya doon, ilang minuto lang pinakita niya ito sa akin. "Ito iyon."
BREAKING NEWS: DUMATING NA ANG NAG IISANG SCHOLARSHIP NG EMPIRE UNIVERSITY
'Siya si Avyanna Hendrix, galing siya sa Crimson University. Kilala siya bilang Campus Goddess pero bago siya nakilala bilang campus goddess, nakilala muna siya bilang crazy stalker ni Justin Abraham na isang Campus Heartthrob pero isang araw lang bigla na lang itong nagbago na ikinagulat ng mga schoolmates niya at ang dating patay na patay kay Justin ay wala ng pakielam, nagbago rin ang itchura nito (look the picture under) at ang dating laging last sa grading ay biglang naging top 1, nahigitan niya si Justin na dating top 1.
Pinili si Justin at Avyanna para lumaban sa quiz bee at nakapag uwi ng gintong midalya at trophy at last year, sinali si Avyanna sa contest siya ang kaisa isang first year na naisali sa contest, marami rin siyang nakuhang achievement last year. Ito ang dahilan kung bakit kinuha siya ng Chairman na maging scholar para mas mag improve ang skills nito.'
Sa may pinakababa ng article may nakalagay na picture ng dating itchura ko.
"Hala, paano nila nalaman lahat ng mga ito?" tanong ko.
"Walang hindi malalaman ang mga journalist, kahit mag bayad pa sila basta makakuha lang ng information," sabi niya.
"Wow, ang galing naman nila," sabi ko.
"Iyan lang ang magiging reaction mo? Hindi ka magagalit kasi sinabi nila ang nakaraan mo?" tanong niya.
"Ayos lang totoo naman eh saka wala naman akong balak na itago iyon kasi naging parte iyon ng buhay ko," sabi ko.
"Wow, sana lahat open minded gaya mo," sabi niya.
"Alam mo kasi kung gusto mong matanggap ka ng ibang tao kailangan mo munang i-embrace ang sarili mong flow, 'wag mong ikahiya ang past mo kasi dahil doon mas naging malakas ka," sabi ko.
Napatango naman siya. "Sana ganyan din ako mag isip," malungkot na sabi niya.
Tinap ko naman ang ulo niya. "'Wag kang malungkot, darating din ang araw na matatanggap ka ng mga tao o kaya patunayan mo sa kanila na malakas ka."
"Pero 'di ko naman kayang gawin," sabi niya.
"Tutulungan kita," sabi ko.
"Talaga?" sabi niya at parang nagniningning ang mata niya.
"Oo naman, magkaibigan tayo diba?" sabi ko.
"Pero kakakilala lang natin kanina," sabi niya.
"Matagal man o kakikilala lang natin walang pagkakaiba doon, magkaibigan pa rin tayo," sabi ko.
Napangiti naman siya. "Hindi talaga ako nagkamali na kaibigan kita."