“I’m sorry for not telling you as soon as I found out...” Nakaupo ako sa couch, nakahiga si Migz sa hita ko habang marahan kong sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri ko. Pagkatapos mananghalian ay ganito na ang naging pusisyon namin. Kahit kasi halos kakatapos pa lang ng kalahati ng araw, ramdam ko na agad ang pagod niya. At dahil wala akong narinig mula sa kanya, nagdesisyon akong magpatuloy sa pagsasalita. “I chose to trust her. Binigyan ko siya ng pagkakataong magsabi sa ‘yo. I thought she would eventually overcome her fears but-” “Napakilala ko naman sa ‘yo si Claudia noon ‘di ba?” Naputol ako dahil sa tanong ni Migz. Pagtingin ko sa kanya ay nakatitig siya sa kisame. Binukas-sara ko ang mga mata ko bago ko napagtanto na naghihintay pala siya sa sagot ko. “Oo. Hind

