AYNAA'S POINT OF VIEW
"Are you okay iha?" tanong ni Tita pagpasok ko ulit sa loob.
"Opo Tita,"nakangiting sabi ko.
"Nakausap ko na ang mga magulang niya, nakita ko naman na hindi nila tino-tolerate ang ginawa ng anak nila kaya makakasiguro ako na mapaparusahan nila ito," sabi ni Tita.
"Sana po hindi niyo na lang ginawa iyon pero salamat po," sabi ko.
"Wala iyon basta para sa inyo," sabi ni Tita.
MAY NEW TRANSFEREE pero kahit baguhan lang siya sumikat agad siya dahil maganda siya, aaminin ko sobrang ganda nga niya kaya hindi ko masisisi ang mga schoolmate ko kung magustuhan nila ito. Balita ko rin binigyan nila itong title na Queen bee.
"No offense ha pero 'di ko feel 'yung transferee," sabi ni Mikaella. "You know... para kasing may pagka b*tchy siya." Napansin niya rin pala iyon, yes hindi ko rin feel yung tranferee. Mahinhin siya oo pero parang hindi iyon ang totoong ugali niya. Sorry kung nanghuhusga agad ako pero malakas talaga ang pakiramdam ko eh.
"Hindi naman siguro, mukhang mabait naman," sabi ni Gianna.
"Hindi porket mukhang mabait ay mabait na, kung sino pa nga ang mukhang mabait sila pa ang mga demonyo ang ugali," sabi ni Mikaella, tumango namana ko para sumang ayon pero napakunot din ako ng noo ng may aalala ako para kasing pamilyar ang scene na ito para kasing nasabi ko na ito hindi ko alam kung kelan. Isasawalang bahala ko na lang sana ng biglang pumasok sa isip ko kung saan ko nasabi at naalala ko na rin kung saan ko na kita 'yung bagong transferee.
Siya 'yung girlfriend na tinanan ni Justin noon. Nung nalaman ko noon na may girlfriend si Justin nakipag kita ako sa kanya, akala ko noon ang hinhin nito dahil ang amo ng mukha pero hindi pala, kung maldita ako noon mas maldita siya. Akala mo kung sinong hindi makabasag pinggan 'yun pala demonyo ang ugali. Pinagmamalaki niya sa akin na siya ang mas mahal ni Justin kahit pa fiance niya ako.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Tuwang tuwa si Cheska Alcantara ang new transferee sa nakukuha niyang atensyon mula sa mga lalaki. Ito ang gusto niya na pinapansin siya ng mga lalaki at tinuturing na prinsesa ng mga ito.
"Buti dito mo napiling pumasok," tanong ng isang lalaking nakapalibot sa kanya.
"Sabi kasi nila maganda ang school na ito," mahinhin na sabi niya.
"Tama ka ng pinili, maganda talaga dito," sabi ng isa pang lalaki.
Mayamaya biglang nakuha ang atensyon niya ng may dumaang lalaki sa pwesto nila. Sobrang humanga siya dahil ito ang ideal man niya.
"Who is he?" tanong niya saka tinuro si Justin.
"Siya si Justin Abraham, campus heartthrob," sagot ng isang lalaki.
"I like him, tingin niyo papansinin niya ako kapag nakipagkilala ako sa kanya?" tanong niya.
"Wala naman makakatanggi sa 'yo dahil maganda ka pero kung si Justin malabo dahil baliw siya kay Avyanna," sagot ng isang lalaki na kinakunot ng noo.
"Oo nga, hindi naman namin siya masisisi sobrang ganda naman kasi ni Avyanna," sabi ng isang lalaki. Nainis siya sa sinabi ng lalaki, ayaw niyang nakakarinig ng may mas magandang babae pa bukod sa kanya pero hindi niya pinakita ang inis niya dahil ayaw niya na masira ang image niya.
"Who's Avyanna?" tanong niya.
"Siya ang campus goddess ng school," sagot ng isang lalaki na mas kinainis niya. Goddess? So mas maganda ito sa kanya.
"Bakit iyon ang title niya?" tanong niya.
"Para kasi siyang diyosa sa ganda, mabuti na lang nagbago siya, noon kasi sobrang kapal ng make up niya kaya natatakpan ang totoong ganda niya pero mula ng magbago siya kitang kita ang kagandahan niya," sagot ng isa.
"Hmm, don't get me wrong ha? Baka naman retoke?" pa-inosenteng tanong niya. Gusto niyang ipag over think ang mga ito at ipakalat sa buong school pero mukhang hindi effective.
"'Yan din ang issue noon pero napatunayan na wala siyang retoke, isa pa mahirap lang sila kaya wala siyang pamparetoke," sagot ng isa.
"Excuse me lang kailangan ko lang umalis dahil may gagawin ako," sabi niya, gusto na niyang umalis doon dahil baka hindi na siya makapagtimpi pa at mailabas niya ang totoong ugali niya.
"BWISIT, sino ba 'yung Avyanna na iyon at sobtra nag paghanga nila," inis na sabi niya pagdating sa c.r. "Mas maganda ba siya sa akin para ganyan siya i-compliment?"
Bwisit na bwisit siya, ayaw na ayaw niyang may nakakalamang sa kanya, gusto niya siya lang ang maganda at wala ng iba.
"Gusto kong makilala ang babaeng iyon para malaman ko kung maganda nga siya sa akin at bakit siya nagustuhan ni Justin," sabi niya.
"Tutulungan kita," Nanlalaking napalingon siya sa nagsalita. "Don't worry, hindi ko sasabihin ang mga nakita ko." Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ito. "By the way, I'm Lily, kaibigan ako ni Justin at galit na galit ako kay Avyanna."
Naging malambot naman ang expression niya ng marinig na kaibigan nito si Justin. "Then paano mo ako tutulungan?" tanong niya.
"Ganito lang..."
AVYANNA'S POINT OF VIEW
Busy sina Mikaella at Gianna kaya nagtambay na lang ako sa library matapos kong mag lunch, marami pa akong oras na natitira at ayaw ko naman sa canteen lang para akong baliw doon dahil mag isa lang ako at wala akong gagawin kaya mas maganda nasa library na lang ako para makapag basa basa rin ako. Habang busy ako sa pagbabasa may umupo sa harapan ko kaya napatingin ako sa kanya. Si Cheska.
"Hi," nakangiting sabi niya. Hindi mo talaga siya pag iisipan ng masama dahil sa maamong muka niya pero sa likod nito ay may nagtatagong demonyo.
"Hello," sagot ko rin sa kanya.
"You're Avyanna right?" tanong niya.
"Yes why?" tanong ko.
Tumingin tingin siya sa paligid at ng masigurong walang tao saka biglang nagbago ang expression ng mukha niya kung kanina ay para siyang anghel ay napalitan ng malditang mukha. "Tsk, anong nagustuhan sa 'yo ng mga lalaki? Halata naman na mas maganda ako sa 'yo?" mataray na sabi niya. Hindi na ako nagulat sa pagbabago niya dahil ganyan ang pinakita niya sa akin noon ng makilala ko siya. "Hindi ko sila maintindihan kung bakit campus goddess ang binigay nilang title sa 'yo."
Napakunot naman ako sa sinabi niya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "Ano bang problema mo?" tanong ko.
"Ikaw, hindi ka naman maganda pero bakit ang daming nagkakagusto sa 'yo? Lalo na si Justin," tanong niya.
Napabuntong hininga naman ako. "Kung may problema ka tungkol doon 'wag ako ang storbohin mo dahil wala akong pakielam sa kanila," mahinahong sabi ko pagkatapos tumayo ako, hindi na rin naman ako makakapag basa ng tahimik dahil sa babaeng ito. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Saan ka pupunta ah kinaka–" Nagulat nagulat ako ng bigla na lang siyang natumba. "Aray ko." Sabi niya bumalik ang pagiging maamong mukha niya.
"Cheska," napatingin ako sa nagsalita, mga lalaking school mates namin. Kaya pala bigla na lang siyang bumalik sa pagiging inosente niya. Lumapit sila saka ito tinulungan. "Anong nangyari sa 'yo?"
"Si Avyanna kasi eh," paawang sabi niya kaya napatingin sa akin ang mga lalaki.
"Anong ginawa mo kay Cheska ha?" tanong ng lalaking mahaba ang buhok.
"Wala akong ginawa sa kanya," sagot ko.
"Eh bakit nasa sahig siya?" tanong nito.
"Malay ko bigla na lang siyang natumba eh," sabi ko.
"Hindi naman siya matutumba ng walang dahilan," sabi nito.
"Iniisip mo ba na tinulak ko siya?" tanong ko, hindi siya nagsalita pero kita ko sa mga mata niya ang sagod. "Kung tinulak ko siya, anong dahilan ko para itulak siya? Di ko naman siya kilala."
"Pero bakit tinuturo ka niya?" tanong ng lalaking may tattoo sa braso.
Tumingin naman ako kay Cheska. "Bakit hindi niyo itanong sa kanya?" tanong ko.
"Sabihin mo Cheska tinulak ka ba niya?" tanong nito.
"Oo tinulak niya," napatingin kami sa nagsalita si Lily. "Nakita namin na tinulak niya ito."
Tumingin naman ng masama sa akin ang mga lalaki. "Bakit mo ginawa iyon?" tanong ng lalaking may salamin.
"I did not push her," sabi ko.
"Anong hindi, nakita namin na tinulak mo siya," sabi ni Lily.
"Ano bang dahilan ko para itulak ko siya?" tanong ko.
"Dahil naiingit ka sa kanya," sagot niya.
"Saan?" tanong ko, hindi naman siya agad nakasagod. "Ayoko ng gulo, kung gusto niyong malaman ang totoo panuorin niyo na lang ang cctv camera, marami naman dito sa library." Pagkasabi kong iyon nakita kong namutla sila Lily at Cheska. Tama ang hinala ko na magka sabwat talaga ang dalawang ito.
"H-Hindi kasalanan ni Avyanna, na out of balance na lang ako," utal na sabi niya.
"Sigurado ka? Bakit sabi ni Lily," sabi ng lalaking mahaba ang buhok.
"Mali lang siguro ako ng nakita," sabat ni Lily. "Pasensya na."
"Ayun naman pala eh, kung wala na kayong sasabihin pa aalis na ako," sabi ko.
"Pasensya na Avyanna kung inakusahan ka namin agad," sabi ng lalaking may salamin.
"Ayos lang. Sige alis na ako," sabi ko saka naglakad paalis.
"PASALAMAT ang babaeng iyon hindi mo kami kama kung hindi nakalbo na siya," inis na sabi ni Mikaella matapos kong mai-kwento ang nangyari sa amin ni Cheska.
"Mabuti nga na wala ka, ayokong mas lumaki pa ang gulo," sabi ko.
"Bakit ba ang bait mo ah? Sabi mo maldita ka dati? Dapat hindi mo inalis ang pagiging maldita mo, ayos lang naman na maging maldita at mabait," sabi niya.
"Hindi sulusyon ang pagpatol sa kaaway mo, hanggang kaya mong pagpasensyahan pagpasensyahan mo," sabi ko.
"Eh paano kung wala akong pasensya?" tanong niya.
"Pilitin mo," sabi ko.
Nagpout naman siya. "Oo na, hirap talagang may mabait kang kaibigan buti na lang lab kita," sabi niya.
"Me too," sabi ko.
Ayoko ng maulit ulit iyon lagi kong pinangungunahan ang galit ko, mas maganda pa rin na habaan ang pasensya hanggang kaya pang masulusyunan, hindi kailangan makipag away mas lalo lang lalaki ang problema.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
Isang buwan na ang lumipas nung dumating si Cheska. Ganun pa rin ang ginawa niya pasikreto niya pa rin akong ginugulo at kapag may mga tao ay bumabalik siya sa pagka anghel. Ilang beses na niya akong gustong siraan pero lahat ng iyon pumapalpak.
"Alam niyo na ba ang chismis?" sabi sa amin ni Mikaella. Lunch namin ngayon.
"Ang alin?" tanong ni Gianna.
Sa aming tatlo si Mikaella ang maraming balita na sinasabi sa amin, para siyang paparazzi sa dami niyang alam.
"Sabi nila bibisita raw ang may ari ng school bukas," kinikilig na sabi niya.
"Bakit kinikilig ka diyan?" tanong ko.
"Paano ba naman kasi ang sabi nila gwapo at bata pa ang may ari ng school," sabi niya saka tumili.
Nagkatingin kami ni Gianna at sabay na nailing pagdating talaga sa gwapo mabilis si Gianna.
"Malay niyo siya na ang soulmate na hinihintay ko," sabi niya.
"Maghunusdili ka nga Mikaella," sabi ko. "Tandaan mo 18 ka pa lang paano kung malaki ang agwat niya sa 'yo ha?"
"Legal age naman ako at age doesn't matter," sabi niya, nakinailing ko na lang. "Kailangan kong magpaganda bukas para naman mapansin niya ako." Hayaan na nga siya kung diyan siya masaya.
Maaga kaming pinauwi dahil busy na ang mga prof sa pagdating ng may ari ng school. Buong sulok nga ng school pinalinis nila para masigurong maganda sa paningin ng may ari pero kahit hindi naman sila maglinis malinis naman dahil mine-maintain nila ang kalinisan ng school.
"Ang aga niyong umuwi," sabi ni Mama matapos kong mag mano sa kanya. Wala si Papa nasa trabaho pa, ayaw ni Papa na umalis sa trabaho niya kahit stable na ang kita sa karenderya, sabi niya kasi masaya naman siya sa pinag ta-trabahuan niya at hindi naman siya napapagod. Mag hihinto lang siya kapag mag re-retire na siya. Hinayaan na lang namin ni Mama si Papa dahil mukhang masaya naman siya.
"Dadating po kasi bukas ang may ari ng school kaya nag pe-prepare sila," sagot ko.
"Ganun ba?" sabi niya. "Mag miryenda ka muna, may cake doon sa ref, bigay ng kapitbahay natin."
"Sige po, bihis lang ako," sabi ko saka pumasok ng kwarto ko.
MAAGA KAMING pumasok sa school, dumiretso kami sa auditorium hindi naman by section ang pag upo kaya nagtabi kaming tatlo nina Mikaella at Gianna, malapit kami sa may stage nasa pangatlong row dito gustong umupo ni Mikaella para mas makita raw niya ang mukha ng may ari ng school.
"Excited na akong makita ang may ari ng school," kinikilig na sabi ni Mikaella.
"Alam namin," sabay na sabi namin ni Gianna kaya napanguso siya.
"Ang ke-kj niyo naman," nagtatampong sabi niya.
"Pang ilang beses mo na kasing sinabi 'yan kanina," sabi ko.
"Sorry naman excited lang eh," sabi niya.
"Oo na, tigilan mo na ang kakanguso mo diyan," sabi ko.
Ilang oras din kaming nag hintay bago nagsimula. Ang dean ang unang lumabas ng backstage para mag speech.
"Good morning students," sabi niya.
"Good morning," bati namin.
"Matagal tagal na rin mula ng bumisita ang may ari ng school kaya karamihan sa inyo ay hindi pa siya nakikilala, last time na pumunta siya dito marami ang hindi umattend," Isa na ako sa hindi umattend noon dahil hindi umattend si Justin. "Kaya mabuti na lang at marami ngayon ang nag attend."Huminto muna siya pansamantala at nilibot ang paningin niya. "Okay, hindi ko na papahabain pa ito dahil marami pang gagawin si Mr. Hansley, kaya let's welcome Mr. Hansley."
Sabay sabay naman kaming nagpalak pakan, 'yung kaninang nakangiti kong labi biglang nawala ng makita ko ang taong lumabas sa backstage. Naglakad ito papunta sa may mike, mag uumpisa na sana siyang maglita ng mapatingin siya sa pwesto ko kaya nanlaki ang mata niya pero agad rin nawala ang tingin niya sa akin ng kunin ni Dean ang atensyon niya.
"Gosh, ang gwapo niya," kinikilig na sabi ni Mikaella.
"Hmm, mag c-cr na muna ako," sabi ko.
"Ha? Pero mag uumpisa ng magsalita si Mr. Hansley," sabi ni Mikaella.
"Pasensya na hindi ko na kasi matiis," sabi ko.
"Ganun ba? Osige pero bilisan mo ah," sabi niya.
"Oo," sabi ko saka tumayo. Buti nasa may gilid kami kaya hindi ako nakaagaw ng atensyon.
Paglabas ko ng auditorium bumagsak ang kanina ko pa pinipigilang luha. Malapit lang pala siya sa amin pero bakit hindi niya ako binibisita? Bakit tumagal ng isang taon bago kami magkita? Nang kumalma ako pinunasan ko ang luha ko saka naglakad papunta sa garden, ayoko na muna siyang makita.
Malapit na ako sa garden ng may pumigil sa kamay ko, si Zoltan. "Wait," sabi niya. "Can we talk?"
Huminga muna ako ng malaim bago ako humarap sa kanya. "Ano iyon?" tanong ko.
"About when I left without saying goodbye," sabi niya.
Hindi agad ako sumagod para mag isip. "Okay, fine doon tayo sa garden," sabi ko. Wala naman akong mapapala kung magmamatigas ako diba? Isa pa gusto ko ring malaman kung ano ang dahilan niya at sabi nga ni Mama hindi ako dapat magtanim ng galit sa kanya.
"Okay, sabihin mo na ang gusto mong sabihin," sabi ko pagkarating namin sa garden at naupo sa upuan.
"I don't say goodbye to you because I don't want to see you crying," pag uumpisa niya. "I may be not able to leave when I see you cry pero sobrang importante ng pupuntahan ko at hindi ko pwedeng pagpaliban, so, I leave without saying goodbye." I understand him.
"Pero bakit isang taon muna ang lumipas bago kita makita ulit?" tanong ko.
"Dahil nahirapan akong sulusyunan ang problema sa isang company ko," sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako dahil nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabi siya ng totoo at isa pa na realize ko na wala naman akong dapat akong i-demand sa kanya na magpaliwanag sa akin dahil hindi naman niya ako.
"Okay, naiintindihan ko na," sabi ko.
"So,you're not mad at me?" tanong niya.
Umiling naman ako. "Wala naman akong dapat ikagalit sa 'yo dahil hindi mo naman ako kaano ano," sabi ko.
"No, you're important to me, kahit dalawang buwan lang tayong nagkakilala noon sobrang importante ka na sa akin," sabi niya.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Ikaw pala ang may ari ng school na ito? Tagal ko ng nag aaral dito pero hindi ko alam" tanong ko pero sabagay wala naman akong pakielam noon dahil mas importante sa akin mapansin ni Justin.
"Me too, I didn't know that you study here," sabi niya.
"Ikaw pala ang may ari ng school," sabi ko.
"I'm sorry if I didn't tell you," sabi niya.
"Nah, it's okay, wala naman akong importante kung sino ka man," sabi ko pero mayamaya may naalala ako. "Wait tapos na ba ang speech mo?"
"Yes, I finish it because I want to talk to you," sabi niya.
Nagulat naman ako. "Hala, bakit mo naman ginawa iyon?" tanong ko.
"It's okay, I also don't like to talk for so long," sabi niya. Oo nga pala, hindi siya ganun nagsasalita ng mahaba, sa akin lang siya nagiging madaldal. "Do you have a class?"
"Yes why?" tanong ko.
"Hmm, wait," sabi niya saka may kinuha siya sa bulsa niya, 'yung cellphone niya pagkatapos may tinawagan siya. "Cancel the class today..." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, nag sign naman ako sa kanya na 'wag pero hindi niya ako pinansin. "Don't ask just do it."
"Ano ka ba bakit mo ginawa iyon?" tanong ko ng binaba niya ang tawag niya.
"I want to spend time with you," sabi niya.
"May ibang araw naman para gawin iyon ah," sabi ko.
"But I now," parang batang sabi niya.
Napabuntong hininga lang ako, alam niya na kapag ganito ang ginagawa niya wala na akong magawa. "Okay, fine pero 'wag mo ng uulitin please."
"Ay ay," sabi niya saka nagsalute kaya napailing ako, parang bata talaga.
Tumayo ito kaya napatingala ako sa kanya, tangkad kasi niya. "Come on," sabi niya saka nilahad ang kamay niya. Nginitian ko naman siya saka hinawakan ang kamay niya at tumayo. Hindi niya inalis ang kamay niya sa akin kaya holding hands kami habang naglalakad. Hindi na bago sa akin ito dahil ganito ang ginawa niya noon, lagi niyang hinawakan ang kamay ko sabi niya masarap daw hawakan dahil malambot. Mabuti na lang hindi pasmado ang kamay ko.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami.
"Sa mall," sagot niya.
"Naka uniform pa ako, nakakahiya naman kung ganito lang ako," sabi ko.
"I'll buy you a clothes there," sabi niya.
"Naku, 'wag na sayang sa pera," sabi ko.
"I have lots of money," sabi niya.
"Kahit na," sabi ko.
"Princess, hindi mauubos ang pera ko sa isang damit lang," sabi niya. Napanguso naman ako sa sinabi niya, tama nga naman siya. Milyon milyon ang pera niya hindi ito mauubos sa isang damit lang. "But I'm not buy you just one dress."
"Hindi na kailangan, marami na akong damit," sabi ko.
Hindi ko pa nga nasusuot ang mga damit na binili ni Mommy.
"But I want to spoiled you," parang batang sabi niya
Napabuntong hininga na lang ako. "Okay, imbis na damit pagkain na lang okay?" sabi ko.
Ngumiti naman siya. "Okay," sabi niya.
Pagdating namin sa mamahaling kotse niya, wala akong alam sa kotse pero alam ko na Lamborghini ito dahil marami akong nakikitang mga ganito dito kaya alam ko. Pinagbukasan niya ako ng pinto at matapos kong pumasok siya naman ang pumasok.
"Safety first," sabi niya matapos niya akong suutan ng seatbelt.
"Thank you," sabi ko.
Nag umpisa na siyang mag drive palabas ng school. Nagpunta kami sa mall na tanging mga artista at mayayaman lang ang pumupunta, bawal pumasok ang normal citizen para iwas gulo at safety na rin ng mga artista. May mga iba kasi na nagwawala kapag nakikita nila ang idol nila sinusugod nila kaya strict ang seguridad dito, hindi basta basta makakapasok.
Dahil hindi puntahan ng mga tao ito, hindi puno ang mga parking lot kaya madali lang nakahanap ng spot si Zolton. Bubuksan ko na sana ang pinto pero pinigilan niya ako at mabilis na bumaba saka ako pinagbuksan, ang gentleman naman nito.
"Thank you," sabi ko.