AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Anak, nag text sa akin ang Tita Penelope mo, magkakaroon daw kami ng reuniong magkakaklase," sabi ni Mama. Mama ni Justine si Tita Penelope. Magkaklase sina Mama at Tita noon kaya sobrang tibay ng pagkakaibigan nila noon. "Kailangan naming isama ang asawa at anak namin sa reunion namin."
"Kelan po?" tanong ko.
"Next week na, Sunday naman iyon," sabi niya.
Tumango naman ako. "Ano pong theme doon?" tanong ko.
"Casual lang anak, konti lang ang mga yumaman sa mga batch namin kaya 'di naman kaya ang bongga," sabi ni Mama.
"Sige po Ma," sabi ko.
Sana hindi ako guluhin ni Justin sa araw na iyon, ang kulit kulit pa naman niya. Ayoko naman na masira ang reunion nina Mama dahil lang sa pangungulit niya. Ayoko naman maging bastos sa paningin nina Tita Penelope.
"Pasok na muna po ako sa kwarto ko," sabi ko.
Tatlo lang naman kami sa bahay kaya nabigyan nila ako kahit maliit na kwarto. Pinag awayan pa nga namin ito noon dahil maliit lang ang binigay nila sa akin.
"Bakit ganito lang kaliit ang kwarto ko ha?" inis na sabi ko.
"Anak ito lang ang nakayanan namin para makagawa ng kwarto na gusto mo, bumili pa kami ng kama mo kaya konti na lang ang nabili namin na materyales," paliwananag ni Mama.
"Tsk, simpleng kwarto lang hindi niyo pa nagawa, hindi niyo na nga ako nabibigyan ng malaking allowance," sabi ko.
"Anak pasensya na, ginagawa naman namin lahat para mabigay lahat ng gusto mo," sabi ni Mama.
"Kung kasing nagsikap kayo edi sana hindi tayo ganito kahirap, buti pa si Tita Penelope nabibili niya ang gusto ko. Napakawalang kwenta niyo talaga." sabi ko.
Kapag naalala ko iyon gusto kong sampalin ang sarili ko sa sinabi ko kina Mama lalo na ng makita ko ang mga mukha nila na sobrang lungkot. Alam kong nasaktan ko sila sa mga sinabi ko lalo na at kinukumpara ko sila kay Tita Penelope.
Magkailbigan sina Mama at Tita Penelope kaya bata pa lang ako kilala ko na si Justin. Bata pa lang ako may crush na ako sa kanya dahil ang bait bait niya sa akin parang prinsesa ang tingin niya sa akin pero nang lumaki kami ay bigla na lang niya akong iniwasan pero dahil makulit ako noon lagi akong lumalapit sa kanya at kahit pinagtatabuyan niya ako ay wala ako pakielam pero ngayon kapag naaalala ko ang ginagawa niya hindi ko maiwasan na masakyan. Kapag sa ibang babae ang bait niya pero pag dating sa akin parang wala lang ako.
Alam kong kasalanan ko dahil makulit ako pero hindi ko maintindihan kung bakit parang diring diri siya kapag nakikita niya ako, marami rin naman mga babae ang baliw na baliw sa kanya mas malala pa nga ang ginawa nila pero hindi naman niya iniiwasan kinukuha pa nga niya ang regalo nila pero 'yung sa akin hindi man niya kinukuha, kukunin man niya para itapon lang.
Well, wala na akong pakielam kung ano ang dahilan niya, kung ano man ang dahilan niya hindi ko na kailangan pang malaman, malaman ko man o hindi, hindi pa rin magbabago ang isip ko na layuan siya dahil sobra na akong nasaktan sa ginawa niya. Hindi ko na rin naman kailangan ng lalaki sa buhay ko ang kailangan ko lang ay ang magulang ko.
"GOOD MORNING," bati ni Gianna pagdating niya dito sa canteen.
"Good morning," bati naming dalawa ni Mikaella.
"You look tired," sabi ko.
"Yeah, ang dami ko kasing project, grabe 'yung mga prof namin halos nag uumpisa pa lang ang klase pero ang dami ng pinapagawa," reklamo niya matapos maupo.
"May ganyan talagang prof, 'yung iba nga nag fe-feeling major subject," sabi ni Mikaella sabay irap kaya natawa na lang ako ng mahina.
Habang masaya kaming nag ke-kwentuhang tatlo biglang lumapit sa amin sina Lily at Veronica kasama ang mga kaibigan nila. Ano na namang problema nila?
"Anong feeling Avyanna?" tanong ni Lily na kinakunot ng noo ko.
"What do you mean?" tanong ko.
"Tuwang tuwa ka siguro na ikaw naman ang hinahabol ni Justin 'no?" sabi niya, napairap at napailing naman ako sa sinabi niya.
"Oo nga, at ang kapal pa talaga ng mukha mo na ipagtabuyan pa siya pasalamat ka nga ginusto ka na niya," sabi naman ni Lily. "
"First of all, hindi ko hiniling kay Justin na habulin niya ako, pangalawa wala na ba akong karapatan na ipagtabuyan siya?' sabi ko sa kanila.
"Kapal ng mukha mo na ipagtabuyan siya eh samtalang noon kung makalapit ka sa kanya akala mo linta ka," sabi ng isa sa kaibigan nina Lily.
"Tama ka pero noon iyon, iba na ang noon sa ngayon kaya matuto naman kayong mag move on," sabi ko.
"Tama, 'wag na kasing balikan 'yung dati kaya nga nakaraan na lang diba?" sang ayon ni Mikaella.
"'Wag kang makielam dito hindi ikaw ang kinakausap," sabi ng isa pang kaibigan nina Lily,
"Ano pakielam mo kung gusto kong makielam, kaibigan ko ang inaaway niyo tingin niyo mananahimik lang ako sa isang tabi?" mataray na sabi ni Mikaella.
"Alam niyo, nananahimik na ako, hindi ko na ginugulo si Justin kaya ano pang pinuputok ang butchi niyo?" tanong ko sa kanila. "Kung may problema kayo sa paghahabol sa akin ni Justin siya ang lapitan niyo 'wag ako dahil hindi ko naman kontrolado ang isip niya."
"She's right," napatingin kami sa biglang nag salita.
"Justin," sabi ni Lily.
"Ako ang may gustong habulin si Avyanna kaya tigilan niyo na siya," sabi niya.
"Bakit mo ba kasi siya hinabol habol ha Justin? Diba ayaw mo naman siya dati? Kaya nga tinataboy mo na siya diba?" sabi ni Veronica.
"Yes, pero I realize na hindi ko pala kayang mawala siya sa buhay ko kaya ginagawa ko ang lahat para mahalin niya ulit ako," sabi niya.
JUSTIN'S POINT OF VIEW
I know, I'm j*rk and a**h*le, pinagtatabuyan ko noon si Avyanna dahil naiinis ako sa lagi niyang pag sunod sa akin pero mula ng tinigil niya ang paglapit sa akin biglang nagkaroon ng kulang, nasanay ako na lagi siyang nasa tabi ko, nasanay ako na bigla na lang siyang susulpot sa tabi ko.
"Tigilan niyo na si Avyanna kung ayaw niyong malagot sa akin," sabi ko kina Lily. Wala naman silang nagawa kundi ang umalis na lang. "Are you, okay?"
"Yes, thanks," sagot ni Avyanna. Kalmado na siya kumpara nung nakaraang linggo na sobrang irita niya kapag nakikita ako.
"Mabuti naman," sagot ko.
"May kailangan ka pa?" tanong niya.
"Yes, gusto kasi ni Mom na pumunta ka sa bahay kasi na mi-miss ka na niya, pinagpaalam ka na niya sa mama mo na doon ka na lang matutulog, kaya sabay ka na sa akin mamayang pag uwi," sabi ko.
May damit si Avyanna doon sa bahay namin dahil mahilig itong mag overnight sa amin noon, may sarili pa nga siyang kwarto doon pero mula ng iniwasan niya ako hindi na siya nagpupunta doon kaya sobrang nagtaka si Mom, hindi ko nga alam kung anong idadahilan ko sinabi ko na lang na naging busy na ito sa pag aaral niya, totoo naman pero hindi talaga iyon ang dahilan.
"Hmm, okay," sagot niya.
Gusto ko pa sana siyang kausapin ng mas matagal pero mukhang hindi siya interesadong kausapin ako isama pa na sobrang sama ng tingin sa akin ng isang kaibigan niya. Masaya ako dahil nagkaroon siya ng maayos na kaibigan, hindi gaya ng mga kaibigan niya noon.
"Sige mauna na ako," paalam ko sa kanya, tango langa ng sagot niya kaya umalis na ako.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
"OMG! Avyanna namiss kita," bungad sa akin ni Tita Penelope pagpasok ko sa bahay nila saka ako niyakap.
"Namiss ko rin po kayo," sabi ko sa kanya.
"Sabi ni Justin sobrang busy mo raw sa pag aaral kaya hindi ka na nakakabisita," sabi niya, napatingin naman ako kay Justin dahil doon, iniwas naman niya ang tingin sa akin. So, hindi niya sinabi ang totoo.
"Opo, Tita," sagot ko na lang.
"Alam mo iha, tuwang tuwa ako ng malaman kong pinagbubutihan mo na ang pag aaral mo, akala ko hindi kita makikita sa graduation niyo noong high school," sabi niya.
"Pasensya na po Tita kung naging ganun ang ugali ko," sabi ko sa kanya.
"Wala naman sa akin 'yun, inaalala ko lang ay 'yung mga magulang mo, alam ko naman na mabait ka talaga, hindi nga namin alam kung bakit bigla kang nagkaganun noon dati naman sobrang bait sweet mong bata pero kahit na ganun hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa 'yo, malakas ang pakiramdam ko na mag babago ka at nagbago ka nga," sabi niya, hindi ako nakasagot sa sinabi niya, nginitian ko lang siya.
Noon pa man kahit nung hindi pa ako nagbabago hindi na talaga nagbago ang tingin sa akin ni Tita, mabait pa rin siya sa akin at gusto pa rin niya ako sa anak nila kaya nga nangyari iyong pag arrange nila sa amin noon ni Justin pero sana ngayon 'wag nilang gawin iyon dahil ayokong makita siyang malungkot kapag tinanggihan ko ang pag arrange nila.
"Oo nga pala iha, may binili akong dress sa 'yo, iyon ang gusto kong suotin mo bukas," dagdag niya.
"Nasaan po?" tanong ko.
"Nandoon sa kwarto tara," sabi niya at hinila ako papunta sa kwarto nila.
"Hello po Tito," bati ko kay Tito Xaiver, asawa ni Tita.
"Hello iha, kumusta ka na, tagal mong 'di nagpunta dito ah," sabi niya.
"Ayos lang po, naging busy lang po kasi," sagot ko.
"Oh, ganun ba?" sabi niya, tumango naman ako.
Pinakita na sa akin ni Tita ang binili niyang damit para sa akin, nagustuhan ko naman ito dahil ang ganda. Magaling talagang mamili ng damit si Tita halos lahat ng damit ko galing sa kanya. Gustong gusto kasi talaga ni Tita ng anak na babae pero hindi siya pinagpapala, puro lalaki ang mga anak niya. Tatlo ang anak niya, panganay niya si Justin.
"Nagustuhan mo ba iha?" tanong niya.
"Oo naman po, salamat po," sabi ko.
"Wala iyon, ikaw pa
"Nasaan nga po pala si Hero at Zeke?" tanong ko. Pangalawang anak ni Tita si Hero, 16 years old at bunso naman si Zeke, 9 years old habang si Justin 20 years old.
Malalayo ang agawat nila sa isa't isa, sinusunod kasi nina Tita ang family planning na binuo nila, ayaw kasi nila na mapabayaan ang mga anak nila kung sakaling maging sunod sunod ang anak nila.
"Nandoon sa kwarto nila," sagot niya.
"Okay po," sabi ko.
"Mamaya na lang ulit tayo mag bonding magluto na muna ako ng dinner natin," sabi niya saka tumayo.
"Tulungan ko na po kayo," sagot ko.
"Ayos lang ba sa 'yo?" tanong niya.
"Oo naman po," sabi ko.
"Kung ganun tara na," sabi niya.
Naglakad na kami papunta sa kusina nila, malaki ang kusina nila at modern na modern ang itchura. Nakakaangat rin kasi sa buhay sina Tita dahil isang engineer si Tito at balang araw magiging engineer na rin si Justin.
"Oo nga pala iha, anong kinuhang course mo?" tanong niya habang naghihiwa kami ng mga lulutuin.
"Culinary po," sagot ko.
"Wow, edi tuwang tuwa ang nanay mo dahil ikaw ang nag tuloy ng pangarap niyang maging chef," sabi niya.
"Opo, sobra po," sabi ko.
Hindi na natapos ni Mama ang pag aaral niya noon dahil kinapos sa pera ang mga magulang niya kaya napilitan siyang mag stop para mag trabaho at matulunga sina Lola.
"Proud na proud ako sa 'yo iha," sabi niya.
"Salamat po," sabi ko.
Ako na ang nag presintang mag luto para makapagpahinga naman si Tita, pumayag naman siya dahil gusto niyang matikman ang luto ko.
"Wow, ang sarap," manghang sabi niya ng matikman ang luto ko. "Dito anak tikman mo." Sabi niya kay Justin na nasa sala. Lumapit naman ito pagkatapos sinubo ang pinapasubo ni Tita. "Masarap 'no?"
"Yes, Mom," sabi niya.
"Naku, anak ang swerte mo kapag naging asawa mo na si Yanna," sabi niya na kinatahimik naming dalawa ni Justin, mukhang napansin naman iyon ni Tita. "May problema ba kayong dalawa?"
"Wala po Tita," mabilis na sagot ko. "Ihanda na po natin ito para makakain na tayo baka lumamig pa." Pag iiba ko ng topic.
"Sige, tatawagin ko lang sina Hero at Zeke.
"INOM KA MUNA ng gatas bago ka matulog," sabi ni Tita saka inabot sa akin ang gatas.
"Salamat po," sabi ko saka kunuha ang gatas sa kanya tapos agad na ininom ito.
Umupo siya sa kama ko."Iha tapatin mo nga ako, may problema ba kayo ni Justin?" tanong niya.
"Wala po Tita," sagot ko.
"Kilala ko kayong dalawa, napansin ko na iba na ang kinikilos niyo lalo na ikaw, dati gustong gusto mong nasa tabi mo lagi si Justin pero ngayon parang hindi kayo magkakilala," sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako. "'Wag po sana kayong malulungkot sa sasabihi ko," sabi ko.
"Ano 'yun?" tanong niya.
"Tinigil ko na po kasi ang kung anong nararamdaman ko para kay Justin, masyado po akong nasaktan Tita eh, ginawa ko naman po lahat para mahalin niya ako pero wala eh para lang akong isang hangin sa paningin niya o para akong nakakadiring bagay sa paningin niya. Lagi niya akong pinagtatabuyan at pinapahiya sa harap ng mga tao pero lahat ng iyon binaliwala ko kasi mahal ko po siya," Tumigil muna ako pansamanta para pigilan ang luha sa mata ko. "Pero nakakapagod din po palang maghabol sa taong hindi naman po kayang suklian ang pagmamahal ko."
Hindi agad nagsalita si Tita pero maya maya napabuntong hininga siya. "Hindi ko alam na ganyan pala ang napagdadaan mo kay Justin, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginagaw ang anak ko," sabi niya.
Umiling naman ako. "Wala po kayong kasalanan Tita," sabi ko.
"Kahit na, anak ko si Justin. Gusto kita para kay Justin, kahit nung panahon na nag rerebelde ka sa mga magulang mo pero kung sumuko ka na kay Justin hindi kita pipigilan doon, kahit naman kasi gustong gusto kita para sa kanya ayaw ko anman na ipilit sa 'yo ang ayaw mo na," sabi niya.
"Maraming salamat po Tita," sabi ko.
"Wala iyon iha, parang anak na rin kasi kita," sabi niya.
"ANG GANDA ganda mo talaga," sabi ni Tita matapos niya akong make upan.
"Salamat po," sabi ko.
"Tara na labas na tayo, nandoon na sa labas ang mga magulang mo," sabi niya.
"Sige po," sabi ko saka tumayo na at sumunod sa kanya.
Paglabas namin nakita namin sina Mama at Papa na nakikipag kwentuhan kay Justin.
"Ma, Pa," sabi ko saka nagmano sa kanila.
"Pagpalain ka anak," sabi nilang dalawa.
"Kumusta best," sabi ni Tita saka nakipag beso kay Mama.
Matagal tagal rin silang hindi nagkikita ni Mama, hindi naman ganun kalayo ang bahay namin sa kanila pero dahil wala ng time si Mama hindi siya nakakabisita kina Tita.
"Heto busy sa karenderya," sabi niya.
"Balita ko nga umasenso ang karenderya niyo ah, congrats," sabi ni Tita.
"Salamat," sabi ni Mama.
"Tara na, baka ma-late pa tayo," sabi ni Tita.
Sabay sabay kaming lumabas pagkatapos sumakay kami sa van nina Tita. Sa may likuran kami nina Mama. Ang van nila ay parang 'yung mga van ng mga artista kaya sobrang comportable sa loob tapos may mini c.r pa para kung sakaling dalawin ka ng kalikasan sa traffic hindi na kailangan pang pigilan.
"Anak, heto ang mga mint candy," sabi ni Mama saka binigay sa akin ang isang balot ng candy. Madali kasi akong mahilo sa biyahe kaya dapat may kinakain akong mint candy para hindi ako magsuka.
"Salamat po," sabi ko. Binuksan ko ito saka kumain ng isa.
"Penge Ate," sabi ni Zeke sa akin kaya binigyan ko siya. Binigyan ko rin si Hero ng siya naman ang manghingi.
Dahil madali nga akong mahilo nakikinig lang ako ng music sa phone ko habang nakatingin lang sa harapan, hindi ako pwedeng tumingin sa gilid ko dahil mas mahihilo lang ako. Mabuti na lang komportable ang upuan ng van kaya hindi ako nahihirapan.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa venue kung saan gaganapin ang reunion. Pagmamay ari ito ng isa sa dating kaklase nina Mama.
"Mabuti na lang nandito na kayo," bungad ng babaeng kasing idad nina Mama.
"Marami na ba ang dumating?" tanong ni Tita.
"Medyo," sagot nito tapos tumingin sa amin. "Mga anak niyo ba sila?"
"Oo, itong tatlong lalaki ang mga anak ko, si Justin panganay ko, si Hero pangalawa ko at si Zeke bunso ko habang ito namang babae ay si Avyanna anak ninao Abrianna," sabi ni Tita habang tinuturo kami. Si Mama 'yung Abrianna, Avyam naman ang pangalan ni Papa, pinagsama nila ang pangalan nila para mabuo ang pangalan ko. "Kids siya ang Tita Carina niyo, isa siya sa mga kaibigan namin." Sabay sabay naman kaming nag 'hi'.
"Aba'y ang ganda at ang ga-gwapo naman nila, mana sa inyo," sabi ni Tita Carina.
"Swempre," pagmamalaki ni Tita.
Tumawa naman si Tita Carina. "Ikaw talaga, tara na pasok na tayo mainit na dito sa labas," sabi niya.
Sabay sabay kaming pumasok sa loob, pagpasok namin tumingin sa amin ang mga tao sa loob pero inalis rin ng iba ang tingin nila sa amin.
"Nandoon ang upuan natin," sabi niya.
Nag kwe-kwentuhan lang sina Mama habang kami ay tahimik lang na nakaupo at pinapanood ang mga pumapasok na mga bisita. Nang mainip ako kinuha ko ang cellphone ko sa mini bag na dala ko na kasama sa binigay ni Tita. Habang busy ako sa pag ce-cellphone, may lumapit sa inuupuan namin.
"OMG! Ikaw nga Justin," excited na sabi ng babaeng lumapit sa amin parang pamilyar siya sa akin, hindi ko maalalal kung saan ko siya nakita.
"Yes? You are?" tanong ni Justin.
"Hindi mo ako nakikilala? Ako ito si Kayleen," sagot ng babae. Mukhang naalala naman siya ni Justin dahil napa 'ahhh' siya ng walang boses habang tumatango. "Ang tagal nating 'di nagkita mula ng mag graduate tayo ng elementary. Mas lalo kang gumwapo ah."
"Thanks," nakangiting sagot ni Justin.
"Kumusta ka na? Hinahabol ka pa rin ba nung babaeng baliw na baliw sa 'yo," sabi niya. Hindi sumagot si Justin bagkus tumingin siya sa akin kaya tumingin din si Kayleen sa akin.
"Ohh, girlfriend mo ba siya? Ang ganda niya bagay kayo, siguro wala na 'yung babaeng humahabol sa 'yo kaya nagka girlfriend ka na," sabi nito.
"Actually siya 'yung sinasabi mo," sagot ni Justin. Nanlaki naman ang mata ni Kayleen.
"Siya iyon? Eww, binabawi ko na ang sinasabi ko na maganda siya," nandidiring sabi niya.
Oh, now I know kung saan ko siya nakita. Isa siya sa mga naging kaibigan ni Justin noong elementary, lagi niya akong tinarayan kapag lagi akong dumidikit kay Justin pero dahil masama ang ugali ko noon inaaway ko rin siya. Kahit ito ang naunang nang away sa akin siya ang kakampihan niya kapag inaaway ko na ito.
"'Wag mong sabihing naging girlfriend mo na ang malanding ito–," hindi natapos ni Kayleen ang sinasabi niya ng magsalita si Tita.
"What did you say?" tanong ni Tita.
"Oh, nandiyan ka pala Tita," sabi ni Kayleen na parang close na close sila.
"'Wag mo ang matawag tawag ni Tita, sagutin mo ang tanong ko, anong sinabi mo tungkol kay Avyanna ha?" kalmadong sabi niya. Ramdam mong nagtitimpi siya.
"Na malandi siya–," napasinghap kami ng sinampal ni Tita si Kayleen. Nanlalaki ang mata ni Kayleen habang nakahawak sa pisngi niya, hindi niya siguro inaasahan ang ginawa ni Tita. "Anong karapatan mong tawaging malandi si Avyanna ha?"
"Bakit? Totoo naman ah, napakalandi ng babaeng 'yan lagi niyang hinahabol si Justin," sagot ni Kayleen. Muli kaming nagulat ng si Mama naman ang sumampal dito.
"Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan ang anak ko," galit na sabi ni Mama. Ngayon ko lang siya nakita na ganito magalit. Agad naman akong tumayo saka tumabi kay Mama para pigilan siya.
"Ma, tama na," awat ko.
"Hindi, hindi ko papalampasin ang sinabi ng babaeng iyan," sabi ni Mama.
Nakita kong ngimisi si Kayleen. "Bakit? Hindi mo ba tanggap na malandi 'yang anak mo? O baka malandi ka rin kaya hinahayaan mong maglandi ang anak mo," Nagdilim ang paningin ko dahil sa narinig ko, sa isang kisap mata nasa sahig na si Kayleen dahil sa pagsampal ko sa kanya, nakita ko pang dumugo ang gilid ng labi niya pero wala akong pakielam.
"Wala akong pakielam kung anong sabihin mo sa akin pero iyong sabihan mo si Mama ng ganun? Hindi kita mapapalampas," galit na sabi ko.
Galit na tumayo ito. "Eh kanino ka pa ba magmamana kundi sa malanding nanay m–." Sinampal ko ulit siya.
"Oo, aaminin ko na nabaliw ako sa kakahabol kay Justin pero noon na iyon dahil pinagsisihan ko na lahat ng ginawa ko. Kaya kung ano man ang nagawa ko noon wala kang karapatan na sabihan ng kung ano ano ang nanay ko dahil hindi mo siya kilala," galit na sabi ko. Napatingin ako kay Mama ng hinawakan niya ang kamay ko, ibig sabihin gusto niya na tumigil na ako. "Isa pang beses na ulitin mo ang ginawa mo baka hindi lang 'yan ang magawa ko." Tumingin ako kay Justin. "Pagsabihan mo 'yan kaibigan mo na ayusin ang bunganga niya," sabi ko dito saka naglakad palabas para magpalamig dahil baka kapag nagtagal pa ako doon baka kung ano ng magawa ko.
Matatagap ko lahat ng sinasabi nila tungkol sa akin kasi lahat naman iyon totoo pero iyong sabihan nila ng kung ano ano ang mga magulang ko ng hindi naman nila nakikilala ibang usapan na iyon, papatay ako kung kailangan.
"Avyanna," napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Justin. "I'm sorry sa sinabi ni Kayleen."
"Wala kang kasalanan, hindi naman ikaw ang nagsabi 'nun," sabi ko.
"Kinakausap nina Mom ang mga magulang si Kayleen, hindi hahayaan ni Mom na wala itong makuhang parusa," sabi niya.
"Kahit 'wag na, basta 'wag na lang niyang ulitin," sabi ko.
Kumalma na ako kaya na wala na iyong galit ko kanina ayoko na ring lumaki pa ang gulo kaya mas mabuting hayaan na lang.
"Pero kilala mo naman si Mom, hindi 'nun hahayaan na hindi maparusahan si Kayleen," sabi niya.
Tama siya, si Tita kasi ang tipong ayaw ng simpleng pagpapatawad kang, gusto niya managot ang dapat managot. Noon kasi sobrang bait ni Tita, lahat ng mga nagkakasala sa kanya pinapatawad niya pero nabago iyon ng 'yung taong pinatawad niya ay ginawan pa rin siya ng masama kaya mula noon hindi sapat sa kanya ang sorry lang dapat ay maparusahan ang dapat maparusahan.