Tumatakbo ako sa madilim na gubat. Naghahabol ako ng hininga at para bang takot na takot maabutan ng kung sino mula sa likuran ko. Ngunit bakit ako tumatakbo? Anong ginagawa ko rito? Wala akong ideya kung nasaan ako at kung saan ako papunta. Hindi ko makontrol ang sarili kong katawan. Kaya kahit hinihingal na ako at ramdam ko na ang paninikip ng dibdib ko, hindi ako tumitigil. Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo nang ‘di ko agad napansin na bangin na pala ang kahahantungan ko! Nahulog ako ng walang kalaban-laban at dito sumisigaw nang dumilat. Pinagpapawisan ako ng malamig pagbangon ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid para malaman kung nasaan ako. It took me a while before I realized where I am. Nandito ako sa kwarto ni Migz. Hindi ito 'yung madilim na gubat. Wala ring bangin sa p

