“Happy birthday to you…” napatingin kami kay Mama ng bigla itong kumanta, may hawak itong maliit na cake na ipinagtaka namin dahil wala naman kaming binili na cake. “Gumawa na ako ng cake gamit ang rice cooker para naman maging birthday talaga ang bithday ni Pierre,” sabi ni Mama paglapit niya sa amin. “Wow, pwede palang gumawa ng cake sa rice cooker?” tanong ko. “Yes, marami ng gumagawa ‘nun pero hindi lang sumisikat dahil mas prefer nila ang over mas madali kasi,” sagot ni Mama. Tumango naman ako. “Pero maganda rin ito para sa mga walang pambili ng oven.” “Yes, pero medyo mahirap lang siya kumpara sa oven kailangan alam mo ang tamang proseso baka mamaya masira lang ang rice cooker,” sabi ni Mama. “Oo nga naman po,” sabi ko. “Mag wish ka na para ma blow mo na ang candle mo,” sabi

