THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Abala si Abrianna sa pagka-cashier ng tumunog ang cellphone niya, may customer pa siyang inaasikaso kaya tinawag niya ang isa sa employee niya para pumalit sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya at tinignan ang tumawag, si Jenny pinsan niya. Sa pamilya nila dito lang siya may communication mula ng pinalayas siya ng magulang niya dahil nabuntis siya ng maaga at hindi nakapagtapos ng pag aaral at mula noon hindi na siya nagparamdam sa kanila. Alam naman niya na may pagkakamali siya pero sobra ang ginawa sa kanya dahil halos lahat ng mga kamag anak niya pinagtabuyan siya na parang isang basura. Laking pasalamat niya na hindi siya iniwan ni Avyam. "Hello," sagot niya sa tawag ng pinsan niya. "Hello, pinsan kumusta ka na?" sagot ni Jenny. "Ayos naman, ikaw?" t

