Chapter 9

2923 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Bakasyon na naman kaya nandito ako ngayon sa karenderya, naiinip lang kasi ako sa bahay dahil ako lang mag isa at dahil nga hindi na nila ako employee pupunta na lang ako doon ng umaga tapos ipagluluto ko siya pang tanghalian at hapunan. Nagtatampo nga si Mason kasi hindi na ako magtatagal sa kanila pero kinausap siya ni Mommy na hindi sa lahat ng oras ay makakasama nila ako dahil may pamilya rin ako, mabuti na lang naintindihan ito ni Mason. May office na si Mama dito sa karenderya, pinagawa niya para tahimik ang paligid kapag nag aasikaso siya ng inventory. Dito ako ngayon nag re-review pero minsan naman ay tumutulong ako. "Hello," sagot ko. "Anak, hindi ko muna kayo masusundo ngayon, pinag o.t kasi ako ng boss ko, mag sara na lang kayo ng maaga," sabi ni Papa. "Ganun po ba sige po sasabihin ko kay Mama," sabi ko. "Sige marami pa akong gagawin," sabi niya saka pinatay ang tawag. "Ma, hindi po tayo masusundo ni Papa kaya magsara na muna raw po tayo ng maaga," sabi ko kay Mama. "Ganun ba? Sige ipapaalam ko sa mga customer na maaga tayong magsasara," sabi niya. Nag notice kami sa mga customer namin na maaga kaming magsasara ngayon, alam namin naman na maiintindihan nila iyon. Mababait naman lahat ng mga customer ni Mama, may mga ma-attitude pero mga bagong customer lang na dinala ng mga customers namin, kesyo madumi raw, hindi raw pang high class, wala naman kaming pakielam kung anong sasabihin nila ang mahalaga marami pa rin ang tumatangkilik sa karenderya namin. NAGLALAKAD kami ni Mama pauwi ng bahay, dumaan kami sa may iskinita na lagi naming dinadaanan dahil mas malapit ang daanan dito papunta sa amin kaya lang nakakatakot dahil walang masyadong dumadaan pero dahil medyo maliwanag pa kaya hindi kami natatakot. Malapit na sana kaming makalabas ng makarinig kaming ungol na parang may iniinda sa isang abandonadong tindahan. "Ma, ano iyon?" tanong ko. "Hindi ko alam anak," sabi niya. "Puntahan po natin," sabi ko. "Naku, anak baka may mangyaring masama sa atin doon," natatakot na sabi ni Mama. "Hindi po iyon Ma," sabi ko. "Pero anak," sabi niya. "Diyan na lang po kayo ako na lang po ang papasok," sabi ko. Hindi na ako nag isip na baka may masamang mangyari sa akin doon, sinundan ko lang ang instinct ko. Pagpasok ko sa maliit na tindahan ay wala akong nakita pero nagulat ako ng mapatingin ako sa kaliwa ko dahil may isang lalaking duguan doon, nataranda akong lumapit sa kanya at tignan kung humihinga pa ba siya. Nakahinga naman ako ng malalim ng malaman kong humihinga pa siya. "Ayos ka lang?" tanong ko pero ungol lang ang narinig ko sa kanya. "W-Wait hihingi lang ako ng tulong." Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko. "N-No," nahihirapang sabi niya. "Kailangan kong humingi ng tulong dahil hindi kita kayang buhatin para madala sa hospital," sabi ko. "N-No, d-don't take me in h-hospi-" hindi niya natapos ang sinabi niya dahil naubo siya ng dugo kaya mas lalo akong nataranta. Agad kong tinawagan si Mama sa labas, nagulat din siya ng makita ang lalaking duguan. Pinagtulungan namin ni Mama na buhatin ang lalaki, mabigat siya at matangkad sa amin kaya nahirapan kami pero nagawa naman namin siyang iuwi sa bahay. "TAPOS KO NA po siyang gamutin," sabi ko pagkatapos niligpit ko ang mga ginamit ko para gamutin ang lalaki. "Ano kayang nangyari sa kanya? Bakit nagkaganyan siya?" tanong ni Mama. "Hindi kaya'y masama siyang tao?" "Hindi naman siguro Ma, baka napagdiskitahan siya ng mga lalaking basagulero sa atin. Mukha pa naman siyang mayaman," sabi ko. Sa itchura at pananamit pa lang niya ay alam mo na talagang mayaman siya. Ang mga tambay pa naman dito kapag may nakitang mayayaman mainit ito sa kanila, marami ng nag report sa kanila sa mga pulis pero para silang hito na ang hirap hulihin tapos ang mga pulis wala man lang ginagawa, hindi sila magpadala ng mga pulis dito para magronda o kaya ng baranggay. "Siguro nga," sabi niya. "Doon ka muna matulog sa kwarto namin ng Papa mo, pinaglatag na kita ng matutulugan mo." "Okay po," sabi ko. Nagulat din si Papa ng makita ng makita ang lalaki pag uwi niya, nag tanong siya kung saan namin siya nakita. "Parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita," sabi ni Papa. "Baka kamukha lang Pa," sagot ko. "Baka nga, ang dami ko na kasing nakikitang mga tao eh," sabi ni Papa. Isang guard si Papa sa isang sikat na village dito sa pilipinas, mga mayayaman ang mga nakatira doon at maraming mga artista kaya minsan nagpapa-picture siya kapag ayos lang sa mga artista. May mga pumapayag pero meron din namang hindi at naiintindihan naman niya iyon. Maaga kaming nagising ni Mama pero sinabihan niya ako na 'wag na lang muna akong sumama sa kanya at alagaan na lang ang pasyente namin, pumayag naman ako ang pangit naman kung iiwan namin siyang mag isa sa bahay at baka kung ano pang mangyari sa kanya. Natulog na lang ulit ako dahil maaga pa naman.Paggising ko, naisipan kong magluto ng sopas kung sakaling magising siya ay may makain siya agad kakainin ko na lang kung hindi siya magising ngayon. "Gising ka na pala," gulat na sabi ko ng makita ko siyang nakaupo sa kama at tumitingin tingin sa buong kwarto. "Where am I?" tanong niya. "Nasa bahay ka namin," sabi ko at nilapag sa side table ko ang sopas. "Nakita ka namin ni Mama kahapon, ayaw mong ipunta ka namin ng hospital kaya dito ka na lang namin inuwi." Tumango naman siya. "Thank you," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Kumain ka muna para lumakas ka, kaya mo bang kumain mag isa?" sabi ko. Tumango naman siya kaya kinuha ko ang sopas at binigay sa kanya pero nag umpisa pa lang siyang kumain ininda na niya ang sugat niya, malapit kasi sa kanang braso niya ang saksak na natamo niya. "Subuan na lang kita," sabi ko. Umupo ako sa kama at kinuha sa kanya ang sopas saka sinubuan niya. "Masarap?" "Yeah," sabi niya kaya mas napangiti ako. Nang maubos niya ang pagkain niya, pinainom ko siya ng pain reliever saka niligpit ko na ang pinagkainan niya. Bumalik ulit ako para palitan ang bandage ng sugat niya. "Kung ayos lang, pwede ko bang malaman kung bakit may saksak ka?" tanong ko. "It's confidential," sagot niya. "Okay," sagot ko at tinapos na ang pagpapalit ng bandage niya. "Gusto mo bang tawagan ang magulang mo para malaman nilang ligtas ka?" Umiling siya. "I don't want to disturb them," sagot niya. Naintindihan ko naman siya kung ako rin naman mas gusto kong 'wag na lang tawagan ang mga magulang ko para hindi sila mag alala. "Okay, kung gusto mo pwede kang dumito muna habang nagpapagaling ka kung ayaw mong mag alala ang mga magulang mo," sabi ko. Nagulat pa ako ng makita kong nakatitig lang siya sa akin. "Bakit?" "Why did you help me?" tanong niya. "Iyon naman talaga ang dapat gawin kapag may nakita kang sugatan diba?" sagot ko. "Yeah but don't you think I mught be a bad person?" tanong niya. "Hindi ko na inisip iyon, basta nakatulong kami saka malakas ang instinct ko na hindi ka masamang tao," sabi ko. "What if I'm really bad?" tanong niya. "Edi wala na akong magagawa, ang mahalaga malinis ang konsensya ko dahil hindi kita pinabayaan," sagot ko. Napailing at napangisi na lang siya. "Don't worry, I'm not a bad person," sabi niya. "By the way, I'm Zoltan." "Avyanna," sabi ko at nakipagkamay sa kanya. "ZOLTAN, ako ng bahala diyan maupo ka na lang doon," sabi ko sa kanya. "But I want to help," parang batang sabi niya. "Mas lalo ka lang nakakagulo eh," sabi ko. Isang linggo na nag lumipas mula ng nakita namin siya ni Mama at ngayon magaling na ang sugat niya. Ngayon nag presinta siya na magserve para daw tulungan kami pero nakakagulo lang siya dahil panay ang tapon niya sa mga sine-serve niya mabuti na lang talaga mababait itong customer namin. Pinag mask ko siya dahil paniguradong pagkakaguluhan siya dahil napakagwapo niya, kulay blue ang mata niya, tapos ang pikit mata mas mahaba pa sa akin, ang pula pa ng labi na kasing pula ng rosas at ang tangos pa ng ilong, ito ang mga tipo ng mga babae kaya kung makita man siya paniguradong pagkakaguluhan siya kaya lang kahit naka mask siya ay pinagkaguluhan pa rin dahil ang 'hot' ng katawan niya sabi ng mga customer namin, gusto raw nilang sumabit sa biceps niya. Maliit sa kanya ang damit ni Papa kaya masikip sa kanya kaya bakat na bakat ang 8 packs abs niya.Dahil sa kanya mas dumami ang customer namin, ang iba hindi naman umorder panay ang kuha lang nila ng letrato niya. "Then what should I do?" tanong niya. "Doon ka na lang sa cashier para mabawasan naman ang ginagawa ni Mama," sabi ko. "Okay," sabi niya. Nakakatuwa na naging close kami sa maikling panahon lang, mukha siyang cold at hindi namamansin pero para siyang bata dahil ang kulit kulit niya o baka sa akin lang siya makulit? Kapag kasi may kumakausap sa kanyang iba hindi niya pinapansin eh. Gaya ngayon panay ang pa-sweet ng isang babae sa kanya, hindi naman siya nagbabayad tapos nakaharang pa siya sa mga magbabayad kaya nilapitan ko na para kausapin. "Ate, pwede tumabi ka na lang muna? May magbabayad kasi," mahinahong sabi ko pero parang minsama niya dahil tinaasan niya ako ng kilay. "Ano bang pakielam mo ha? Di mo ba nakikitang kinakausap ko pa siya," mataray na sabi niya habang tinuturo si Zoltan. "Nakikita ko naman pero nakakaabala ka na sa mga customer na magbabayad," sabi ko. "Wala akong pakielam edi sila mag adjust," sabi niya. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko para pigilan ang galit ko, magsasalita na sana ako pero inunahan ang ng isang customer namin. "Aba, ang tabil ng dila mo ah, kinakausap ka ng maayos tapos ganyan ka sumagot? Kung gusto mong lumandi pumunta ka sa bar, marami kang naabala dito, may mga pasok pa kami ayaw namin ma-late," sabi ni Ate Kim. Sumang ayon naman sa kanya ang mga ibang customer. "Miss, just leave, you're bothering us," malamig na sabi ni Zoltan. Wala naman sinabi ang babae at nag walk out na lang dahil wala na siya nakapagbayad na ng maayos ang mga customer namin kaya iniwan ko na si Zoltan at inasikaso ang ibang mga customer. 2 MONTHS LATER Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko, mamalulungkot ba ako o sasama ang loob ko dahil bigla na lang umalis si Zoltan na hindi man lang nagpapaalam sa akin, nag iwan nga siya ng note pero 'sorry' lang ang nakalagay. Alam kong wala akong karapatan na magalit dahil hindi naman niya ako kaano ano pero swempre hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot at masaktan sa ginawa niya. "Baka kaya hindi siya nagpaalam dahil ayaw niyang makita kang malungkot," sabi ni Mama. "Pero dapat nagpaalam pa rin siya diba?" sabi ko. "Oo kaya lang baka hindi niya lang kaya na makita ka niyang nalulungkot," sabi niya. "Kaya iniwan na lang niya ako basta?" tanong ko. Nagbuntong hininga si Mama at hinimas niya ang likuran ko. "Anak, alam kong nalulungkot ka sa pag alis niya ng walang paalam pero sana intindihin mo na lang siya at 'wag kang mag tanim ng sama ng loob sa kanya," sabi niya. "Hindi naman po ako galit sa kanya, nagtatampo lang po dahil sa pag alis niya ng walang paalam," sabi ko. "Alam ko. Isipin mo na lang na may mahalaga lang siyang pinuntahan kaya hindi na siya nagpaalam sa 'yo, okay? 'Wag ka ng malungkot diyan isipin mo na lang ang pagpasok mo bukas sa paaralan," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Tama po kayo Mama, siguro may mahalaga lang nagagawin si Zoltan kaya hindi na siya nakapagpaalam," sabi ko. "Ganyan nga anak," sabi niya. Masakit man na hindi nagpaalam si Zoltan, hindi ibig sabihin ay titigil na ako sa pangarap ko na maihahon sina Mama sa hirap. Hindi naman porket na umalis si Zoltan ay hahayaan ko lang na huminto ang buhay ko. Nagpatuloy pa rin ako sa kung ano ang nakasanayan ko. Pagpasok ko sa school panay ang bati sa akin ng mga school mate ko. Naging maayos na ang trato sa akin ng mga kaklase ko, hindi gaya dati na masama ang mga tingin nila sa akin pero ngayon nakangiti silang nakaharap sa akin. "PROUD na proud ako sa 'yo anak," naluluhang sabi ni Mama. "Salamat po Ma," sabi ko. Graduation na namin at salamat sa Diyos ay nagkaroon ako ng medal at naging dean's lister pa ako kahit grade 11 na ako nag ayos sa pag aaral ay nabigyan pa rin ako ng awards kaya may isinabit sa akin sina Papa at Mama. Ang sarap pala sa feeling na umakyat ng stage at masabitan ng medalya ng mga magulang mo, sobrang laki talaga ng pasalamat ko na bumalik ako sa nakaraan kaya naranasan ko ito. "Tara uwi na tayo, may hinanda kami ng Papa mo para sa 'yo," sabi niya."Sana hindi na lang po, ayos lang naman po kung walang handa," sabi ko. "Ano ka ba, swempre graduation mo kaya dapat ipaghanda ka namin lalo na at may nakuha kang medalya," sabi ni Mama.Napangiti naman ako. "Salamat po," sabi ko. ang swerte ko talaga at sila ang mga magulang ko. Naglakad na kami pauwi ng bahay, papasok na sana kami ng magsalita ang kapit bahay namin. "Aba'y nakakuha pala ng medal ang anak niyo?" sabi ni Aling Merla. "Hindi ba't napakapasaway ng anak ninyo at hindi nag aaral ng maayos?" "Sinabi ko naman sa inyo na nagbago na ang anak ko," sagot ni Mama. "Mabuti naman kung ganun para naman matulungan nila kayo," sabi niya. "Hindi ko naman pinag aaral ang anak namin para matulungan kami, pinag aral namin siya dahil responsibilidad namin iyon bilang magulang," sagot ni Mama. "Kahit na, dapat tumulong ang anak dahil pinag aral sila," sabi niya. "Utang na loob ba iyon ng mga bata? Nag anak lang ba kayo para may tumulong sa inyo? Hindi niyo ba kayang buhayin ang mga sarili niyo? Hindi retirement ang mga anak natin, pinanganak natin sila hindi dahil kailangan natin ng magbibigay ng pera sa atin kundi dahil gusto nating mag anak," Natahimik naman si Aling Merla sa sinabi niya. "Bata pa ang mga anak mo, may panahon ka pa para baguhin 'yang mindset mo, 'wag mong gawing retirement ang mga anak mo na parang utang na loob nila sa inyo dahil nabuhay sila." Tama si Mama, hindi utang na loob ng anak ang buhay niya sa magulang, in the first place hindi naman nila hiniling na ipanganak sila, ang mga magulang ang nag plano na magkaanak kaya hindi dapat sinabi sa mga anak na utang na loob nila na binuhay sila. Kaya maraming mga anak ang nag rerebelde dahil sa mga ganung mindset ng mga magulang. "Tara na anak pasok na tayo," sabi ni Mama kaya pumasok na kami. Habang kumakain kami may kumakatok sa pinto, nag presinta ako na ako na lang ang magbubukas. Pagbukas ko bumungad sa akin ang napaka laking bouquet of red roses at malaking panda bear. "Sino po si Avyanna Hendrix?" tanong ng kuyang may hawak nito. "Ako po," sagot ko. "May deliver po kayo," sabi niya. "Kanino po galing?" tanong ko. "Z lang po ang nakalagay eh," sagot niya. Tumango naman ako. "Paki pirmahan na lang po ito." Pinirmahan ko naman ang pinapipirma niya pagkatapos binigay sa akin ang bouquet at panda bear. "Sige po ma'am alis na ako," sabi ni Kuya. "Salamat po," sabi ko saka sinara ang pinto. "Kanino galing iyan anak?" tanong ni Mama ng makita ang hawak ko. Nagkibit balikat naman ako. "Sabi ni kuya Z lang nakalagay," sabi ko. "Tignan mo ang bulaklak baka ay letter ganyan ang ginagawa ko sa mama mo noon ng nanliligaw ako sa kanya," sabi ni Papa. Ginawa ko naman ang sinabi niya at meron ngang letter kaya binuksan ko ito at binasa. ~Congratilation on you're graduation, my princess~ Walang nakalagay kung kanino galing pero may idea na ako kung sino dahil siya lang naman ang tumatawag ng 'my princess' sa akin. "Sinong nagbigay anak?" tanong ni Mama. "Si Zoltan po," sagot ko. "Kaya pala ang laki ng ngiti mo ah," tukso sa akin ni Mama. Lagi niya akong tinutukso kay Zoltan kaya nasanay na ako. Nakakatuwang alam ni Zoltan na graduation ko ngayon, it means may balita siya sa amin pero sa kanya wala pero ayos lang masaya na ako na naalala niya ang graduation ko. GAYA NG DATI wala akong ginagawa kundi mag review lang buong bakasyon, sabi nila mas mahirap ang college kesa sa high school hindi pwedeng petiks petiks ka lang dahil ibabagsak ka talaga ang prof kapag nababa ang grade mo, hindi na sila magpapatawag ng parents para sabihin na bagsak ang anak. Binabalak ko rin na ma achieve ang Summa c*m Laude, kahit 'yun man lang ay makabawi ako sa kanila. 'Yung school na pinasukan ko noong high school, doon pa rin ako mag aaral dahil may college doon halos lahat kaming mag school mate ay doon mag aaral kaya hindi sila maninibago sa mga schoolmates nila, wala rin namang balak umalis doon dahil isa sa pinakakiallang school ang school namin, lahat ng nakaka graduate doon pinag aagawan ng mga company kaya sisiguraduhin ko na makaka graduate ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD