AVYANNA'S POINT OF VIEW Weekend ngayon kaya mas marami na namang customer kaya naging abala kami pero hindi gaya ng dati na para kaming nasa gera sa sobrang pagmamadali ngayon kasi naghire na ako ng tatlong assistant chef para mas mapadali ang ginagawa ng mga main chefs ko. Habang busy ako sa pagluluto ng biglang pumasok si Xantal, isa sa waitress ko. "Ma'am," nagmamadali itong lumapit sa akin. "May nagrereklamo pong customer, naghahanap po siya ng chef." "What? Why?" tanong ko. "May buhok daw po sa pagkain niya," sabi niya. "Okay, sige ako ng bahala bumalik ka na doon," sabi ko saka inalis ang apron ko at lumabas ng kusina. Bumungad agad sa akin ang sigaw ng isang customer, pilit siyang pinapakalma ni Chloe. pero panay pa rin ang sigaw niya. "What happened here?" tanong ko paglapit

