THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Pinsan," masayang bungad ni Jenny kay Abrianna ng makababa ito ng van. "Namiss kita." Natawa naman ng mahina si Abrianna, kahit na may idad na sila hindi pa rin nagbabago ang pinsan niya. "Na-miss din kita." Napatingin si Jenny sa likod niya ng bumaba ang asawa niya at ang anak niya. "Hello, Kuya, sino 'yang hawak mo?" tanong ni Jenny kay Avyam. "Si Hezekiah, bunsong anak namin ni Abrianna," sagot ni Avyam. Nanlaki naman ang mata ni Jenny. "Talaga? Wow, mabuti naman nakabuo pa kayo." "Oo nga, salamat sa Diyos at tinupad ang pangarap namin na magkaroon ng isa pang anak," sabi ni Abrianna. "Oo nga, ang tagal niyo ng gustong sundan di Avyanna diba?" Tumango naman sila. "Oo nga pala, nasaan si Avyanna?" Hindi niya ito nakitang bumaba sa van. "May inasikas

