AVYANNA'S POINT OF VIEW Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng exit ng tumawag sa akin si Mikaella kaya agad ko itong sinagot. "Hello," sabi ko. "Palabas ka na?" tanong niya. "Yes," sagot ko. "Maghanda ka paglabas dahil marami ang sasalubong sa 'yo," sabi niya. "What do you mean?" tanong ko. "Nag leak ang information kung kelan ka uuwi dito sa pilipinas," sagot niya na kinagulat ko dahil sa pagkakaalam ko sekreto lang ang pag uwi ko ng pilipinas dahil alam ko na paniguradong mahihirapan ako sa paglabas ng airport. Matagal na akong huminto sa pagkanta pero kahit na isang taon na ang lumipas nung huminto ako parami pa rin ng parami ang sumusuporta sa akin sa StarMix, kahit na alam nila na hindi na ako makakapag post sinosoportahan pa rin nila ang mga kanta ko. Nalaman ko iyon nung t

