THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Maraming estudyante ang excited na pumasok hindi dahil sa gusto nilang mag aral kundi dahil gusto nilang tignan kung totoo ba ang sinabi ni Avyanna na lalayuan na niya si Justin o nagpapaawa lang siya.
"Pustahan tayo wala pang isang buwan magpapapansin na ulit si Avyanna kay Justin,"
"Oo nga, imposible naman kasi na bigla na lang lalayo si Avyanna kay Justin lalo na at baliw na baliw siya dito,"
"Tama ka,"
Lahat ng mga estudyante ay nakatingin lang sa entrance ng school hinihintay nila si Avyanna pero lahat sila napasinghap ng makita nila si Avyanna.
"Si Avyanna ba iyan? Bakit ganyan ang itchura niya ngayon,"
"Oo nga, hindi na blond ang buhok niya at hindi na makapal ang make up niya, desente na rin siya manamit hindi gaya noon na halos litaw na ang panty niya,"
Iyon ang itchura dati ni Avyanna, dati pulang pula ang labi niya sa lipstick na suot niya at sobrang ikli ng palda niya na konti na lang lumitaw na ang panty niya at ang blouse niya ay sobrang sikip sa kanya pero ang Avyanna na nakikita nila ngayon ay napaka desente na ang suot hanggang tuhod na ang skirt niya, hindi na ganun ka sikip ang blouse niya, kulay black na rin ang buhok niya at wala na siyang suot na make up.
"Ayoko mang aminin pero ang ganda niya ngayon simple lang siya," Sinang ayunan naman siya ng iba. Halos matulala na lang ang mga kalalakihan habang nakatingin sa naglalakad na si Avyanna. Pati ang mga barkada ni Justin ay nakatingin din.
"Grabe ang ganda pala ni Avyanna kapag walang make up?" sabi ni Tj.
"Oo nga, maganda naman pala siya pero bakit nag me-make up siya? Ang desente din niyang tignan ha?" sabi ni Albert.
"Maganda ba 'yan? Mas maganda pa rin ako sa kanya 'no," mataray na sabi ni Lily.
"Oo naman babe pero ibang iba kasi ang itchura niya ngayon kumpara dati," sabi ni Tj.
"If I know nagpapalakas lang 'yan kay Justin," sabi ni Veronica.
"Oo nga," sang ayon ni Lily.
Habang si Justin tahimik lang habang nakatingin kay Avyanna at kahit nawala na ito ay nakatingin pa rin siya sa dinaanan niya. Aaminin niya na nagandahan siya kay Avyanna, parang nakita niya ulit ang Avyanna na nakilala niya noong bata pa sila. Bata pa lang si Avyanna ay makikitaan na siya ng ganda pero mula ng matuto itong mag make up ay natakpan nito ang totoong ganda niya.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
Nasa loob na ako ng classroom, akala ko mawawala ang mga tumitingin sa akin pero hanggang dito may nakatingin pa rin. Sinawalang bahala ko na lang at naghanap na lang ng upuan, mabuti na lang may konti pa lang ang estudyante kaya may nakita pa akong magandang upuan na malapit sa bintana. Kahit hindi ito nabubuksan dahil naka aircon ang room pero makikita ko naman ang magandang tanawin sa labas, nasa fourth floor kami kaya maganda ang view na nakikita ko.
Maaga pa naman kaya nagbasa na lang muna ako ng libro pero nagsuot na muna ako ng headset para hindi ko marinig ang bulungan ng kaklase ko. Alam ko naman hindi sila makapaniwala na bigla akong nagbago pero sana naman 'wag nila akong tignan na parang isa akong alien.
Ilang minuto lang nagsidatingan na ang ibang mga kaklase namin kasabay ang adviser at teacher namin sa TLV kaya inalis ko na ang headset ko at tinabi ang libro ko.
"Good morning class," bati ng teacher namin.
"Good morning ma'am," bati namin.
"I'm Mrs. Tricia Garcia, ngayon kayo naman ang magpakilala isa isa," sabi niya.
Naunang magpakilala ang nasa unahan at nung ako na ang sumunod tumayo na ako, medyo kinabahan pa ako dahil nakatingin silang lahat sa akin.
"I-I'm Avyanna Hendrix," pakilala ko at nagsimula na silang magbulungan.
"Siya nga si Avyanna,"
"Grabe, ang laki talaga ng pinagbago niya,"
"Oo nga,"
"Mas maganda niya sa malapitan,"
"Quiet," sabi ni Ma'am Tricia. "Thank you Ms. Hendrix." Kaya naupo na ako. "Next."
Matapos magpakilala ang lahat, nag pa short test si Ma'am Tricia para tignan kung may natatandaan pa ba kami sa dating lesson namin at para dito niya makita kung paano niya i-a-adjust ang kanyang pagtuturo para makasabay lahat.
Matapos naming mag test nag check na kami ng test namin, nagtaka ako ng tumayo ang nag check ng papel ko saka pinakita ang papel ko.
"Ms. Hendrix pwedeng lumapit ka dito," sabi ni Ma'am Tricia.
Nagtataka naman akong lumapit. "May problema po ba?"
"Wala naman pero may tanong ako, ikaw ba talaga ang nag answer nito?" Pinakita niya sa akin ang test ko at nakita kong perfect kaya natuwa ako.
"Opo," sabi ko.
"'Wag mo sanang masamain iha pero kasi kilala kana dito na laging naglalast sa test kaya nagtaka lang ang kaklase mo dahil naka perfect ka," sabi niya.
"So, iniisip niya po na nag cheat ako?" sagot ko.
"Ganun na nga," sabi niya.
Nginitian ko naman siya. "Naiintindihan ko po, pwede po akong umulit sa test para mawala po ang pagdududa ninyo na nag cheat ako."
"Ayos lang sa 'yo iha?" tanong niya.
"Oo naman po," sabi ko.
"Sige iha, bibigyan kita ng panibnagong test saka sagutan mo sa harap ko, okay?" sabi niya.
"Okay po," sabi ko.
Nagbigay siya ng bagong test paper, nasagutan ko naman iyon lahat pagkatapos mismong si Ma'am na ang nag check, kita ko sa mukha niya ang gulat ng makitang naka perfect muli ako.
"So, nalinawagan na po ba na hindi ako nag cheat?" tanong ko.
"Yes, and I'm sorry iha kung pinag isipan ka namin," sabi ni Ma'am.
"I'm sorry rin Avyanna," sabi ng nag check sa akin.
"Ayos lang po, naiintindihan ko naman kung bakit niyo ginawa, kahit ako rin naman po magtataka kung biglang tumaasang score ng kilalang laging last," sabi ko.
"Maraming salamat iha," sabi ni Ma'am.
Tumango naman ako saka naupo na pwesto ko, mabuti na lang mabait ang nag check sa akin, hindi siya gumawa ng eksena bagkus nanghingi siya ng tulong sa teacher para malaman ang totoo. Hindi naman masama ang loob ko kung pinag isipan akong nag cheat, alam ko naman na naninigurado lang siya.
"I'm sorry talaga Avyanna," nakayukong sabi ng nag check sa akin, pagkaupo namin sa pwesto namin.
"Ano ka ba, sabi ko naman ayos lang," sabi ko.
"Nagulat kasi ako na makitang naka perfect ka kaya lumapit ako kay Ma'am para matignan kung nag cheat ka," sabi niya.
"Tama lang naman ang ginawa mo, saka nagpapasalamat nga ako dahil hindi ka nag eksandalo," sabi ko.
"Naku, hindi ko gagawin iyon, nakakahiya kaya," sabi niya.
"Salamat talaga at 'di mo ginawa," sabi ko.
"Kanina pa tayo nag uusap, hindi pa pala ako nag papakilala, ako nga pala si Princess," sabi niya.
"Ako si..." Hindi ko natuloy ng putulin niya.
"Kilala na kita kanina ko pa nga binabanggit ang pangalan mo," sabi niya.
"Hehe, oo nga pala," sabi ko.
Wala naman kasing hindi nakakakilala sa akin maliban sa mga bagong salta, kalat na kalat kaya ang pangalan ko dahil laghi kong ginugulo si Justin noon, swempre sikat si Justin kaya talagang sisikat din ako.
"Grabe, sobrang laki talaga ng pagbabago mo, hindi lang sa itchura pati na rin sa pag aaral mo," sabi niya.
"Nauntog na kasi ako kaya nagbago ako," sabi ko saka tumawa kaya natawa rin siya.
"Tama lang ang ginawa mo na ibaling na lang ang atensyon mo sa pag aaral kung wala ka namang mapapala sa lalaking hindi naman kayang mahalin ka pabalik. Naaawa na nga ako sa 'yo noon kada makakarinig ako ng panlalait ng ibang mga estudyante sa 'yo, ginagawa ka pang katatawanan. Pasensya na wala akong magawa sa mga naririnig ko," sabi niya.
"Ayos lang, mas ayos nga na wala kang ginawa dahil baka mapahamak ka pa," sabi ko.
Napangiti naman siya. "Ang bait mo na talaga," sabi niya, napakamot naman ako sa batok ko dahil sa hiya.
KINABUKASAN maaga akong nakarating sa school, wala pang ganun tao kaya nagpag isipan ko na lang na pumunta ng library. Pagkarating ko sa school dumiretso ako sa library dahil maaga pa mangilan ngilan pa lang ang mga taong nandito. Pagkarating ko sa library binigay ko sa librarian ang library card ko pagkatapos pumasok ako sa loob. Kumuha ako ng mga librong gusto kong basahin tapos naghanap ng magandang pwesto, malapit sa may bintana para mas maliwanag.
Sobrang nawili ako sa pagpapasa kaya muntik ko ng makalimutan na mag ta-time na kung hindi lang ako sinabihan ng librarian na malapit ng magtime ay mali-late na ako panugurado.
Nakarating na ako sa room namin at pagpasok ko napatingin sa akin ang mga classmate ko pagkatapos nagbulungan sila at ang iba ay masama akong tinignan. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil ang sama ng ugali ko dati at sobrang yabang ko.
Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad na lang papunta sa upuan ko. Nasa pinakadulo ako at wala akong katabi, wala namang gustong tumabi sa akin. Wala pa ang teacher namin kaya naman nag headset muna dahil ayokong marinig ang mga bulungan nila, ilang taon ko na iyong naririnig kaya sawa na ako.
Ilang minuto lang ay dumating na ang adviser namin kaya inalis ko na ang headset ko para makinig sa lesson namin. Kung gusto kong mabago ng tuluyan ang buhay ko kailangan kong mag aral ng mabuti. Kapag nagpapa recite ang teacher namin panay lang ang taas ng kamay ko, mabuti na lang lagi akong natatawag.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Hindi makapaniwala ang mga classmate ni Avyanna habang tinitignan nila ito. Gulat gulat sila sa nakikita nila, ang kilala nilang Avyanna ay walang pakielam at hindi nakikinig sa lesson pero ngayon panay ang tanong niya o kaya ay panay ang sagot niya sa mga tanong ng kanilang mga guro. Hindi lang ang classmate niya ang nagtataka pati na rin ang mismong guro nila, nagulat sila sa biglang pagkakaroon ng interest ni Avyanna sa lesson nila.
"Students niyo rin si Avyanna 'diba?" tanong ni Ms. Lanny, isang Filipino teacher sa kapwa guro nila, lunch break na kaya nasa faculty silang lahat upang makapaghinga. "Nakakagulat ang pagkakaroon ng interest niya sa klase."
"Ay, tama ka, halos siya nga ang sumagot sa mga tanong ko at lahat ng iyon ay tama ang sagot," sang ayon ni Ms. Nichole, isang Math teacher
"Naku, baka pakitang tao lang si Avyanna," sabi ni Mr. Chester, Science teacher. "Sa pagkakaalam ko may crush iyon kay Justin, baka nagpapakitangilas lang iyon sa binata."
Sumang ayon naman ang ibang mga guro sa kanya.
"Pero hindi ba't magandang senyales iyon," sabi ni Ms. Lanny. "Kung ginagawa iyon ni Avyanna para sa crush niya ibig sabihin ginagawa niyang insperasyon iyon."
"Oo nga, kesa naman sa iba na puro distraction ang nangyayari," sang ayon ni Ms. Nichole.
"Pero hindi pa rin natin sure kung hanggang kelan siya magiging ganun, kilala naman natin ang batang iyon tamad at laging bagsak," sabi ni Mr. Chester.
LUMIPAS ang mga araw, hindi pa rin nasasanay ang mga schoolmate ni Avyanna sa biglang pagbabago niya. Tinotoo rin niya ang hindi niya pagkulit kay Justin, pinapansin pa rin naman niya ito pero parang normal na schoolmates na lang hindi gaya ng dati.
Sobrang laki na talaga ng pinagbago ni Avyanna, kung noon lagi siyang may kasama pero ngayon ay siya na lang mag isa, lagi na rin siyang nakatambay sa library imbis na sa field at canteen. Ang hinahon na rin niya magsalita at hindi na siya agad nagagalit di kaya dati na laging napapaaway dahil mainit ang ulo.
"Grabe totoo talaga ang sinabi ni Avyanna na hindi ka na niya papansin," sabi ni Tj kay Justin.
"Oo nga, akala ko nga nagpapaawa lang siya pero hindi, tapos ang laki pa ng binago niya, hindi lang sa ugali pati na rin sa grades biruin mo natalo niya si Justin," sabi ni Albert.
"Balita ko rin na perfect niya ang exam para sa scholarship eh, ang hirap ng question doon diba?" sabi ni Tj."Ibang klase nagbakasyon lang ang dami agad nagbago kay Avyanna," sabi ni Albert.
Kahit si Justin hindi makapaniwala sa biglang pagbabago ni Avyanna, oo natutuwa siya ng hindi na ito nanggugulo sa kanya pero hindi niya alam kung bakit parang naninibago siya na walang nangugulo sa kanya at hindi rin siya sanay naparang normal na magka schoolmates na lang sila. Hindi niya maintindihan ang sarili niya, pinagtatabuyan niya ito noon pero bakit parang hindi niya na nagugustuhan ang paglayo nito?
"Marami nga akong naririnig na gusto nilang ligawan si Avyanna eh," napatingin si Justin sa sinabi niya. Hindi niya nagustuhan ang narinig niya.
"Sino ang mga iyon?" inis na tanong niya."Ang alin?" takang tanong ni Tj.
"'Yung mga gustong manligaw kay Avyanna?" tanong niya.
"Bakit gusto mong malaman?" tanong niya. Bigla naman siyang natigilan sa sinabi nito. Bakit nga ba niya gustong malaman kung sino ang mga gustong manligaw kay Avyanna at bakit bigla na lang siyang nainis sa nalaman niya?
Nag fake cough siya. "W-Wala na curious lang," utal na sagot niya.
Nagtataka mana ang mga kaibigan niya hindi na lang nila ito pinansin.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
Ngayong araw i-po-post ang 1st grading namin sa bulletin board. Ipapakita doon kung sino ang top 1 sa bawat grade. Pagdating ko sa bulletin board, marami ng mga estudyante ang nagkukumpulan doon pero ng makarating ako biglang nahati sa gitna ang kumpulan na parang pinapadaan ako kita ko rin sa mukha nila ang gulat pero nagkibit balikat na lang ako at lumapit sa bulletin, napansin ko na nandoon din si Justin, paglapit ko sa kanya tumingin siya sa akin, binati ko naman siya bago tumingin sa bulletin ayoko namang maging bastos sa kanya childhood friend ko naman siya noon.
Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan ko na nasa top 1 na usually na nakikita kong pangalan dito ay si Justin.
"Totoo ba ito?" bulong ko sa sarili ko.
"Yes, totoo iyan, congrats," sabi ni Justin sa akin.
"S-Salamat," sabi ko naman. Hindi pa rin nag si-sink-in sa akin ang nangyari pero sa loob loob ko natutuwa ako dahil ako ang naging top.
"Sigurado ba kayo na tama iyan?" biglang sabi ni Lily kaya napatingin kami sa kanya. "Imposibleng mag top 1 iyang si Avyanna diba laging last iyan." Sumang ayon naman ang mga kaklase ko.
"Oo laging last nga si Avyanna noon pero hindi ibig sabihin 'nun hindi siya pwedeng mag top," singit namna ni Princess. "Laging nakakakuha ng mataas na score si Avyanna kada mag ki-quiz kami at lagi rin siyang tama sa recitation."
Tinaas naman ni Lily ang kilay niya. "Baka nag cheat siya."
"Napatunayan ko na na hindi siya nag cheat dahil nung first day naka perfect siya akala ko nag cheat siya kaya sinabi ko sa adviser namin pero napatunayan niya na hindi siya nag cheat ng mag ulit siya ng test sa harap mismo ng adviser namin at naka perfect muli siya." Napasinghap naman ang mga estudyante sa narinig nila.
"Baka memorize na niya ang chineat niya kaya naka perfect siya," sabi ni Lily.
"Bago ang binigay ng adviser namin at ikaw na ang nag sabi laging last noon si Avyanna kaya paano niya ma-me-memorize ang answer diba?" sabi ni Princess, natahimik naman si Lily.
"Tama na iyan Lily, kung man ang iniisip nila wala na akong pakielam basta alam ko sa sarili ko na hindi ako nag cheat," sabi ko sa kanya saka tinapik siya sa balikat.
"Tama ka," sabi niya. "Congrats pala sa pagiging top 1."
"Thank you," sabi ko.
MATAPOS ang klase namin, agad akong umalis para ibalita sa magulang ko ang nakuha ko, una kong pinuntahan si Papa na madadaanan ko naman.
"Papa," tawag ko sa kanya.
"O anak anong ginawa mo dito," sabi niya.
"Pa, top 1 po ako sa klase," masayang balita ko.
Nakita ko naman sa mukha niya ang gulat. "Talaga anak?"
"Opo," sabi ko.
Masayang niyakap naman ako ni Papa. "Ang galing talaga ng anak ko." Kumalas siya sa yakap saka humarap sa mga kasama niya. "Narinig niyo iyon top 1 ang anak ko."
"Wow, Congrats pare," sabi ng mga kasama niya.
"Mamaya anak mag celebrate tayo," sabi niya.
"Sige po," sabi ko. "Sige po alis na ako ibabalita ko pa kay Mama."
"Sige anak, mag ingat ka," sabi niya.
Naglakad na ako papunta sa karenderya saka binalita kay Mama kaya kay Papa natuwa rin siya at binalita rin niya sa mga customer niya, panay congrats sa akin.
"Ang galing galing mo talaga anak, sobrang proud ako sa 'yo," naluluhang sabi ni Mama, agad ko naman iyong pinunasan.
"Kayo po ang insperasyon ko kung bakit nagawa ko itong bagay na ito, gusto ko na maiahon kayo sa hirap kaya nag sikap ako para makapagtapos ako ng pag aaral," sabi ko.
"Pero dapat gawin mo rin iyan para sa sarili mo ha?" sabi niya.
"Oo naman po," sabi ko, napatingin naman ako sa orasan. "Alis na po pala ako pupunta pa ako kina Tita Angelica. Tita at Tito na ang pinatawag sa akin nila sa akin napalapit na rin daw ang loob nila sa akin kaya gusto nilang iyon ang itawag ko. Malapit na rin ang loob ko kay Mason, gusto niya nga lagi niya akong kasama kahit nag re-review ako kahit siya nag re-review na rin siya.
Dahil may pasok na nga ako gabi na lang ako pumupunta pero nagluluto na ako ng kakainin ni Mason sa lunch niya kinabukasan.