Pinahiram naman ni Papa si Kuya Pierre ng damit, kasya naman nito dahil magkasing tangkad at magkasing katawan lang silang dalawa. Swempre ako may sariling damit naman ako dito, hindi ko naman halos dinala ang mga damit ko dahil umuuwi pa naman ako. Kinabukasan, hindi muna kami bumalik ng school mamayang gabi na lang. Tumulong lang kami saglit sa karenderya pagkatapos namasyal kami sa mall, pinasyal ko rin siya sa paboritong lugar na pinupuntahan ko. NAGLALAKAD ako ngayon papuntang canteen, habang naglalakad ako nagtataka ako dahil panay ang bulungan nila habang nakatingin sa akin, sanay na ako sa ganun pero iba ang feeling ko dito. Pagpasok ko sa canteen panay rin ang tinginan nila kaya mabilis akong naglakad kung nasaan si Beatrice. “Anong meron? Bakit pinagtitinginan nila ako?” tano

