AVYANNA'S POINT OF VIEW Sa isang linggo ko sa pilipinas nasa bahay lang ako at nakikipag bonding sa kapatid ko, sinulit ko talaga dahil magiging busy ako kapag inumpisahan ko na ang aasikaso sa restaurant ko. Mawawalan ako sigurado ng oras sa kanya at tama nga ang hinala ko dahil ng mag umpisa na akong asikasuhin ang restaurant ko late na akong nakakauwi at maaga naman akong aalis ng bahay. "Congrats Avyanna, proud na proud talaga ako," sabi ni Beatrice at nakipag beso sa akin. "Salamat," sabi ko. "Maupo ka muna habang hindi pa nagsisimula ang ribbon cutting." "Okay," Naupo siya sa mga upuan na nasa labas ng restaurant ko, nakaupo na rin sina Mama doon. Gusto ko na maging private itong opening ko pero mabilis makasagap ng balita ang mga pres kaya nag punta sila dito sa restaurant ko p

