Chapter 24

1644 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW "Dean, bakit niyo ako pinatawag?" tanong ko. Isang linggo pa lang naman ang nakalipas ng magsimula ang klase. Second year college na ako, ilang taon na lang malapit na akong makapagtapos matutupad ko na ang pangarap ko na maging isang chef. "You know Avyanna, I'm proud that you became my student, hindi ka lang matalino magaling ka pang magluto, last year ang dami mong achievements na naiuwi sa school natin," sagot ni Dean, napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko siya maintindihan. "What do you mean po?" takang tanong ko. "Ayokong maalis ka sa school namin pero tama siya kailangan na mas i-improve ka pa kaya nag desisyon kami na ilipat ka ng school para mas lalo kang mahasa," sabi ni Dean. "Po?" Hindi pa nagpa-process sa utak ko ang sinabi niya. "Ililipat ka namin sa Empire University, mas magagaling ang mga Professor doon, nandoon din ang isa sa mga pinakamagaling na Chef, mas matuto ka kung doon ka mag aaral," dagdag ni Prof, doon ko na naintindihan ang sinasabi niya kaya nanlaki ang mata ko. "P-Po? Ililipat niyo ako sa E-Empire University? Pero ang mahal po ng tuition fee doon," sabi ko. "Don't worry, full scholarship ka doon lahat sagot ng school kahit pambayad ng project mo sila ang mag po-provide, ang tanging gawin mo lang ay pumasok at mag aral," sabi niya. "Hindi po ba parang sobra naman?" tanong ko. Umiling namna siya. "No, ikaw lang naman ang scholar nila doon at ikaw pa lang ang kauna unahang kinuha nila sa isang school." "Pero bakit naman ako po ang napili nila?" tanong ko. "Hindi ko alam ang dahilan, ang tangin sinabi lang sa akin ng dean doon ang chairman ng school mismo ang kumuha sa 'yo, hindi nito sinabi ang dahilan kung bakit ka niya kinuha. Siguro nakita nito ang taglay mong talino, marami ng kumukuha sa 'yo noon pero hindi ako pumapayag pero dahil Empire University na ang kumukuha sa 'yo hindi na ako nagpaka selfish pa dahil alam ko na mas marami kang malalaman doon sayang kung papalampasin ko ang bagay na iyon," paliwang niya. Natahimik naman ako, masyado akong na overwhelm hindi ko alam kung anong i-re-react ko. Gusto ko talaga na makapasok sa Empire University dahil mas maraming opportunity akong makukuha doon pero naisip ko sina Gianna at Mikaella paano sila kapag nawala ako dito? Hindi ko na sila makakasama pa. "Ahm, pwede ko muna po bang pag isipan?" tanong ko sa kanya. "Sure, hindi naman kita pinipilit, ikaw ang papasok doon kaya ikaw ang mag desisyon pero gusto ko lang sabihin na pag isipan mo ng maayos dahil sayang ang pagkakataon na ibinigay sa 'yo kung sasayangin mo lang," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Opo," sagot ko pagkatapos nagpaalam na ako sa kanya. "TANGGAPIN MO," sabi ni Mikaella. "Sayang kung hindi mo tatanggapin." "Pero paano kayo? Kung tatanggapin mo hindi ko na kayo makakasama," sabi ko. "Marami pang pagkakataon at paraan para magkita kita tayo pero ang pag pasok mo sa Empire University isang chance lang iyan," sabi niya. "Tama siya, hindi naman porket wala ka na dito ay hindi na tayo magkikita pa, meron namang weekends para magkita tayo sa labas," sabi naman ni Gianna. Napabuntong hininga naman ako, tama sila isang pagkakataon lang ito kapag tinggihan ko hindi ko alam kung mabibigyan ulit ako ng pagkakataon. "Look, Yanna." Kinuha ni Mikaella ang dalawang kamay ko saka hinawakan ito. "Mag kakaibigan pa rin naman tayo kahit malayo na tayo sa isa't isa at hindi magiging hadlang iyon para hindi gumanda ang samahan natin. May social media naman para mag communicate tayong tatlo at may weekends para magkita kita tayo ulit, isa pa ayaw mo iyon magkikita ulit kayo ni Zoltan araw araw, diba doon siya nag aaral?" Oo nga pala nadoon nga pala si Zoltan. "Kaya tanggapin mo na okay?" "Okay," sagot ko. "Balitaan mo kami kapag may nakita kang gwapo ah? Ireto mo sa akin," sabi niya kaya natawa kami ni Mikaella. Hindi pa rin talaga siya nagbabago at gusto iyon, ayokong magbago siya gusto ko kung ano siya iyon lang siya. NAKATINGALA ako ngayon sa napakalaking gate ng Empire University, mas malaki pala ito sa personal. Sa ilang buwan kong paghihintay ay sa wakas papasok na ako sa Empire University. Naghintay pa ako ng ilang buwan bago makapasok dito dahil nga iba ang pasukan nila sa mga normal na school. Hindi na rin ako pwedeng pumasok sa dating school ko dating magugulo lang ang record ko kaya nagkaroon tuloy ako ng napakahabang bakasyon pero swempre hindi naman ako basta walang ginagawa lang, kahit na may mga employee na si Mama tumutulong pa rin ako sa karenderya. "Miss estudyante ka ba dito?" tanong ng lady guard, medyo may pagkamataray ang tanong niya. "Ah, oo," sagot ko. "Kung ganun bakit hindi ka pa pumasok? Ngayon ka lang ba nakakita ng napakalaking gate?" Mataray na sabi niya. Magsasalita sana ako ng may naunang nagsalita. "Ano bang pakielam mo kung ngayon lang siya nakakita?" Nakita ko naman namutla ang lady guard. "Binalaan na kita diba? Sinabi ko naman na kapag nahuli pa kitang tinarayan ang mga estudyante tatanggalin na kita." "Sorry, headmaster, h-hindi ko na uulitin," utal na sabi ng lady guard. "Sinabi mo na iyan sa akin dati pero hindi mo pa rin binabago ang ugali mo kaya pasensya ka na pero tanggal ka na, umalis ka na sa harapan ko," sabi nito. Umalis ng dismayado ang lady guard. "You're Avyanna, right?" Napaharap naman ako sa kanya ng magsalita siya. "Yes po," sagot ko. "I'm Lynnette Alvarez, head master nitong school kinagagalak kitang kakilala," pakilala niya sa akin at nilagad ang kamay niya para makipag kamay, nakipagkamay naman ako sa kanya. "Nice to meet you po," sabi ko. "Matagal na kitang gustong makilala dahil gusto kong makilala ang kaisa isang scholar ni chairman," sabi niya. "Talaga po?" tanong ko. "Oo naman," sagot niya. "Tara pumunta tayong office ko para mabigay ko ang mga dapat kong ibigay." Tumango naman ako. Naglakad na kami papunta sa ofice niya, habang naglalakad kami panay lang ang linga ko at sobra akong namangha sa mga nakikita ko. "Ang lawak naman ng school na ito," sabi ko. Nakangiti namang tumingin siya sa akin. "Mas malawak pa ang school na ito sa inaakala mo, may mag to-tour naman sa 'yo mamaya kaya makikita mo ang kabuuan ng school." Pagdating namin sa office niya, pinaupo niya muna ako sa upuan na nasa harap ng table niya pagkatapos may kinuha sa isang cabinet. "Here's your school uniform and your dorm key," sabi niya. Yes, mag do-dorm ako kaya nalungkot sina Mama ng malaman nila na malaman nila ma mag do-dorm ako pero hindi naman nila ako pinigilan, pwede naman akong umuwi kada weekends, isa pa busy rin naman sila sa trabaho nila. "Bukas na lang ulit tayo mag usap, magpahinga ka muna sa dorm mo para makapag ayos ka na rin ng gamit mo, ihahatid ka naman ng secretary ko sa dorm mo," sabi niya. "Sige po, maraming salamat," sabi ko saka kinuha ang maletang kanina ko pa dala. Bigay ito sa akin ni Mommy kesa naman sa buli raw ako bigay na lang niya sa akin ang lumang maleta niya, hindi niya na rin ito ginagamit. Mabuti naman malaki ito kaya nakapagdala ako ng maraming damit ko, 'yung mga hindi ko pa halos nagagamit ang dinala ko, sayang naman kung hindi ko sila isusuot. Ang sabi ko naman kay Mama, pwede na niyang ipamigay ang mga naiwan kong damit, hindi pa naman ganun ka luma kaya lang ang dami ng mga damit ko kaya kailangan kong mag declutter , naitapon ko naman ang mga lumang damit ko pero konti lang iyon mas madami pa rin ang damit na binili sa akin ni Mommy at ni Zoltan. "Hanggang dito na lang ako, bawal pumasok ang mga lalaki sa dorm niyo," sabi sa akin ni Kuya Gino pakilala niya sa akin kanina, ang secretary ni Ms. Lynnette. "Sige, maraming salamat," sabi ko. Hinintay ko munang makaalis si Kuya Gino bago ako pumasok sa dorm, nakaramdam naman ako ng ilang ng magsitingin sa akin ang mga estudyante. Humuko ako para iwasan ang mga tingin nila, nagpunta ako sa elevator saka pinindot ang fifth floor, nandoon kasi ang room ko. 509 ang number ng dorm ko. Nang makarating ako doon agad kong binuksan ang pinto. Napahanga naman ako dahil mala condo ang dating ng school, kumpleto ito sa gamit, ang ganda ng mga sofang nakalagay. Nilagay ko muna sa tabi ang maleta ko para malibot ko ang dorm ko, binuksan ko muna ang kurtina para lumiwanag lalo, nakita ko naman na floor to ceiling ang bintana gaya ng sa office ni Zoltan kaya kitang kita ang ganda ng view, napansin ko rin na may maliit na balcony meron itong nakalagay na egg swing. Matapos kong pagmasdan ang view nagpunta naman ako sa mini kitchen na agad kong inuna ang ref na hanggang dibdib ko ang taas. Natuwa naman ako ng makita kong maraming laman ang loob ng ref, may mga stock din sa cabinet na nadoon. Bumalik muli ako sa sala para kunin ulit ang maleta pagkatapos pumasok ako sa kwarto. Malaki ang kwarto kasya ang queen size bed, floor to ceiling din ang bintana, may built in cabinet na floor to ceiling din. Nilapag ko ang maleta ko sa kama pagkatapos nag punta ako sa c.r, ang ganda rin ng c.r, may bathtub ito. Lumabas muli ako sa c.r at lumapit sa maleta ko, ilalagay ko na ang mga damit ko sa cabinet. Isang oras din akong nag lagay ng magagamit ko, sabi ko nga marami rami ang damit na dala ko. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpalit muna ako ng damit bago ako punta sa kusina para magluto, hindi naman ganun karami ang niluto ko dahil ako lang namana ng kakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD