“On Monday, I’ll be introducing you to our board of directors,” sabi ni Mommy habang hinihiwa ‘yung sausage sa plato niya. “Nakapili na ako ng susuotin mong damit kaya dapat— Bobbie Ann, what happened to your forehead?” Tumigil ako sa pagkain at mabilis na tinakpan ang noo ko. “Nothing,” sagot ko sabay iling ng ilang beses. Alam ko na ang ibig sabihin kapag ganito ang tawag ni Mommy sa pangalan ko. Nagdikit ang kilay niya at halatang hindi kumbinsido sa sagot ko. Kung hindi ba naman kasi baliw ang kapatid ni Migz. I’m in our mansion, currently eating breakfast with my mother. Wala akong choice kundi sumabay sa kanya dahil wala naman akong lakad ngayong araw. Wala akong excuse na pwedeng ibigay para umiwas. Sa totoo lang hindi ako kumportable na naguusap kami dahil madalas naman noon, s

