AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Una na muna ako Beatrice, pinapatawag kasi ako ng club president namin," paalam ko sa kanya.
"Sige, tatapusin ko rin ang painting ko kaya kailangan ko rin pumunta sa club namin," sabi niya.
"Okay, kita na lang tayo mamayang uwian," sabi ko.
"Okay," sabi niya kaya naglakad na ako papunta sa club house namin saka nag punta sa office ni President, nagulat pa ako ng makita ang mga nasa rank 10 sa loob.
"Mabuti naman at nandito ka na," sabi ni President.
"Tsk, feeling prinsesa," sabi naman ni Nichole pero walang pumansin sa kanya.
Dalawa lang ang upuan dito kaya ang iba nakatayo na. Kaming dalawa ni Nichole ang naka upo, walang umupo sa upuan ko mukhang nireserba talaga para sa akin.
"Alam kong aware kayo sa pagpunta ninyo pero dahil hindi alam ni Avyanna kaya sasabihin ko ang dahilan," sabi ni President. "Magkakaroon tayo ng school tour, it means mag pe-perform kayo sa bawat school na pupuntahan natin parang magkakaroon kayo ng mini concert tour. Every year ginagawa talaga ito para sa mga fans ninyo na hindi kayang pumunta sa lugar natin."
Wow, ang galing naman. So, parang idol sa mga kpop group lang.
"Makakasama rin natin ang mga nasa dance club at sa instrument club. Limang school ang pupuntahan natin kaya limang araw natin itong gagawin," dagdag niya.
"So hindi kami papasok ng limang araw?” tanong ko.
“Of course duh!” mataray na sabi ni Nichole pero hindi ko siya pinansin, natuon pa rin ang atensyon ko kay President.
“Don’t be so rude, Nichole. Nagtatanong lang siya,” sabi ni Kuya Pierre.
“Common sense lang naman kasi,” sabi ni Nichole.
“Yes, common sense pero malay ko ba kung afterclass pa diba?” sagot ko.
“Tama na iyan,” sabat ni President. “Yes, Exempted kayong lahat and dagdag ito sa grades niyo.” Tumango naman ako. “Sa lunes na ang School Tour natin kaya maghanda na kayo. Provide naman ng school ang mga susuotin niyo pero in case of emergency magdala na kayo ng mga extra damit niyo.”
“Okay,” sabi namin.
“Sige umalis na kayo,” sabi niya.
Kaya nagsilabasan na kaming lahat babalik na sana ako sa room namin ng tawagin ako ni Nichole. “Alam kong wala kang madadalang damit kaya if you want ibibigay ko sa ‘yo ang mga pinaglumaan kong damit para naman may masuot kang maganda,” sabi niya, ‘yung boses niya mapang insulto.
“No, thank you, marami pa akong damit na bago bigay sa akin nina Mommy at Zoltan,” sabi ko, nawala ang ngisi sa labi niya at napalitan ng inis.
“Ha! Gold digger ka talaga ano?” sabi niya.
“Hindi ako gold digger, kahit ayaw ko pilit pa rin nila akong binibigyan ng mga bagong damit kaya anong magagawa ko? Magtatampo kasi sila kapag hindi ko tinanggap,” sabi ko na kinainis niya lalo.
“Tsk, kahit anong sabihin mo gold digger ka pa rin,” sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako. “Well, kung iyan ang gusto mong isipin bahala ka, as long as alam kong walang katotohan ang mga sinasabi mo wala na akong paki sa mga sinasabi mo.” Hindi ko na hinintay pa na nagsalita siya, umalis na ako sa harapan niya.
Wala rin naman akong mapapala kung makikipag sagutan pa ako sa kanya. Napabuntong hininga namana ko, hindi ko alam kung bakit sobrang init ng dugo sa akin ni Nichole, wala naman akong ginagawang masama sa kanya paminsan minsan na nga lang kami nagkikita at kapag nagkikita naman kami ganito lagi ang ganap.
Nakarating na ako sa room namin, binigay ko ang excuse letter na binigay sa amin ni President para malaman ng prof ang dahilan kung bakit na late ako.
“You may seat,” sabi niya matapos mabasa ang binigay ko.
Nagpasalamat muna ako bago ako pumasok, habang papunta ako sa upuan ko panay bati sa akin ng mga classmate ko kaya binati ko rin sila pabalik.
SINABIHAN kami ni President na maghanda ng mga kantang i-pe-perform namin, pinadamihan na niya in case na mag request pa ang iba na kumanta ulit. May ganun senaryo kasi na kapag gustong gusto nilang marinig muli kumanta ang nag pe-perform ng re-request pa sila ng ibang kanta.
Napag isip ko rin na mag compose ng kanta para i-surprise ko sa mga fans ko sa pupuntahan naming school. Bata pa lang ako noon tinuruan na ako nina Papa ng instrument dahil musician siya dati, kasali siya sa banda noon, siya ang taga compose ng kanta kaya sa kanya ko namana iyon pero natigil iyon mula ng nagsimula akong habulin si Justin.
Mabuti nga at kaya ko pang tumugtog ng gitara, ‘yung sa piano naman konti lang dahil hindi ko natapos ang lesson ko doon pero sa gitara gamay na gamay ko na, akala ko nga nung una hindi ko na kaya pero ng mag try ako kaya ko pa pala.
Natagalan ako sa pag compose dahil nag research pa ako ng pwedeng gawing insperation at nahihirapan din akong mag isip dahil ngayon pa lang ako gagawa nito, alam ko naman kung paano gawin kaya lang mahirap kung gagawin mo na ng actual lalo na kung wala ka pang experience sa pag susulat.
“Ikaw ang may gawa nito?” tanong sa akin ni Kuya Pierre.
“Oo, pangit ba?” nahihiyang tanong ko.
Pina-tingin ko kay Kuya Pierre para matignan kung ayos lang ba, sobrang galing kasi niya mag compose ng kanta halos lahat ng kanta niya gawa niya, konti lang ang tanda na kinover niya kapag nag request ang mga fans niya na kantahin ito.
“No, ang ganda nga,” sagot niya.
“Hindi ko alam na marunong ka pa lang mag sulat ng kanta, saan ka natuto,” sabi niya.
“Hehe, natutunan ko lang kay Papa, nung bata pa ako tinuturuan na niya ako,” sagot ko.
“Konting revise lang nito magiging ayos na. I-po-post mo ba ito?” tanong niya.
“After ng school tour, balak ko kasing gawing surprise song iyan para sa mga followers ko,” sagot ko.
Tumango naman siya. “Matutuwa sila panigurado.”
Tinulungan niya ako na i-revise ang ginawa kong kanya, may iniba rin siya sa tono ng kanta para mag blend ito sa buong kanta at natuwa naman ako sa resulta dahil mas naging malinis ito kumpara nung una.
“Maraming salamat sa pagtulong,” sabi ko.
“Wala iyon, ikaw pa,” sabi niya.
Sobrang dami ng nagawa sa akin ni Kuya Pierre sa akin, mula ng nag uumpisa pa lang ako ay nasa tabi ko na siya. Ang sabi niya isang linggo lang siya sa tabi ko pero heto hanggang ngayon kapag kailangan ko siya mabilis niya akong tinutulungan kaya sobrang laki ng pasasalamat ko sa kanya.
“By the way, birthday ko pala sa sabado, ayos lang ba na samahan mo akong i-celebrate iyon?” nahihiyang sabi niya.
“Ayos lang pero hindi mo ba i-ce-celebrate ang birtday mo kasama ang mga magulang mo?” tanong ko.
“Nasa states sila at ako lang mag isa dito sa pilipinas kaya wala akong kasamang mag celebrate,” sabi niya.
“Hindi ka ba mag pa-pa-party para ma invite mo ang mga kaibigan mo?” tanong ko.
Napakamot naman siya sa batok. “Maraming nag aakala na extrovert ako dahil sobrang friendly ko pero introvert talaga ako, ayoko ng mga party kapag may occation, mas gusto ko pang mag celebrate kahit ako lang mag isa pero minsan nag i-invite rin ako para may makasama ako kaya lang mga isa o dalawa lang.”
“Pasensya na sa tatanungin ko pero bakit ako? Diba marami kang mga kaibigan?” tanong ko.
“Yes, I have many friend but not a real friend.” Ang kaninang masayang mukha niya ay napalitan ng lungkot. “Hindi ko kasi masasabi na lahat ng mga kaibigan ko ay totoo ang iba nakikipag kaibigan lang sila sa akin dahil mayaman ako, sikat o kaya dahil may itchura ako pero kung wala ako ng mga iyon hindi ko alam kung ilan lang ang matitira baka nga walang matira eh.”
Naiintindihan ko siya, sa panahon kasi ngayon hindi mo na alam kung sino ang mga totoo at sino ang hindi totoo.
Tumingin siya sa akin saka muling ngumiti. “Pero ng makilala kita sobrang gaan ng pakiramdam ko, unang kita ko pa lang sa ‘yo ramdam ko na iba ka sa mga taong nakasalamuha ko, hindi ka gaya nila na plastik lang sa harapan ko.”
“Paano mo na sabi iyon? Paano kung nagpapanggap lang din ako?” tanong ko.
“Hindi pa kita ganun kakilala pero alam ko na walang halong pagpapanggap ang kilos mo, lahat ng mga pinapakita mo totoo kaya marami rin ang napapamahal sa ‘yo dahil ganun ang ugali mo,” sabi niya. Hindi ko naman maiwasan na mahiya sa sinabi niya. “So, ano? Ayos lang ba sa ‘yo na samahan ako?”
Nginitian ko naman siya. “Oo naman.”