AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Salamat at tinanggap mo ang offer ko," sabi ni Mr. Clifford.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil binigyan niyo ako ng trabaho tapos kayo pa po ang magpapa sweldo sa employee na pinadala niyo kay Mama," sabi ko.
"Kung hindi ko gagawin iyon hindi kita makukuha bilang cook," sabi niya.
"Bakit po gusto niyo akong kunin na cook?" tanong ko.
"Nasabi naman sa 'yo ni Robert na pihikan ang anak ko diba?" Tumango naman ako. "Nag aalala na kasi kami ng asawa ko sa kanya dahil panay tinapay lang ang kinakain niya kapag ayaw niya talaga ang pagkain kaya naghahanap kami ng cook para sa kanya. Nagustuhan niya ang luto ng Mama mo pero ayaw naman ng mama mo na maging chef dahil ayaw niyang iwan ang karenderya niyo."
Tumango tango naman ako. "Naiintindihan ko po, pero paano po kapag nag aaral ako? Bakasyon lang po ngayon," sabi ko.
"Ayos lang iyon, ipagluto mo na lang siya sa gabi tapos paiinitin na lang namin," sagot niya.
"Sige po," sabi ko.
"So, let's start signing contract," sabi niya.
Binigay niya sa akin ang contract, sabi niya paka basahin ko para wala kaming maging problema. Wala naman akong naging problema sa contract maayos naman pero hindi ko maiwasan na hindi magulat dahil sa nakita ko.
"Sigurado po ba kayo na 20 thousand a week ang sweldo ko?" gulat na tanong ko.
"Yes, may problema ba?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi po ba month dapat hindi week?" tanong ko.
"No, tama ang nakasulat diyan," sabi niya.
"Po? Pero ang laki naman po nito? Magluluto lang naman po ako," sabi ko.
"Yes, tama ka pero dahil sa 'yo ay makakakain na ng maayos ang anak namin, hindi na kami mag aaalala pa na hindi kakain ang anak namin, walang wala iyon sa ibabayad ko sa 'yo dahil buhay ang nakasalalay sa kanya kung magpapatuloy siya sa ganung life style," sabi niya.
"Kahit na po malaki po ito," sabi ko.
"Hayaan mo na iyan iha, gayan din naman ang binabayad ko sa mga employee," sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako, wala naman akong magagawa dahil siya na ang nag decide, isa pa malaking tulong na rin ito sa akin para mabilis kong mabayaran ang utang namin. Pinirmahan ko na ang kontrata.
"Kailangan po ako magsisimula?" tanong ko.
"Ayos lang ba kung mamaya na para makakain na ng maayos ang anak ko?" tanong niya.
"Opo, saan po ang bahay niyo?" tanong ko.
"Ipapasundo na lang kita kay Robert, pumunta ka na lang sa karenderya niyo para doon ka masundo," sabi niya.
"Sige po," sabi ko.
"MA alis na po ako," paalam ko kay Mama nung dumating na si Manong Robert para sunduin ako.
"Sige ingat ka," sabi niya.
"Sige po," sabi ko saka nagpunta na sa pwesto ni Manong Robert. "Tara na po." Nagulat ako ng pinagbuksan ako ng pinto ni Manong. "Naku, dapat po hindi niyo ginawa iyon hindi niyo naman po ako boss."
"Kahit na, babae ka pa rin naman na dapat pagbuksan," sabi niya.
"Kung ganun po salamat," nahihiyang sabi ko.
"Sakay ka na para makaalis na tayo," sabi niya kaya sumakay na ako.
Pagsakay ko kumuha ako ng candy sa bag ko dahil madali akong mahilo dahil sa amoy ng kotse. Naghanda talaga ako dahil ayokong sukahan ang kotse, ang mahal pa naman ito base sa pagkakahilala ko sa tatak nito.
Dumating na kami sa village, nagtingin ako sa guard house para tignan si Papa pero hindi ko siya nakita kaya hinayaan ko na lang, mamaya na lang pag uwi ko.
"Wow ang laki naman ng gate na ito," sabi ko pagdating namin sa mansion nina Mr. Clifford.
"Alam mo bang totoong ginto ang nakalagay na ginto sa gate?" sabi ni Manong.
"Wow," sabi ko. "Ang yaman talaga nila."
Pinasok na ni Manong anong kotse sa gate at nakita ko na malayo pa pala ang mansion gate, kailangan talagang naka kotse ka kapag pumasok dahil mapapagod ka panigurado kung lalakarin mo ito.
Nakakatuwa dahil ang drive way lang ang sementong nakikita ko the rest ay mga lupa at damuhan, ang gaganda pa ng mga halaman. Hindi mo iisipin na nasa city ka dahil sa landscape dito, puro halaman at puno ang makikita.
"IKAW BA ang bagong cook na sinasabi ni Sir. Clifford?" tanong ng babaeng nag bukas ng pinto. Tingin ko nasa 40's na siya. Para siyang si Ms. Minchi ng Princess Sara sa suot niya pati ugali nila parehas, ang taray kasi ng pagkakasabi niya tapos nakataas pa ang kilay niya.
"Opo," sagot ko.
"Kung ganun sumunod ka sa akin," sabi niya.
Nauna siyang naglakad at sumunod naman ako, napa wow ako ng makapasok ako ng tuluyan dahil sobrang laki at sobrang ganda ng loob ng mansion nila. Hindi lang siya maganda sa labas pati sa loob maganda, parang nasa palayo lang. Namangha muli ako ng makarating kami sa kusina, modern na modern ang dating ng kusina nila, ang laki ng oven nila parang 'yung mga napapanuod ko sa mga cooking show.
Sinabi ni... hindi niya pala sinabi ang pangalan niya, ayoko naman magtanong dahil ayokong masungitan niya. Basta sinabi niya sa akin ang mga dapat kong gawin at kung paano gamitin ang mga gamit doon.
"Every week nagdadagdag ng stock sa ref at sa pantry pero kung may mga kailangan kang wala dito sabihan mo lang ako o kaya sa mga maid na nandito," sabi niya.
"Okay po," sabi ko.
"Isa pa 'wag na 'wag kang pupunta sa sala dahil ayoko ng pakalat kalat, dito lang sa kusina ang station mo kaya dito ka lang, kung wala kang ginagawa..." Naglakad siya sa may dalawang pintuan. "Lumabas ka lang sa pintong ito at makakakita ka ng kubo, pwede kang magtambay doon." Tinuro niya ang nasa kaliwang pinto. "Itong isang pinto ay c.r naman ito kaya wala kang excuse para pumunta sa ibang lugar, naiintindihan mo?" Tumango naman ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko pero parang sa sinasabi niya na bawal akong pumunta sa ibang lugar dahil baka may mawala. Hindi man niya sinasabi pero ganun ang way ng pagsasalita niya pero winalang bahala ko na lang ang iniisip ko baka bawal talagang pagala gala.
"Sige na magsimula ka na dahil malapit ng mag lunch dapat saktong 12 tapos kana dahil iyon ang oras ng kainan nila, may pupunta namang mga maid para kunin ang niluto mo, naiintindihan mo?"
"Opo," sabi ko.
"May tanong ka pa?" tanong niya.
"Meron po," sagot ko.
Tumaas naman ang kilay niya. "Ano iyon?"
"Ako lang po ba ang cook dito?" tanong ko.
"No, may tatlong chef dito, nasa malaking kusina sila, dito ka pinadala ni Sir. Clifford," sagot niya. Wow, may isa pang kusina dito maliban dito? Grabe ang laki pala talaga ng mansion nila. "Wala ka na bang tanong?"
"Wala na po." Ayoko ng magtanong pa dahil kita ko sa mukha niya ang irita, baka kapag nagtanong pa ako bugahan na niya ako ng apoy sa inis niya.
"Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka," sabi niya saka umalis ng kusina kaya nag umpisa na akong magluto, hindi ko alam kung anong gusto ng anak ni Sir. Clifford pero napansin ko naman ang note nakadikit sa ref.
Lunch for today
Sinigang
Mabuti na lang may ganito kaya hindi na ako mahihirapan pang mag isip ng iluluto ko. Tinali ko muna ang buhok ko at naghugas ng kamay bago magsimula. Kumuha ako ng mga ingredients na gagamitin ko sa ref pagkatapos ay nagsimula na akong magluto.
11:50 na ako natapos, nilagay ko na sa lagayan para kapag dumating ang maid ay nakahanda na ito at ng mga 12 na ay dumating na nga ang isang maid.
"Hi," bati ng may maikling buhok.
"Hello," sagot ko.
"Ako nga pala si Kim, 21 na ako, ikaw?" tanong niya.
"Avyanna, 18," sabi ko saka nakipagkamay sa kanya.
"Wow, ang bata mo pala sa akin ng tatlong taon," sabi niya. "Nice to meet you, sa susunod na lang tayo ulit mag usap kapag wala na akong ginagawa."
"Sige," sabi ko.
Kinuha na niya ang niluto ko saka lumabas na ng kusina. Para hindi ako mainip ay nag explore ako dito tinignan ko ang mga gamit kung saan sila nakalagay para madali na lang silang mamemorize, matapos kong gawin iyon ay lumabas naman ako para tignan ang kubo na sinasabi ng naghatid sa akin. Namangha ako dahil hindi siya iyong na iisip ko na kubo, 'yung naiisip ko kasi is 'yung open siya pero heto para siyang bahay dahil may dingding ito sa lahat ng side, swempre may pinto at may bintana rin magkabilaang side.
Pumasok ako doon, binuksan ko ang bintana para lumiwanag although may ilaw naman pero maganda pa rin kung natural sunlight. Umupo lang ako doon at naglaro ng cellphone ko kaya lang nainip ako, kung alam ko lang na wala na akong gagawin pagkatapos kong magluto edi sana nagdala ako ng libro at notebook para naman nakakapag aral ako.
Hindi ko na rin kayang walang ginagawa dahil nasanay ako na gumagalaw lagi nung nasa karederya pa ako tapos nakakausap ko pa ang mga customer doon. Gusto kong tawagan si Mama kaso baka busy siya kaya 'wag na lang. Mabuti na lang nakaramdam ako ng antok kaya itutulog ko na lang muna ang pagkainip ko, mahaba naman ang upuan kaya makakahiga ako tapos presko pa.
"MIRYENDA muna tayo," sabi ni Kim, saka nilapag ang dala niyang dalawang cake at juice.
"Ayos lang bang kumain nito?" tanong ko.
"Oo naman 'no, hindi naman mahigpit sina Sir at Ma'am, pwede naman nating kainin kung anong nasa ref," sagot niya saka tumabi sa akin. "Ang mahigpit lang naman dito ay ang Mayordoma." Binulong niya lang ang mayordoma. "Palibhasa kasi ay matandang dalaga iyon, ang sungit sungit niya lalo na sa mga magaganda, kaya ikaw mag ingat ka dahil mainit panigurado ang dugo niya sa 'yo dahil sobrang ganda mo."
"Bakit naman siya galit sa magaganda?" tanong ko habang kinakain ang cake.
Nagkibit balikat naman siya. "Ewan pero base sa narinig ko sa ibang mga kasamahan ko ay 'yung ex niya pinagpaliit siya sa mas maganda sa kanya, iyon din ang dahilan kung bakit hindi na siya nag asawa."
"Grabe naman iyon," sabi ko.
"Oo nga pero mabait naman siya kapag nasa mood siya pero kung wala asahan mong lagi kang pagbubuntuhan ng galit kahit wala kang ginagawa," sabi niya.
"Ngayon ba hindi ka mapapagalitan?" tanong ko.
Umiling naman siya. "tapos na ako sa ginagawa ko, ganito dito kapag tapos ka na sa ginagawa mo pwede ka ng magpahinga. Kaya hindi ako umaalis dito dahil malaki na ang sahod tapos hindi pa ganun ka bigat ang trabaho."
"Wow, ang bait naman pala ng amo natin," sagot ko.
"Talaga, kahit sobrang yaman nila, wala kang makikitang kayabangan sa kanila, sobrang down to earth nila. 'Yung mga anak nga nila hindi lumaking spoiled eh," sabi niya.
"Sana ganyan lahat ng amo 'no?" sabi ko.
"Oo nga pero wala eh may mga tao talaga na sobra kung magmaltrato, gaya ng pinag trabahuan ko noon, ang sabi nila ay tagalinis lang ako ng bahay nila tapos biglang pati paglalaba pinapagawa sa akin, hindi naman dumagdag ang sahod ko kaya nag desisyon na akong umalis doon kesa sa mabaliw ako at ngayon ang swerte ko dahil napunta ako kina Mr. Clifford," mahabang sabi niya.
"Paano ka pala napunta dito?" tanong ko.
"Nakita ko sa newspaper na naghahanap sila ng maid kaya hindi ako nagdalawang isip na mag apply, ikaw paano ka napunta dito bilang cook?" tanong niya.
"Kinuha ako bilang cook," sagot ko.
"Wow, so, si Sir ang nag bigay ng trabaho sa 'yo?" Tumango naman ako. "Sabagay matagal ng naghahanap ng cook si Sir para sa anak niya."
"Bakit pala pihikan sa pagkain ang anak niya?" tanong ko.
"Base sa pagkakarinig ko masyado raw matalas ang panlasa ni Sir. Mason kaya lahat ng kinakain niya ay sobra niyang nalalasahan. Hindi niya mahanap ang swak sa panlasa niya," sagot niya na kinatango ko.
"Pero sana mabago iyon kapag lumaki na siya kasi hindi habang buhay magiging cook niya ako," sabi ko.
"Sana nga," sabi niya saka sinubo ang last piece ng cake niya at ganun din ako pagkatapos sabay kaming uminom ng juice.
"Mabuti na lang nandito ka, kanina pa ako naiinip kung may libro lang sana ako kanina," sabi ko.
"May library dito pwede kang pumunta doon kung gusto mo," sabi niya.
"Ayaw ni... Ano nga pa lang pangalan nung mayordoma?" tanong ko, alam kong iyong naghatid sa akin ang mayordoma.
"Veronica," sagot niya.
"Ayaw ni Ma'am Veronica na maglibot ako sa buong bahay eh," sabi ko.
Napairap naman si Kim. "Maganda ka kasi kaya ginaganun ka niya at 'wag mong i-ma'am iyon dahil hindi siya ang boss natin."
"Anong itatawag ko sa kanya?" tanong ko.
"Sa pangalan niya," sagot niya.
"Ang bastos naman kung pangalan lang niya eh mas matanda siya sa akin," sabi ko.
"Ayaw naman kasi niyang magpatawag ng Ate o Tita eh," sagot niya.
"Miss na lang kung pwede," sabi ko.
"Pwede, wala naman problema sa kanya," sabi niya.
"Ayaw niyang pupunta ako sa ibang lugar dahil ayaw niya ng pakalat kalat," sabi ko.
"siguro dahil bago ka lang pero kapag nagtagal ka na dito pwede ka ng maglibot," sabi niyo.
"Ayos lang naman sa akin na hindi maglibot basta may paglilibangan lang ako, hindi ko naman kasi alam na wala na akong gagawin, sana nadala ko iyong mga libro ko at notes para mag review ako dito," sabi ko.
"Ganun ba, bukas dalhin mo na para hindi ka mainip," sabi niya.
"Oo nga eh," sabi ko.
MALAPIT ng maghapunan kaya naman nagpunta na ako ng kusina para magluto. Tinignan ko kung anong lulutuin ko ngayon.
Dinner for Today
Caldereta
Kumuha na ako ng mga dapat kong gamitin pagkatapos 'nun nagsimula na akong magluto ng hapunan. Hindi naman ganun kahirap lutuin ang calderta kaya mabilis ko lang itong naluto.
"Sana ako rin malapit ang bahay namin para makauwi uwi naman ako," sabi ni Kim ng malaman niyang uuwi na ako matapos kong magluto ng hapunan. "Nasa probinsya kasi ang bahay namin kaya dito na lang muna ako nag stay."
"Ayos lang 'yan balang araw kapag naka ahon ka makakasama mo ng matagal ang mga magulang mo," sabi ko.
"Sana nga, sige alis ka na baka mas gabihin ka pa lalo," sabi niya.
"Sige bye, kita na lang tayo bukas," sabi ko.
Naglakad na ako palabas, naghihintay naman sa akin si Manong Robert, ihahatid niya ako uli sa bahay namin.
"Tara na," sabi niya.
"Sige po," sabi ko saka sumakay na ng kotse. Nasa may entrance na kami ng village ng makita ko si Papa. "Manong pwedeng pahinto muna kung ayos lang? Kausapin ko lang si Papa."
"Sige," sabi niya saka huminto sa tapat ng guard house. Ibinaba naman ni Manong ang bintana.
"Papa," tawag ko.
"Oh anak, uuwi ka na?" tanong niya.
"Opo, kayo po anong oras kayo uuwi?" tanong ko.
"Malapit na anak," sabi niya.
"Avyam 'yan ba ang anak mo?" tanong ng kasama niya.
"Oo," sagot ni Papa.
"Ang gandang bata ha," sabi nito.
"Salamat," sabi ni Papa saka humarap sa akin. "Sige uwi ka na para makapagpahinga kana."
"Sige po," sabi ko. "Manong tara na po."
Tumango naman si Manong, pinaandar niya ang kotse kasabay ng pagtaas ng bintana.
"Salamat po Manong," sabi ko ng makarating kami sa karenderya, hindi pa kasi nakakauwi si Mama kaya dito na lang ako nagpahatid.
"Wala iyon iha, sige alis na ako," sabi niya.
"Sige po," sabi ko saka kumaway. Nang makalayo na si Manong saka ako pumasok sa karenderya. "Mano po Ma."
"Kaawaan ka anak," sabi niya. "Kumusta pala ang first day mo?"
"Ayos naman po, wala nga po akong masyadong ginawa after kong magluto," sabi ko.
"Mabuti naman kung ganu para hindi ka ganun mapagod," sabi niya.
"Oo nga po," sabi ko.
May ilang minuto pa bago magsara si Mama kaya tinulungan ko muna siya kahit may katulong na siya. Si Ate Queeny, matanda siya sa akin ng limang taon at may anak na siya, kailangan na kailangan niya talaga ng trabaho pero gusto niya malapit sa kanila para mauwian niya agad ang anak at mabuti na lang daw ay nakita niya ang trabaho na ito.
"Bakit wala ka kanina Yanna?" tanong sa akin ni Ate Aya.
"May part time job na po kasi ako," sabi ko.
"Wow, congrats kaya pala may employee kayo," sabi niya.
"'Yung amo ko po ang nag bigay niyan at siya rin po nag papasweldo," sabi ko tapos sinabi ko ang dahilan.
"Ayos naman at least may kasama ang mama mo," sabi niya.
"Oo nga po," sabi ko.
Matapos kong mag serve tinulungan ko si Ate Queeny na magpunas ng mga lamesa para mapabilis ang trabaho niya pagkatapos niyaya ko siyang makipag kwentuhan nung wala ng masyadong tao, gusto ko kasing maka close siya, ayokong maging awkward kaming dalawa.
"Ang cute naman niya," sabi ko ng pinakita niya ang picture ng anak niya. "Ilan taon na siya?"
"Mag ti-three na siya next month," sagot niya.
Nagulat naman ako. "Hindi siya mukhang three dahil ang tangkad niya."
"Mana kasi siya sa tatay niya, ang tangkad naman kasi 'nun," sagot niya.
"Gusto ko siyang ma-meet," sabi ko.
"Kapag birthday niya invite kita para ma-meet mo siya," sabi niya.
"Sige," masayang sabi ko. "Ilang taon po kayong ikinasal?"
"Live-in lang kami ng boyfriend ko, nag iipon pa kami para sa pagpapakasal naming dalawa," sagot niya.
"Sana maikasal na kayo," sabi ko.
"Sana nga dahil iyon ang pangarap naming dalawa," sabi niya.
Natigil ang pagke-kwentuhan namin nung may dumating na customer, akmang tatayo rin ako ng pinigilan ako ni Ate Queeny na siya ng bahala dahil trabaho niya iyon kaya hinayaan ko na lang siya. Nagpunta na lang ako sa cashier para tulungan si Mama.
Ilang minuto pa nag lumipas dumating na si Papa kaya sinara na namin ang karenderya.
"Mag iingat ka pag uwi, Queeny," sabi ni Mama.
"Oo Ate, sige alis na ako," sabi niya. "Bye Yanna."
"Bye po Ate," sabi ko habang kumakaway. Naglakad na siya pauwi.
"Tara uwi na rin tayo," sabi ni Papa.