Chapter 10

2825 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW "Hello," napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. Hindi ko naman maiwasan na ma cutan sa kanya, bilog na bilog ang pisngi niya ang sarap kurutin. "Alam mo ba kung saan ang register? Bago lang kasi ako dito." "Pupunta ako doon, sabay ka na sa akin," sabi ko. "Talaga? Salamat," masayang sabi niya. "Matagal ka na ba dito?" tanong niya habang naglalakad kami. "Oo, dito ako nag high school," sagot ko. Tumango naman siya. "Ako kasi nag aral sa japan, nakapangasawa kasi si Mama ng hapon, kinuha niya kaming dalawa, ang bait bait nga ni Otosan dahil kahit hindi niya ako anak tinuring niya akong parang totoong anak," kwento niya, marami pa siyang kinwento habang nakangiting pinakikinggan lang siya. "Opss, ang daldal daldal ko pero hindi pa ako nagpapakilala, ako ng pala si Mikaella Takahashi." "I'm Avyanna Hendrix," pakilala ko. "Wow, yayamanin ang apilido, hindi na ako magtataka kasi dito ka nag aaral," sabi niya. Mabilis naman akong umiling. "Hindi ako mayaman," sabi ko saka kinwento sa kanya ang dahilan kung bakit ako nag aral dito. Sinabi ko sa kanya ang totoong pag uugali ko noon, ayoko naman kasing mag sinungaling saka malalaman rin naman niya sa iba kaya mas mabuting ako na ang magsabi. "Talaga? Pero nagbago ka naman kaya ayos lang iyon, bumawi ka naman sa magulang mo diba?" sabi niya. "Oo, kaya ngayong college gusto kong ma achieve ang pagiging Summa para makabawi sa kanila," sabi ko. "Kaya mo iyon, nakaya mo ngang maging scholar, ang sabi sa akin napakahirap ng exam sa pagiging scholar, kaya makakaya mong maging Summa," sabi niya. "Salamat," sabi ko. "Pwede ba tayong maging mag kaibigan?" "Aba'y oo naman, iyon nga ang balak kong gawin naunahan mo lang ako," sabi niya saka tumawa kaya natawa na rin ako.Pagkarating namin sa register agad naming inasikaso ang dapat naming asikasuhin, medyo nagtagal kami dahil ang haba ng pila. "Kita na lang ulit tayo sa pasukan ha?" sabi niya. "Okay," sabi ko. "Bye," sabi niya at kinawayan ako, kinawayan ko naman siya pabalik pagkatapos sumakay na siya sa kotse nila.Nang mawala sa paningin ko ang kotse na sinakyan niya nag umpisa na akong mag lakad papunta sa karenderya. "Anak ikaw na lang ang mag deliver sa Daddy mo ng inorder niya," sabi ni Mama. Alam ni Mama na Mommy at Daddy ang tawa ko sa kanila, natutuwa nga ito dahil may pangalawang magulang daw ako. "Sige po," sabi ko saka kinuha sa kanya ang binalot niyang ulam. Naglakad na ako papunta sa company nina Daddy, pagdating ko doon agad naman nila akong pinapasok kilala na kasi nila ako, pinakilala kasi ako ni Daddy na anak anakan nila. "Pupuntahan ko si Daddy," sabi ko kay Ate Barbie na nasa receptionist halos kasi lahat ng employee dito ay ka close ko. "Sige beh, akyat ka lang," sabi niya., "Okay," sabi ko saka naglakad na papunta sa elevator at pinindot ang pinaka top floor kung nasaan ang office ni Daddy. "Daddy heto na ang inorder mo," sabi ko. Hininto naman ni Daddy ang ginawa niya. "Ohh ikaw pala ang nag deliver." Tumayo ito saka lumapit sa akin. "Kumusta ang school?" "Ayos naman po," sabi ko. "NAMISS kita," parang batang sabi ni Mikaella at niyakap ako kaya natawa ako sa inasal niya. "Isang linggo lang tayong hindi nagkita, hindi isang taon," sabi niya. "Matagal pa rin iyon," nakangusong sabi niya. Kakakilala pa lang namin pero parang matagal na kaming magkakilala sa kilos niya pero ayos lang sa akin, mas gusto ko nga iyon na panatag ang loob niya sa akin. Gusto kong magkaroon ng totoong kaibigan ngayon, hindi iyong binabacktab ako kapag nakatalikod na ako sa kanila. Kahit hindi ko pa ganun ka kilala si Mikaella malakas ang pakiramdam ko na totoo siya at hindi plastic. "Oo na," sabi ko. "Kaya lang maghihiwalay na naman tayo dahil magkaiba tayo ng course," sabi niya at panguso ulit. Nurse kasi ang course niya habang culinary ang akin. "May lunch naman kaya magkikita pa rin tayo. Parehas naman ang schedule natin," sabi ko. "Oo nga mabuti na lang parehas tayo ng schedule," sabi niya. Hindi kasi lahat ay sabay sabay nag la-lunch, may iba kasi na 1pm ang lunch at kami naman ay 12pm ang lunch namin. Masyado kasi kaming marami, mahihirapan ang mga crew sa canteen kung marami ang nag la-lunch at baka maubos lang ang oras sa haba ng pila. Habang naglalakad kami, may nakita kaming binubully nina Lily at Veronice kasama ang mga kaibigan nila, kilala ko sila dahil mga girlfriend sila ng kaibigan ni Justin lagi nila akong nilalait kapag nilalapitan ko si Justin at dahil maldita pa ako noon nakikipag sagutan ako sa kanila kaya lang natatalo ako dahil kinakampihan sila ni Justin. "Tigilan niyo nga siya," sabi ko sa kanila. "Oh, looks who's here," sabi ni Lilly habang naka cross arm. "Ano bang ginagawa niyo ha? College na kayo pero pambu-bully pa rin ang ginagawa niyo," sabi ko. "Oh, naging santa ka na pala? Parang dati lang isa ka rin sa mga nambu-bully," mataray na sabi ni Veronica. "Ikaw ng nagsabi dati iyon pero iba na ngayon, pinagsisihan ko na, na ginawa ko iyon," mahinahong sabi ko. "Tsk, pwede ba tigilan mo kami sa ganyan mo? Alam kong pakitang tao ka lang," sabi ni Lily. Bumungong hininga naman ako. "Bahala ka kung anong gusto mong isipin, hindi ko naman pinipilit na paniwalaan mo ako," sabi ko. Marami pa rin ang hindi naniniwala sa pagbabago ko pero ayos lang naman kung ayaw nilang maniwala basta naniniwala sa akin ang mga magulang ko ayos na ako doon. "Tigilan niyo na iyang binubully niyo kung ayaw niyong isumbong ko kayo sa dean," sabi ko. "Tsk, tara na nga," mataray na sabi niya. Takot sila na mag karecord ulit sa dean. Last warning na lang kasi nila kung hindi i da-drop sila, noong high school pa iyon pero dahil dito pa rin sila nag aaral counted pa rin iyon. Once kasi na ma drop out sila, ipapasok sila ng magulang nila sa public na pinakaayaw nila, diring diri sila sa mahihirap. "Ayos ka lang?" tanong ko sa babaeng binubully nina Lily matapos ko siyang tulungang tumayo. "A-Ayos lang ako salamat," utal na sabi niya. Napatingin naman ako sa pananamit niya, akala ko sa libro ko lang nababasa ang mga nerd, meron pala sa totoong buhay. Nakasuot siya ng malaking salamin, may tikyawat din siya sa mukha tapos na twin braid ang buhok niya. 'Yung suot naman niya ay pang old-fashion, unang araw pa lang ng pasukan kaya na civilian kami. "Ako nga pala si Avyanna at siya naman si Milaella," pakilala ko at kay Mikaella. "Hi," masayang bati ni Mikaella. "H-Hi," nahihiyang sabi niya at yumuko. "A-Ako naman si Gianna." "'Wag kang mahiya sa amin, hindi naman kami nangangain," biro ko para maging panatag siya. "Oo nga, hindi pwede ang hiya hiya dito, college na tayo," sang ayon ni Maikaella. "Pasensya na, home school lang kasi ako dati kaya naninibago pa ako," paliwanag niya. Napatango naman kami. "Naiintindihan namin, 'wag kang mag alala tutulungan ka naming mag adjust," sabi ko. "Talaga?" masayang sabi niya. "Oo, friends?" tanong ko. "Oo naman," sabi niya at nakipagkamay sa akin. "Sali rin ako," sabi ni Mikaella. "Swempre," sabi ko. "Yey, may bagong friend na naman ako," masayang sabi ni Mikaella. "Bakit home school ka lanh dati?" tanong ko. "Sakitin kasi ako noon kaya pinag home school na lang ako nina Mommy pero ngayon medyo nagiging okay na ako kaya pinasok nila ako sa school para magkaroon naman ako ng kaibigan," sagot niya. "Mabuti naman, mas magandang makihalubilo ka sa ibang tao dahil maikli lang ang buhay natin," sabi ko. "Tama, mas masaya kaya kapag marami kang friends," sabi ni Mikaella. "Salamat nga dahil kinaibigan niyo ako," sabi niya. "Wala iyon," sagot ko. "Ano nga palang course mo?" tanong ko. "Accountancy," sagot niya. "Wow, parehas ka namin ng schedule, buti na lang," sabi ni Mikaella. Oo nga mabuti na lang pare parehas kami ng schedule. "Maaga pa naman sa canteen na muna tayo," yaya ko. "Sige," sabi nila. Naglakad na kami papunta sa canteen. Pagpasok namin naghanap kami ng mauupuan napili namin doon sa malapit sa may bintana. Kaya lang madadaanan namin ang pwesto kung saan nakaupo nina Justin para tuloy ayoko ng dumaan doon. Naging awkward ang feeling ko dahil sa pag uusap namin kahapon ni Justin. Kung ako pa 'yung dating ako baka nagtatalon ako sa tuwa sa sinabi ni Justin na magsimula kami sa dati kaya lang wala na eh, wala na 'yung spark at bilis ng t***k ng puso ko kapag nakikita ko siya. Matagal na akong naka move on kaya kahit anong pilit ko wala na akong nararamdaman para sa kanya. "Avyanna, tara na," sabi ni Mikaella na nauna na pa lang maglakad. "Coming," sabi ko. Nang madaanan namin ang pwesto nina Justin —hindi kasama nina Tj at Albert ang mga girlfriend nila— gusto kong bilisan ang lakad ko kaya lang baka magtaka sa akin sina Mikaella at Gianna. "Avyanna dito na lang kayo," biglang sabi ni Justin na kinatigil ko. Kita ko naman sa pagmumukha ng mga kaibigan niya ang tataka, sino bang hindi 'yung dating pinagtatabuyan niya ay yayain niyang umupo sa kanila? Nakakagulat diba? Awkward naman akong ngumiti. "No, it's okay," pagtangi ko sa kanya saka mabilis na hinila ang dalawa. "Kilala mo ba sila?" tanong ni Mikaella. "Oo," sabi ko. "Kung ganun bakit 'di ka pumayag na makiupo sa kanila?" tanong niya. "Mahabang kwento, saka ko na lang sasabihin kapag tayo tayo na lang," sabi ko. "SIRA ULO naman pala ang lalaking iyon, pinagtatabuyan ka noon tapos lakas ng loob na sabihan ka ng ganun?" galit na sabi ni Mikaella matapos kong i-kwento ang nakaraan namin ni Justin. "'Wag mong pagbigyan 'yan o kaya pahirapan mo." Natawa naman ako sa kanya. "Don't worry, wala na akong nararamdaman sa kanya, naka move on na ako," sabi ko. "Aba dapat lang, walang kwenta ang ganung lalaki, iniwasan ka niya dahil lang sa napahiya siya sa mga kaibigan niya?" sabi niya. "Tama si Mikaella, napakababaw ng dahilan niya para iwasan ka niya at ganun ang itrato sa 'yo," sang ayon ni Gianna. "Hayaan niyo na lang siya, kalimutan na lang natin iyon," sabi ko. "Mabuti pa nga kesa sa ma-stress pa tayo," sabi ni Mikaella. "YOU'RE GOOD Avyanna," sabi ng Prof namin matapos na check ang niluto ko. Pinagluto kami para makita kung hanggang saan ang alam namin sa pagluluto. Maraming marurunong pero marami rin ang hindi pa ganun ka galing pero ayos lang naman kaya nga nag aral ng culinary para maturo. "Salamat po," sagot ko. "Keep that good work, kapag pinagpatuloy mo iyan maraming mga restaurant ang mag ha-hire sa 'yo," sabi niya. "Salamat po pero hindi ko po balak mag trabaho sa ibang restaurant," sabi ko. "Bakit naman?" tanong niya. "Palalaguin ko po ang karenderya ni Mama at gagawing restaurant," sabi ko. Nakangiting tumango naman siya. "Magandang ambisyon iyan iha," sabi niya. "Salamat po," sabi ko. After i-check lahat ni Prof ang niluto namin pinakain na niya sa amin. Maraming kumuha sa luto ko at lahat sila nagustuhan ang luto ko, masaya naman ako kasi nagutuhan nila ang luto ko. Tumikim din ako ng mga luto ng iba, masarap din ang iba meron naman na napasobra at napakulang sa lasa pero mag i-improve naman sila, first year college pa lang naman kami. "Next time ulit, Avyanna," sabi ng mga kaklase ko. "Okay," sabi ko. Grabe hindi ko akalain na makakasundo ko ang mga classmate ko, hindi gaya ng dati nung high school ako na lagi akong iniiwasan na parang may sakit ako pero ngayon nilalapitan na nila ako. NAPABUNTONG hininga ako habang nakatingin ng seryoso kay Justin, may hawak itong bouquet at chocolate. "Ano na naman ito Justin? Ilang beses na kitang pinagsabihan na tigilan mo na ang ginagawa mo? Hindi ka pa ba nag sasawa?" naiiritang sabi ko. "Hindi, kahit umabot pa ng ilang taon ang panliligaw ko sa 'yo gagawin ko," sabi niya. Bumuntong hininga naman ako para pakalmahin ang sarili ko. "Justin, sinabi ko naman sa 'yo na kahit anong gawin mo hindi na kita kayang mahalin kaya tigilan mo na iyan, masasaktan ka lang sa ginagawa mo," sabi ko. "Wala akong pakielam, kung ikaw na kaya mong pagchagaan ako kahit pinagtatabuyan kita, makakaya ko ring gawin iyon," sabi niya. Ang kulit kuli naman niya eh, isang linggo ko na siyang nire-reject pero heto pa rin siya lagi akong pinupuntahan dito sa building namin at dinadalhan ako ng bulaklak pero wala ng saysay sa akin ang mga ginagawa niya, hindi na gaya ng dati na sobrang kikiligin ako sa mga ginagawa niya. "Look Justin," Kinuha ang maliit na salamin ko. "Kita mo itong salamin?" sabi ko pagkatapos hinagis ko sa sahig dahilan para mabasag ito. "Nakita mo ang nangyari diyan sa salamin? Ganyan ang nangyari sa puso ko matapos kong masaktan, buoin mo na iyan hindi na maibabalik sa dating itchura niya, lagyan mo man ng glue makikita at makikita mo pa rin ang mga c***k. Ganyan ang puso ko, kahit anong gawin mong panliligaw mo sa akin, sa mga sweet mong salita pero hindi 'nun maibabalik ang pagmamahal ko sa 'yo, hindi nito mahihilom ang sakit na dinulot mo sa akin." Dahil bumalik ako sa nakaraan hindi malalaman ni Justin kung bakit sobra ang sakit na nararamdaman ko sa kanya. Noon pinag kasundo kami ng mga magulang namin ni Justin, tuwang tuwa ako ng malaman ko iyon pero hindi si Justin, binuntong niya ang galit niya sa akin, sinisisi niya ako kung bakit hindi siya malaya. Hindi pa kami kinakasal pero pinapamukha niya sa akin na ayaw niya sa aking magpakasal pero dahil ako si dakilang tanga wala akong pakielam sa kung anong sinasabi niya ang mahalaga ay mapapasa akin ang mahal ko pero sobrang sakit ng ginawa niya dahil nakipagtanan siya sa girlfriend niya, hindi ko alam na nagkaroon siya ng girlfriend dahil huminto na ako sa pag aaral hindi ko na siya nasusubaybayan. Walang nakakaalam kung nasaan siya pati ang mga magulang niya hindi siya ma contact. Humingi man ng tawag ang mga magulang niya sa akin, hindi pa rin 'nun maaalis ang sakit na binigay sa akin ni Justin. Mula 'nun sunod sunod na nag kamalasan na nangyari sa buhay ko. Kaya wala na sa akin ang mga ginagawa niyang panliligaw dahil matagal na huminto ang pagtibok ng puso ko sa kanya. Gusto kong sumuko na siya, makikilala rin naman niya ang babaeng mamahalin talaga niya. Malapit na rin naman niya itong makilala kaya habang maaga ay itigil na niya ang panliligaw sa akin. Wala naman akong balak na tulungan siya sa taong mahal niya dahil ayokong masira ang kung ano man ang dapat na gawin ng tadhana sa kanila. "Kaya please tumigil ka na," dagdag ko. "No," matigas na sabi niya. "hindi ako titigil, hanggang hindi mo ako ulit mamahalin hindi ako titigil." "Bahala ka, sinabihan na kita," sabi ko saka iniwan siya doon. Hindi ko siya maintindihan, siya naman ang may gusto na 'wag ko na siyang guluhin tapos ganito ang iaasta niya? Ano bang inaasahan niya na kapag sinabi niya na mahal niya ako ay babalik na lang bigla ang pagmamahal ko sa kanya? Tingin niya ganun na lang kadali iyon? Alam kong sa panahon ngayon hindi niya pa ako sobrang masasaktan pero kung i-ri-risk ko na naman ang puso ko sa taong hindi ako sigurado na hindi na ako sasaktan ako lang ang talo, mas maganda ng maniguro kesa sa masaktan ako lalo na at malapit ng dumating ang babaeng mamahalin niya. "Ginugulo ka na naman niya?" tanong ni Mikaella. "Ano pa nga pa," sagot ko. "Tsk, tigas talaga ng mukha ng lalaking iyon, matapos kang pagtabuyan noon tapos ngayon hahabol siya at aasa na mamahalin mo ulit siya?" sabi niya. "Nasa huli talaga ang pagsisisi," sabi ni Gianna. "Na realize niya siguro ang halaga mo ng mawala ka sa tabi niya." "Kung kelan sumuko na siya saka lang niya ma-re-realize? Karma na lang niya iyon, manigas siya sa pagsisisi niya," inis na sabi ni Mikaella kaya natawa ako. "Parang ikaw ang sinaktan ni Justin? Ikaw ang mas nanggalaiti sa ating dalawa eh," sabi ko. "Nakakainis kasi siya, porket gwapo siya, akala niya ganun ka na lang niya kadaling makuha? Naku, Avyanna, 'wag kang bibigay sa lalaking iyan dahil kapag pinatawad mo siya baka ulit niya lang ang ginawa niya sa 'yo," sabi niya. "Hindi na talaga, kung nagsisi man siya sa ginawa niya noon kaya ko naman siyang patawarin at pwede kaming maging mag kaibigan pero iyong mahalin ko ulit siya... malabo na," sabi ko. Hanggang doon lang ang kaya kong ibigay sa kanya, pwede naman kaming maging magkaibigan lalo na at matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin. Alam kong may kasalanan naman ako kung bakit niya ako pinagtatabuyan pero hindi naman ibig sabihin 'nun ay may karapatan na siyang saktan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD