Chapter 5

3011 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Maaga akong nagpunta sa bahay ng mga Clifford dahil tumawag sa akin kagabi si Mr. Clifford na gustong mag lugaw ng anak niya. Minsan lang naman mag request ang anak niya ng gusto niyang kainin sa umaga dahil tinapay lagi ang kinakain nito kapag umaga. "Good morning manong," sabi ko paglapit ko sa kanya. "Good morning," sabi niya saka pinagbuksan ako ng pinto. Ayoko na sanang magpasundo dahil baka nakakaabala na kay Manong dahil nadagdagan ang trabaho niya dahil sa akin pero hindi pumayag si Mr. Clifford kaya wala akong magawa. Ewan ko ba kung bakit ganito ang trato sa akin ni Mr. Clifford, employee niya lang naman ako pero pinapasundo pa niya ako. Ang lapit lang naman ng village, isang sakay lang naman ng jeep makakapunta na ako ng village. Nagdala na ako mga libro at notes ko para may paglibangan ako at makapag review na rin at the same time at least kahit papaano marami na kong oras para makapag review at makakatulog na rin ako ng maaga dahil hindi ko na kailangan pa ng mahabang oras para mag review. Pagdating ko sa mansion, agad akong nagpunta sa kusina. Nilapag ko muna sa tabi ang backpack na dala ko bago ako nag ipit ng buhok at naghugas ng kamay saka nagsimula ng magluto. Habang nagluluto ako may pumasok na magandang babae sa kusina, para siyang model sa ganda pati ang katawan niya maganda. "Hi," nakangiting bati niya. "H-Hello po," sagot ko. "I'm Angelica Clifford, asawa ako ni Blade Clifford," pakilala niya, nagulat naman ako ng malaman kong asawa siya ni Mr. Clifford. Napakabata niyang tignan pero sabagay bata rin tignan si Mr. Clifford. Grabe ang ganda at ang gwapo ng mag asawang ito. "Avyanna Hendrix po," pakilala ko. "Yeah napakilala ka na sa akin ni Blade," sabi niya tapos bigla niya hinawakan ang kamay ko kaya nagulat ako. "Maraming salamat iha at dumating ka, dahil sa 'yo ang dami ng kinakain ni Mason." "Wala po iyon, trabaho ko po iyon bilang cook," sabi ko. "No, ang dami na naming kinuhang cook pero 'yung luto mo lang ang kinain niya kaya maraming salamat talaga," sabi niya. Nagkwentuhan lang kami ni Ma'am Angelica habang nag luluto ako, napaka daldal niya hindi siya nauubusan ng kwento at parang barkada niya lang kita kung makipagdaldalan sa amin. "Sumabay ka ng mag agahan sa amin iha," sabi niya. "Naku, 'wag na po," mabilis na tanggi ko nakakahiya naman kung sasabay ako. "Sige na iha, gusto ka ring makilala ng anak ko," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Sige po," sabi ko. Nilagay ko na sa lalagyan ang lugaw na niluto ko pagkatapos dumating na si Kim, nagulat pa nga siya ng makita si Ma'am Angelica kalaunan binati rin niya ito pagkatapos kinuha na niya ang lugaw at lumabas na ng kusina. "Tara na," sabi ni Ma'am Angelica kaya tumango ako at sumunod sa kanya. Pag dating namin sa kusina nakita ko na nakaupo sina Mr. Clifford at batang tingin ko na sa labing apat na taong gulang pa lang, mukhang ito ang sinasabi nilang si Mason. "Son, heto na ang cook na nagluluto ng pagkain mo," sabi ni Ma'am Angelica sa anak niya. This is Ate Avyanna, Avyanna this is my son Mason." Nakangiting lumapit naman sa akin si Mason. "Hello, Ate Avyanna, nice to see you." "Hello," bati ko rin sa kanya. "Ate, thank you so much in delicious food, it's really great that Mom and Dad find you," sabi niya. "You're welcome," sabi ko. "Maupo ka na Avyanna para makakain na tayo," sabi ni Ma'am Angelica. "Sige po," sabi ko. Naupo na ako sa tabi ni Mason dahil gusto niya na makatabi ko siya. "Anong taon ka na sa pasukan?" tanong ni Ma'am Angelica. "Grade 11 na niyan po ako," sabi ko. Naabutan ako ng K12 kaya anim na taon ako sa high school pero ayos lang naman dahil wala namang problema sa akin pero sa iba meron dahil imbis na college na raw sila matatagalan pa bago mag college. "Anong kukunin mong strand?" tanong niya. "TLV po," sagot ko. Kahit naman marunong na akong magluto kailangan ko pa ring matuto dahil may mga bagay pa ako na hindi pa nalalaman. Basic pa lang ang mga alam ko at hindi iyon sapat sa akin gusto ko mas marami pa akong nalalaman sa pagluluto, gusto kong masubukan ang ginagawa ng mga chef. Tumango tango naman siya. "Hindi na nakakapagtaka na iyan ang kukunin mo dahil magaling kang magluto," sabi niya. "Salamat po," sabi ko. "Oo nga pala iha," sabi ni Mr. Clifford. "Matagal na akong customer ng mama mo pero bakit hindi kita nakikita sa karenderya ninyo?" Nginitian ko naman siya saka kinwento ang dahilan kung bakit. "Pero lahat ng iyon po na realize ko na kaya ngayon unti-unti akong bumabawi sa mga magulang ko." "Hindi pa naman late para bumawi ka, kaya nakaka proud ka iha," sabi ni Mr. Clifford. "Salamat po," sabi ko. Nakaka enjoy silang kwentuhan hindi employee ang tingin nila sa akin parang kamag anak lang nila ako na nagbabakasyon pero hindi ibig sabihin na ganun ang trato nila sa akin ay kakalimutan kona na employee lang nila ako. Ayokong samantalahin ang kabaitan nila. After naming kumain, nagpaalam na ako sa kanila na pupunta na ako doon sa kubo, pumayag naman sila dahil may gagawin sila, ang mag asawa ay pupunta ng company nila habang si Mason ay may taekwondo lesson pa siya. Pagdating ko sa kusina kinuha ko muna ang backpack ko saka nagpunta sa kubo para makapag aral na ako. Busy pa naman si Kim at mamaya pa siya matatapos kaya wala akong makaka kwentuhan ngayon, ayos lang din para makapag review naman ako. 2 WEEKS LATER Dadating daw ngayon ang isa pang anak nina Mr. Clifford kaya busy ang mga maid sa pag lilinis, ang sabi sa akin ni Kim napakaselan daw kasi 'nmun gusto niya malinis ang buong bahay at ayaw niya ng may pakalat kalat sa bahay kaya dapat ay nasa maids house na ang mga maid at pati ako dapat nandoon din. Mabait naman daw iyon pero naalibadbaran lang daw siya kapag may mga nakikita siyang palakadlakad lalo na kung wala namang ginagawa. Matapos kong magluto ng ulan ni Mason nagpunta na kami sa maids house, namangha nga ako dahil ang laki ng maids house, kumpleto sa gamit, may sala, kusina tapos may kanya kanya sila kwarto at c.r kaya sobrang nakakatuwang malaman ganito ang tinitirhan ng mga maid. "Dito ang kwarto ko," sabi ni Kim, pumasok kami sa pangatlong pinto sa dulo at may nakalagay na pangalan niya sa pintuan. "Wow, ang ganda naman ng kwarto mo," sabi ko pagpasok namin. "Ganyan din ang reaksyon ko noong bago pa lang ako, grabe sulit na sulit ang pagod at biyahe ko noon papunta dito kung ganito naman ang pagpapahingahan mo," sabi niya. "Ang ganda ng trato sa inyo ng amo natin," sabi ko saka umupo sa kama niya, ang lambot parang kaupo ka sa bulak. "Oo nga kaya sobrang swerte ko ng matanggap ako," sabi niya. Ang lawak ng kwarto niya, hindi man ganun sobrang lawak sakto lang ang lawak para sa isang kwarto. Hindi ito kagaya ng mga maids room na nakikita ko madalas sa teleserye na sobrang liit tapos magkakasama pa sa isang kwarto pero dito iba parang nasa bahay ka lang talaga. "Oo nga pala, ilang taon ka simula ng mag trabaho ka?" tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya at umupo sa tabi ko. "17 pa lang ako nagkatulong na ako, kailangan kong tulungan sina Mama sa pag aaral sa mga kapatid ko, swerte mo nga wala kang kapatid," sabi niya. Mabuti na lang talaga ako lang naging anak nina Mama, hindi sa ayaw kong may kapatid kundi dahil hindi sila mahihirapan sa pagpapalaki sa akin lalo na sa ugali ko noon na sobrang spoiled brat, mas mahihirapan sila kung marami kaming magkakapatid. Maganda rin talaga na may family planning lalo na kung kapos sa pera at walang pangtustos. Kung maari ay 'wag ng dagdagan ang anak kahit marami pang nagsasabi na sundan niyo na para may kalaro, imbis na sundan bigyan na lang ng oras ang anak para maging masaya ito pero kung may kaya naman kayo at gusto niyo ng malaking pamilya pwede namang damihan pero hindi ko sinasabi na bawal mag anak ng marami ang mahirap ah, sinasabi ko lang ay kung kaya niyo naman tustusan ang mga anak ninyo why not diba? Mas malaki ang pamilya mas masaya. "Mabuti nga lang at ako lang dahil ayokong nakikitang mas nahihirapan sina Mama," sabi ko. "Si Mama kasi every year na lang ata nabubutis, ang hirap hirap na nga ng buhay dadagdagan pa nila, ako ang naaawa sa mga kapatid ko, hindi sila maalagaan ng maayos ni Mama. Kapag ako nanganak hanggang dalawa lang ang anak ko para hindi sila mahirapan at maalagaan ko sila ng maayos," sabi niya. "Tama iyon, kung hindi rin naman kayang magpalaki ng anak, 'wag na lang mag dagdag ng anak. Ang iba kasi gusto nila ng maraming anak dahil masaya saka maraming tutulong sa kanila kapag lumaki na ang mga ito pero hindi naman napapalaki ng maayos at hindi naman nabibigyan ng magandang edukasyon,"sabi ko. Hindi naman ako against sa madaming anak pero sana isipin nila ang magiging future ng anak nila. Sabi ko nga kung kaya naman palakihin ang maraming anak edi mag anak sila kahit ilan pa ang gusto nila. "Oo nga, nakakaawa nga ang mga batang lumalaking hindi nakapag aral pagkatapos kapag mag hahanap ng trabaho sila ang mahihirapan, dito pa naman sa pilipinas ang taas taas ng requirements na gusto ng ibang mga pinag a-applyan, sa mga cashier pa nga lang gusto nila 4th year college, jusko nag aral ka ng 4 years tapos bagsak mo lang cashier tapos ang baba ng sahod, mas okay pang mag call center na lang at least mataas ang sahod," sabi niya. Iyon pa ang mahirap, ang baba ng sahod pero napakataas ng demand ng mga negosyo sa mga gusto nilang maging empleyado kaya karamihan sa mga pilipino mas pinipili pa nilang maging OFW kesa sa mag trabaho dito sa pilipinas na over work na nga ang baba pa ng sahod. "Wala tayong magagawa doon, kailangan talaga ma deskarte ka sa buhay kung hindi mananatili ka lang mahirap. Sabi nga nila hindi mo kasalanan na ipanganak ng mahirap pero kasalanan mo kung namatay ka ng mahirap dahil hindi ka nagsikap," mahabang sabi ko. "Pero kahit naman nagsisikaap ang isang tao kung hindi naman mataas ang edukasyon na tinapos niya hindi siya makakahanap ng magandang trababo na may mataas na sahod," sabi niya. Sabagay tama siya, naalala ko iyong panahon na sobrang hirap na hirap akong maghanap ng trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag aaral at kung makahanap man ako napakaliit naman ng sahod na sinasahod ko, kulang na kulang pa iyon sa mga pang araw araw na gastusin. "Kung sanang magbabago lang ang requirements na kailangan sa trabaho edi sana lahat nakaahon nasa hirap, hinman ganun kayaman basta nakakain lang ng tatlong beses sa isang araw at hindi nagkakaroon ng utang," dagdag niya saka napabbuntong hininga. "Pero hindi lang naman sweldo ang problema, ang mamahal na kasi ng bilihin ngayon kaya kahit medyo mataas ang sahod mo kulang na kulang pa rin iyon dahil sa mahal ang mga bilihin lalo na kung malaking pamilya kayo." Tumango naman ako para sumang ayon sa sinabi niya. Ang mahal nga ng bilihin ngayon, gulang nga lang ang mahal mahal na, naisip ko bigla ang swerte pala namin dahil nakakabili kami ng murang ingredients dahil 'yung pinagbibilhan ni Mama ay may sariling farm, isa pa maramihan ang binibili ni Mama at araw araw siyang bumibili kaya binibigyan siya nito ng discount kaya nakaka mura kami. "Tama na nga tayo sa usapan na iyon, nakaka stress lang isipin ang ganung bagay," sabi niya. "Tama ka," sabi ko. "Oo nga pala, bakit lagi kang may dalang backpack?" tanong niya. "Nag re-review kasi ako," sagot ko. "Pero diba bakasyon niyo naman?" tanong niya. "Oo pero kailangan kong kumuha ng scholar para mabawasan naman ang gastusin nina Mama," sabi ko. "Wow," manghang sbai niya. "Hindi ko nga sigurado kung makakakuha ako," sabi ko. "Kaya mo iyan, alam kong magagawa mong makakuha ng scholar," sabi niya. "Maraming salamat," sabi ko. ANG BILIS LUMIPAS ng panahon, dalawang buwan na pala ang lumipas. Ang daming nangyari sa loob lang ng dalawang buwan. 'Yung karenderya pala namin ay nag evolve na, mas lumaki at gumanda ito, ang dating mga plastic na upuan ay naging bakal na at may mga foam na. Nagkaroon pa ng dalawang employee si Mama kaya sa cashier na lang si Mama pero siya pa rin ang nagluluto, ayaw niya kasi na manibago ang mga customer niya sa lasa ng mga kinakain nila. Napalago ni Mama ang karenderya dahil hindi na ako gaya ng dati na hingi nang hingi ng pera kaya hindi siya nakaka ipon pero ngayon may savings na siya sa bangko. "Anak, kaya mo iyan, alam kong magagawa mong ipasa ang exam," sabi ni Mama. "Salamat po," sabi ko saka siya nginitian. "Sige po alis na ako." "Sige anak," sabi niya. Ngayong araw ako kukuha ng scholar dahil isang linggo na lang pasukan na. Naglakad na ako papunta sa school namin, dahil maaga pa marami akong nakikitang nag jo-jogging, may iba na may kasama pang mga aso. Akala ko marami kaming mag e-exam pero konti lang kami kung sabagay mayayaman na ang mga nag aaral sa school namin, konti lang kaming mahihirap. Nagsimula na kaming mag exam, kinakabahan ako nung una dahil akala ko maihirap ang exam pero mali pala. Nakakatuwa dahil lahat ng mga pinag aralan ko noon ito ang nakalagay sa exam kaya madali ko lang natapos ang exam, gulat na gulat nga ang mga kasama ko sa exam ng makita nilang tumayo ako para ibigay ang test paper ko. "Pwede ka ng umuwi," sabi ng nagbabantay sa amin. "Bukas ipapadala namin sa bahay niyo kung nakapasa ka." "Sige po, maraming salamat po," sabi ko. Lumabas na ako ng room, habang naglalakad ako sa hallway bigla akong napatingin sa may glass door, nakita ko ang refection ko doon, napangiwi naman ako dahil nakita kong ang pangit na ng buhok ko, 'yung dating blond kong buhok bumababa na kaya ang pangit ng tignan. "Kailangan ko pa lang magpasalon," sabi ko. Dumiretso ako sa pinakamalapit na salon. "Anong ipapagawa mo iha?" tanong ng magandang bakla. Sobrang ganda niya, sa unang tingin iisipin mong babae siya kung hindi niya lang sinabing bakla siya iisipin kong babae talaga siya. "Gusto kong ipa black ang buhok ko," sabi ko. Hinawakan naman niya ang buhok ko. "Mababa naman ang kulay ng buhok mo, gusto mo ba na putulin na lang natin? Damage na rin naman ang ilalim tapos i-treatment na lang natin para bumalika ang sigla ng buhok mo," sabi niya "Sige po, kung ano po ang tingin niyong maganda," sabi ko, wala naman akong alam sa buhok mas magandang iasa ko na lang sa expert. Nginitian naman niya ako. "Sige beh, papagandahin ko ang buhok mo," sabi niya. Nag umpisa na siyang ayusin ang buhok ko, dinadaldalan ako ni Ate Divine, pakilala niya sa akin, kaya hindi ako nainip. Isang oras ang tinagal ng treatment ng ginawa niya. "Wow, ang ganda," sabi ko habang tinitignan ang buhok ko sa salamin. "Parang walang damage ang buhok ko, marami salamat po." "Wala iyon," sabi niya. Nagbayad na ako sa cashier, nagbigay rin ako ng tip kay Ate Divine nung una ayaw niyang tanggapin pero pinilit ko siya dahil ang ganda ng gawa niya saka deserve naman niya iyon dahil alam kong mahirap ang ginagawa niya. "Bye bye po," paalam ko kay Ate Divine pati na rin sa ibang staff. Wala na si Mama sa bahay pag uwi ko. Pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay habang tumitingin ako ng susuutin ko napansin ko ang uniform ko, naisip ko na plantsyahin para handa na ito pagpapasok ako kaya lang bigla akong napangisi dahil sa skirt. Ang ikli pala ng skirt ko noon, ito pinatahi ko noon dahil gusto kong gayahin ang mga kaibigan ko na maliliit ang skirt kaya pinaliit ko ang akin. Hindi ako nag iisip noon, hindi ko inisip kung masisilipan man ako o hindi. Napabuntong hininga naman ako. "Kailangan kong bumili ng bagong uniform," sabi ko sa sarili ko. Ang mahal pa naman ng uniform ko pero skirt lang naman ang bibilhin ko pero iyon ang akala ko dahil sobrang fit na fit ng blouse at halos kita na ang dibdib ko, hindi ko na mausuot pa ito pero naalala ko na provide ng school ang uniform kapag scholar ka kaya hintayin ko muna kung nakapasa ako bago ako bumili ng uniform. Kinabukasan dumating na ang email na pinadala ng school namin. Katabi ko ngayon ang magulang ko para sabay naming masaksihan ang result ng exam ko, hindi pumasok si Papa sa trabaho at ganun din si Mama hinayaan na lang niya sa employee niya ang karenderya para lang makita ang result ng exam ko. "Kinakabahan po ako," sabi ko habang nakatingin sa hawak kong envelop, kita ko rin ang panginginig ng kamay ko. Napatingin naman ako kay Mama ng hawak niya ang isang kamay ko. "Alam kong makakapasa ka anak, dalawang buwan kang nag sikap para mag aral kaya alam kong makakapasa ka," sabi niya. Napangiti naman ako. "Maraming salamat po." "Buksan mo na anak para makita na natin kung anong resulta," sabi ni Papa. Tumango naman ako saka binuksan ang envelop, kinuha ko sa loob ang papel na nakatupi pagkatapos dahan dahan kong binuksan. Kasabay ng pagluha ko ang pagyakap sa akin nina Mama at Papa. Congratiolation Miss Avyanna Hendrix for passing the exam 'Yan ang nakalagay sa sulat. "Congrats anak, sabi ko sa 'yo makakapasa ka," sabi ni Mama. "Maraming salamat po," sabi ko. "Ang galing talaga ng anak ko," sabi ni Papa. "Dahil diyan anak kakain tayo sa labas para i-celebrate ang pagkapasa mo," sabi ni Mama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD