AVYANNA’S POINT OF VIEW “Saan mo gustong kumain?” tanong ni Kuya Pierre. “Ikaw, ikaw ang may birthday kaya dapat ikaw ang mamili,” sagot ko. “Your my guest, kaya dapat ikaw ang masunod,” nakangiting sagot niya. Napabuntong hininga naman ako. “Kahit saan naman ayos na ako basta masarapa ng pagkain.” “Okay, doon na lang tayo sa favorite na karenderya ko, sobrang sarap ng pagkain doon,” sabi niya tumango naman ako. Dumungaw naman ako sa bintana ng kotse ni Kuya Pierre pero nainis ako kaya nag cellphone na lang ako. Mula ng maging member ako ng club naging active na ako sa social media, kailangan kasi para sa mga fans ko, gusto kasi nila na mag post ako ng mga pictures ko o kahit anong related sa akin. Napabili tuloy ako ng cellphone na may magandang quality ng camera, ang mahal ‘nun pe

