Chapter 25

1425 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Kinabukasan, maaga akong nagising dahil hahanapin ko pa ang room ko baka kasi maligaw ako at ma-late pa ako. Ayokong magkaroon ng bad record kaagad, kakaumpisa ko pa lang mag aral dito. Gusto kong magtanong pero sa tingin at kilos pa lang ng mga estudyante parang hindi nila ako papansinin kaya sariling sikap lang ako sa paghahanap ng culinary buiding. Madali ko lang naman nahanap ito dahil na rin sa tulong ng mapa na binigay sa akin kahapon ni Kuya Gino. Agad kong hinanap ang magiging room ko, nakarating na ako ng third floor ng makita ko ang magiging room ko. Bumuntong hininga muna ako bago ako pumasok ng room, tinignan na naman ako ng mga estudyante doon pero hindi ko na lang sila pinansin anghanap na lang ako ng upuan ko, pinili ko sa may likuran para iwas atensyon. Back to zero na naman ako, panibagong pakikisama na naman ang gagawin ko, hindi rin ako sigurado kung magkakaroon ako ng kaibigan dito. Sa pagkakaalam ko kasi sa mga estudyante dito ay matataas ang tingin nila sa sarili nila, ayaw nila na nakikipag kaibigan sa mahirap na gaya ko, sigurado naman ako na alam nila na mahirap lang ako. "Good morning class," sabi ng Prof na bagong dating. "I'm Mrs. Danica Bautista, you're adviser and culinary teacher. Kilala ako bilang strict pero hindi naman ako masama, malalapitan niyo pa rin ako kapag may kailangan kayo sa akin." May asawa na pala siya? Akala ko dalaga pa lang siya dahil napabata ng itchura niya. "Ngayon kayo naman ang magpakilala." Isa isa naman nagpakilala hanggang ako naman ang sumunod. Kahit nahihiya ako nilakasan ko ang loob ko na tumayo. "I'm Avyanna Hendrix, 21 years old," pakilala ko. 4 years na rin pala ang lumipas mula ng bumalik ako sa nakaraan, ang bilis talaga ng panahon. "So, ikaw iyong nag iisang scholarship ng school?" tanong niya, tumango naman ako. "Ang swerte mo naman at napili ka ni Chairman. Wala ka naman sigurong connection sa kanya diba?" Hindi ako manhid para hindi mahalata na minamaliit niya ako, hindi na bago sa akin ito, ganito ang tingin sa akin ng mga tao nung hindi pa ako nagbabago. "Hindi po," magalang na sagot ko. Kahit gusto ko siyang labanan mas magandang manahimik na lang lalo na at bago lang ako dito. Palihim niya akong inirapan pero napansin ko naman iyon. "Maupo ka na." Sinunod ko naman ang sinabi niya. LUNCH BREAK NA, kaya nandito ako sa dorm ko para dito mag lunch, ayoko naman sa canteen dahil wala akong kilala, marunong naman akong magluto kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa canteen, unlimited naman ang pagkain ko, nalaman ko na every week nagpapadala sila ng grocery sa akin. "Kumusta ka diyan?" tanong sa akin ni Mikaella habang kumakain ako. Nag video call ako sa kanila para kahit papaano may kasabay akong kumain. "Ayos lang," sagot ko. "Bakit parang pilit?" tanong niya. Napabuntong hininga naman ako. "Pakiramdam ko kasi hindi ako welcome dito, lahat ng mga schoolmate ko pati na rin ang mga prof ko minamaliit ako." "Mayayabang kasi ang mga estudyante diyan," sabi niya. "'wag mo na lang silang pansinin, hindi naman sila ang dahilan ng pagpasok mo diyan." Tama siya, hindi naman sila ang nag bigay ng scholar sa akin. "Oo nga pala nagkita na kayo ni Zoltan?" Umiling naman ako. "First day ko pa lang naman, magkikita at magkikita naman kami. Strict ang rules dito bawal pumunta sa ibang building na hindi mo course kaya hindi ako makapunta sa ibang building." Hindi ko naman alam kung saan ang building niya. "Kapag nalaman niya na nandiyan ka sigurado ako na siya mismo ang pupunta sa 'yo," sabi niya. "Oo nga," sagot ko. "Wala pa ba si Gianna?" "Wala pa eh, baka may ginawa kaya na-late," sabi niya. "Oh, speaking og which, nandito na si Gianna." Hinarap naman niya ang camera kung nasaan si Gianna, tumatakbo itong papalapit sa table nila. "S-Sorry, may pinagawa sa akin ang prof ko," hinihingal na sabi niya kay Mikaella tapos napatingin sa cellphone nito. "Oh, hi Yanna." "Hello," sabi ko. Umupo siya sa tabi ni Mikaella, nilagay naman muli ni Mikaella ang cellphone niya sa kung saan ito nakalagay kanina pero nilayo niya ng kaunti para makita silang dalawa sa camera. "Kumusta ka diyan?" tanong niya. "Ayos naman," sagot ko at sinabi rin sa kanya ang sinabi ko kay Mikaella. "Order na muna ako," paalam niya kaya si Mikaella na lang ang nakita ko. "Maraming nangyari mula ng hindi ka na pumapasok dito. Si Cheska tuwang tuwa ng mawala ka kasi para sa kanya siya na lang ang pinakamaganda dito, inangkin na nga niya ang title mo bilang campus goddess," Mahabang sabi ni Mikaella saka umirap. "Hayaan mo na lang siya kung doon siya masaya," sabi ko. "Nakakainis din kasi siya, akala mo kung sinong inosente pero kapag walang lalaking nakatingin sa kanya napaka demonyita niya. Nung nakaraan may nakabangga sa kanya na nerd nung una mabait pa siya dito tinulungan pa nga niya pero ng mawala ang mga lalaki bigla na lang nagbago ang ugali niya, sinigaw sigawan niya 'yung nerd. Pick me girl talaga ang babaeng iyon," sabi niya. "Shh, 'wag kang maingay baka may makarinig sa 'yo alam mo naman na baliw na baliw ang mga lalaki sa kanya," sabi ko. Tinaas naman niya ang kilay niya. "Wala akong pakielam kung may makarinig sa akin, wala naman silang magagawa sa akin eh." Napailing naman ako. Mayamaya dumating na rin si Gianna, nag kwentuhan lang kami ng mga ginawa namin hanggang sa mag time na kaya nagpaalam na sila habang ako may 30 minutes pa kaya may oras pa ako para makapag hugas ng plato. ISANG LINGGO na mula ng dumating ako dito sa Empire University, wala namang naging exciting panay lang ako sa library dahil wala naman akong kaibigan. Nagustuhan ko naman ang library nila dahil napakalaki tatlong floor ito pero open sa pinakagitna kaya kita pa rin sa first floor ang mga libro sa second at third floor. Medyo nagbabago na rin ang pakikitungo sa akin ng adviser namin, siguro dahil ako ang mas nakakasabay sa kanya pagdating sa pagluluto kaya mas nainis sa akin ang mga kaklase ko dahil never akong pinagalitan at sinigawan sa niluluto ko hindi gaya nila na konting pagkakamali lang nila panay silang pinagsasabigan. "H-Hello." Napaangat ako ng ulo ng may nagsalita sa harapan ko. Kasalukuyan kaming nasa library kaya mahina lang ang pagkakasabi niya. Nginitian ko naman siya. "Hello," bati ko rin. "A-Ano, ikaw 'yung nag iisang scholar dito diba?" tanong niya. "Yes, why?" tanong ko. Umupo naman siya upuan na nasa tabi niya sa harapan ko. "Ano kasi, lagi kitang nakikita dito, matagal kitang gustong makausap kasi nahihiya ako pero ngayon nag lakas loob ako para makausap ka. Alam mo kasi kahit na matagal na ako dito wala akong naging kaibigan dahil ayaw nila sa akin. Oo, mayaman ang Daddy ko pero anak lang ako sa labas kaya walang gustong lumapit sa akin." "Bakit naman sila ganun? Ano naman kung anak ka sa labas?" tanong ko. "Gusto kasi nila 'yung mga kaibigan nila ay matataas ang posisyon kasi marami silang makukuhang benefits sa kanila, hindi gaya ko na anak lang sa labas kaya wala silang makukuha sa akin," sabi niya. Sabagay ganyan naman ang mga mayayaman, makikipagkaibigan lang sila sa mga mapapakinabangan nila in the future. "Pero alam mo thankful pa rin ako na kahit anak lang ako sa labas tinanggap ako ni Mommy, ang asawa ni Daddy, tinuring niya ako na totoo niyang anak. Mula ng mamatay kasi si Nanay kinuha na nila ako. Ang sabi sa akin ni Mommy, aksidente lang naman ang nangyari kaya may nangyari kina Nanay at Daddy, hindi rin naman nanggulo si Nanay, sinikreto pa nga niya na may anak siya kay Daddy pero sinabi rin niya kalaunan ng lumalala ang cancer niya, nag aalala kasi ito na baka wala akong matuluyan kapag nawala siya." Mahabang sabi niya tapos biglang nanlaki ang mata niya tapos napatakip siya ng bibig. "Hala, sorry ang daldal ko na pero hindi pa ako nagpapakilala." Napangiti naman ako sa kanya. "It's okay, at least hindi ka na awkward sa akin." "Ako nga pala si Beatice Taylor." Pakilala niya. "Avyanna Hendrix," pakilala ko rin saka nakipagkamay sa kanya. "So, pwede na tayong maging magkaibigan?" tanong niya. "Oo naman, wala pa rin naman akong kaibigan," sabi ko. Natuwa naman siya. "Salamat." Nakakatuwa na may kaibigan na ako dito, ayos lang kung isa lang at least may kaibigan na ako dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD