THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Sa unang buwan ni Avyanna bilang apprentice ni Chef Lewis, hindi naging madali ito. Mabait si Chef Lewis pero pagdating sa pagte-train sa kanya ay naging strikto ito, lahat ng ginagaqa niya ay mali sa paningin niya. Gaya ng paghawak niya sa kutsilyo, kung paano ito magbalat at iba pa pero lahat ng iyon ay tinanggap ni Avyanna hindi siya nagtanim ng sama ng loob dahil para sa kanya magandang way ito ng pagtuturo, mas matututo siya kapag strict ang nagtuturo sa kanya. Sa kanilang banda, kita sa mukha ni Chef Lewis na satisfied siya sa nakikita niya habang pinapanuod si Avyanna. Sa isang buwan niyang tinuruan ito nakikita na niya ang improvement nito. Hindi siya nagkamali na kunin ito bilang apprentice, hindi siya tumatanggap ng apprentice pero ng makita niya si

