AVYANNA'S POINT OF VIEW
"CONGRATIOLATION!" Iyan ang bungad sa akin ng mga kaklase ko pagpasok ko ng classroom.
"Maraming salamat," sagot ko. "Pasensya na hindi ako nakapasok ng finals." Ang nanalo pala sa finals ay si Senior Clake, ang galing galing naman kasi talaga niya. Kaya siya ang representative ng school namin.
"Ano ka ba ayos lang, nakaka proud ka nga dahil naka pasok ka ng top 3, biruin mong natapatan mo ang mga seniors," sabi ng isang kaklase ko na sinang ayunan ng iba.
"Maraming salamat at maraming salamat sa suporta," sabi ko, mula umpisa hanggang huling laban ko sinuportahan nila ako, may mga banner pa silang ginawa para sa akin.
"Wala iyon, swempre nirepresentative mo ang section natin at hindi lang section natin buong first year kaya talagang susuportahan ka namin," sabi ng isa pang kaklase ko.
Napangiti na lang ako, hindi ko akalain na makaka- receive ako ng ganitong treatment hindi gaya dati na parang may sakit ako kung pandirihan at harap harapan akong iniinsulto, noon wala namana kong pakielam pero kapag naaalala ko hindi ko maiwasan na masaktan.
"Tara kain na tayo," sabi ni Prof.
May simpleng salo salo kami at niluto ni Prof ito, dinecorate pa nila ang classroom namin para i-celebrate ang pagkapasok ko sa top 3. Kinausap ni Prof ang ibang mga prof namin na hindi muna sila papasok ngayong araw para maghapon kaming mag celebrate at ng mag lunch dumating sina Gianna at Mikaella, sinabihan sila ng mga kaklase ko na pumunta para makasali sa celebration namin pero hindi ko inaasahan na inimbitahan din pala nila si Justin.
"Congrats," bati sa akin ni Justin saka binigay ang dala niyang regalo. Nandito kami ngayon sa labas ng room para makapag usap kami ng kaming dalawa lang.
"Sana hindi ka na nag abalang nagbigay ng regalo," sabi ko. "Pero salamat."
"I want to ask something," sabi niya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Kayo na ba ni Mr. Hansley?" tanong niya.
Mabilis naman akong umiling. "Sinabi ko naman sa 'yo na wala akong balak na makipag relasyon ngayon. Kailangan ko munang matupad nag pangarap ko."
"Kapag handa ka na at nanligaw siya sa 'yo sasagutin mo ba siya?" tanong niya.
"Kung maramdaman kong mahal ko siya, oo, mabait at sweet naman kasi siya," sabi ko.
Hindi ko alam kung tama bang nakita kong may lungkot sa mata niya. "Eh, ako may pag asa ba ako?" tanong niya.
"Hindi ko masasagot, hindi ko kasi alam ang sagot, pero ngayon sigurado ako na wala na akong nararamdaman sa 'yo," sabi ko habang nakatingin sa mata niya.
Ngumiti naman siya pero hindi umabot sa mga mata niya. "Alam ko na iyon at gaya ng sabi ko sa 'yo noon gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako ulit."
"Bahala ka, buhay mo naman iyan," sabi ko.
"Hindi mo naman ako ipagtatabuyan diba?" tanong niya.
"Titigil ka ba kapag pinagtabuyan kita?" Umiling naman siya. "See? Mapapagod lang ako kakataboy sa 'yo kaya hahayaan na lang kita sa gusto mong gawin hanggang magsawa ka."
"Hindi ako magsasawa," sabi niya.
"Okay. Balik na tayo baka magtaka na sila bakit ang tagal natin," sabi ko hindi ko na hinintay na magsalita siya nauna na akong maglakad.
"Kinukulit ka ba niya ulit?" bungad sa akin ni Mikaella.
Umiling naman ako. "Hindi naman."
"Mabuti, ako talaga ang makakalaban niya kapag ginulo ka niya," sabi niya, ang sweet talaga niya sa akin hindi pa kami talaga ganun ka tagal na magkaibigan pero napaka protective na niya sa akin.
Niyakap ko naman siya na kinabigla niya pero kaunan niyakap na rin niya ako. "Ang swerte kong naging kaibigan kita," bulong ko sa kanya.
"Ako rin naman swerte sa 'yo," sabi niya.
"Oy, ano iyan? Ang daya niyo hindi niyo ako sinama," sabi ni Gianna na kalalapit lang sa amin.
Binuka ko naman ang kamay ko para yayain siyang yumakap sa amin, mabilis naman niyang binitawan ang dala niyang pagkain sa lamesa tapos lumapit sa amin at niyakap kami. "Mahal na mahal ko kayo." Sabi ko.
"Mahal ka rin namin," sabi nila.
Hindi ko talaga hahayaan na mabuwag ang pagkakaibigan namin, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong kaibigan.
"Aww, nakakaingit naman ang friendship niyo," sabi ni Christine, isa sa kaklase ko. "Madalang na lang ang mga ganyang pagkakaibigan. Sana mas magtagal pa kayo."
"Oo naman, hanggang tumanda at magkaanak kami ay magkakaibigan pa kami diba?" sabi ni Mikaella, sumangayon naman kaming dalawa ni Gianna.
"Mabuti naman, sige iwan ko na kayo," sabi niya saka nagpunta sa mga kaibigan niya.
"Tuparin natin iyong ah, kahit magkaanak na tayo ay magkaibigan pa rin tayong tatlo," sabi ni Mikaella.
"Oo naman," sabi naming dalawa ni Gianna.
BALIK ulit ako sa normal kong ginagawa, mas naaasikaso ko na ngayon ang pag aaral ko ngayon wala na akong inaalalang contest. Mas mahaba na ang nailalaan kong oras para sa pag aaral ko. Nag umpisa na rin ang klase ni Zoltan kaya hindi na kami madalas nagkikita, malayo kasi ang school niya sa school ko kaya nagkikita na lang kami kada weekend pero lagi naman kaming nag vi-video call, ayaw niyang call lang gusto niya raw makita ang itchura ko pinakabitan pa nga kami ng wifi para may connection ako lagi. Mabuti na lang touch screen ang cellphone ko kung hindi baka pati cellphone bilhan niya ako.
Sabado ngayon pero hindi kami magkikita ni Zoltan dahil kahit kakasimula pa lang ng klase nila naging busy na agad sila kaya naisipan ko na lang na pumunta kina Mommy matagal tagal na rin akong hindi na kakadalaw sa kanila. Nakakatuwa lang na dati sobrang mapili sa pagkain ni Mason ngayon kahit ano kinakain na niya, nakahanap kasi sila ng gamot na pwedeng inumin ni Mason para makakain siya ng maayos na hindi na ganun kataas ang panlasa niya.
"Nandiyan ba sina Mommy?" tanong ko kay Kim na siyang nagbukas ng gate pagkarating ko sa bahay nina Mommy.
"Oo," sagot niya. "Kumusta ka na? Tagal mong 'di dumadalaw ah."
"Ayos naman, na busy lang sa school kaya hindi na ako masyadong nakakadalaw, sana nga hindi pa nagtatampo sa akin si Mason," sagot ko habang naglalakad kami .
"Sus, hindi magtatampo iyon sa 'yo iyon, alam mo naman na hindi na kayang hindi ka pansinin," sabi niya.
Natawa naman ako ng mahina at naalala 'yung dati na nagtampo siya sa akin dahil nawawalan ako ng oras sa kanya, hindi niya ako pinapansin kaya hinayaan ko lang muna siya pero wala pang isang oras bigla siyang lumapit sa akin saka ako niyakap at humingi ng sorry. May patampo tampo pa siyang nalalaman pero hindi rin naman pala niya kayang hindi ako nakakausap.
Mayamaya nakarating na kami sa mansion, binuksan ko naman ang pinto saka kami pumasok hindi pa nga ako nakakapasok may dumamba na sa akin ng yakap, kung hindi ako nakabalanse baka natumba na kaming dalawa.
"I miss you, Ate Avy," sabi ni Mason sa akin.
Niyakap ko naman siya pabalik. "I miss you too." Napatingin naman ako kina Mommy ng lumapit sila sa akin.
"Kumusta ka na?" tanong ni Mommy.
"Okay naman po, pasensya na po kung ngayon lang ako nakadalaw," sabi ko.
"Ayos lang iha, naiintindihan ka namin at kami nga ang dapat humingi ng tawad dahil hindi kami nakapunta ng cooking contest mo," sabi ni Mommy.
"Okay lang po, hindi rin naman ako nakapasok ng finals hanggang top 3 lang ako," sagot ko.
"It's okay, at least nakapasok ka ng top 3," sabi niya.
Napangiti naman ako. "Nasaan po si Daddy?"
"Nasa ofice, may importanteng meeting kasi siya," sagot niya.
"Okay po," sabi ko.
Nagpunta kami sa sala para doon kami magkwentuhan, nakadikit pa rin sa akin si Mason ganyan iyan kapag matagal akong hindi nakadalaw sa kanila para na siyang tarsier na sobrang nakakapit sa akin pero hindi naman maghapon naka dikit lang siya sa akin mayamaya rin naman kapag na satisfied na siya siya ang kusang kakawala sa akin kaya hinahayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Isa pa gusto ko rin naman na ganito siya sa akin kaya walang problema sa akin kung nakayakap lang sa akin si Mason o nakadikit lang siya sa akin kung saan man ako magpunta, mapagsasabihan din naman siya kung naalibadbaran na ako pero never akong maaalibadbaran sa kanya dahil baby ko siya.