It was almost ten in the morning. Mahigit dalawang oras din pala ang naging byahe namin ni Migz papuntang Siargao. We're planning to stay here for 3 days and 2 nights. Pinagdadasal ko lang na sana bumagal ang oras. Paano'y balik trabaho na kami pagkatapos ng bakasyon. Sa ayaw at gusto namin ay kailangan naming bumalik sa reyalidad. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako makapaniwalang ilang araw na lang, December na. Dahil nagkasundo kami ni Migz na 'wag magdala ng maraming gamit, pareho lang kaming naka-backpack. Siya na ang nagdala ng tent bag sa kanyang likuran. Naramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng phone ko habang naglalakad kami palabas ng eroplano pero hindi ko pinansin. Alam kong si Mommy lang ulit ito dahil noong nasa Maynila pa lang kami at papuntang airport, panay na ang pa

