Napakunot naman ako ng noo. “Bakit naman ako naging malandi at mang aagaw?” Pero imbis na si Beatrice ang nagsalita, iba ang nag salita. “Dahil kasama mo si Pierre,” sabi ni Nichole. “Anong connect ‘nun sa pagiging malandi at mang aagaw ko?” tanong ko sa kanya. “Bobo ka ba, alam ng tao na malapit ka kay Zoltan tapos bigla nilang makikita na kasama mo si Pierre,” mataray na sabi niya. “So? Anong masama doon?” tanong ko. Inirapan naman niya ako. “Hindi ka ba nahihiya? Pinagsasabay mo ang dalawang lalaki?” Napahilot ako sa noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. “Anong ikakahiya ko doon? At paanong pinagsasabay? Bawal na bang makipagkaibigan sa mga lalaki?” “Oo nga, pare-parehas naman silang mga single kaya wala naman masama kung nakakasama niya sina Captain Zoltan at Seni

