“Ano ba, Bobbie?!” pilit inalis ni Mommy ang pagkakahawak ko sa kanyang braso. Iginiya ko kasi siya palabas ng kwarto at binitawan ko lang nang makarating kami sa lobby ng floor. Hinawi ko ang buhok ko papalikod bago siya hinarap. “Umuwi ka na, Mommy,” mariin ang bigkas ko sa bawat salita. Hindi ko mabasa kung ano ang ibig sabihin ng diretsong tingin niya sa akin but I know it says a lot. “I heard everything from Daxon--” “Just leave us alone--” “Bobbie, will you please listen to me--” “Bakit ka pa nagpunta rito, Mommy? Are you trying to become a good mother now?” Nanlaki ang kanyang mga mata at dito ko nakita ang pagbagsak ng kanyang luha. Sa likod niya’y nakita ko si Kuya at iba pa naming mga kasama. Narinig nila ang sinabi ko pero wala akong pagsisisi. Ito ang nararamdaman ko at

