“So Bobbie, how’s work?” tanong sa akin ni Mr. Villaverde habang hinihimas ang kanyang bigote. Napansin yata niyang hindi ko ginagalaw ang laman ng plato ko habang paubos na ang kanila. Paano ba naman ako makakakain kung ‘yung anak nila basta na lang ako sinama sa dinner nila. He told me that I owe him a dinner in exchange of giving me the CCTV footage. Hindi naman niya sinabi na dinner pala ito kasama ang mga magulang niya! And my God they’re already talking about wedding stuff! I doubt Mommy knew about this dahil kung oo, siguradong siya ang unang-unang tututol. Sapat na ang kahihiyang dala namin ni Kuya sa pamilya. Sobra naman na yata kung makikisali pa si Dean sa sakit ng ulo niya. “Okay naman po. I’m already getting used to it. It’s not as if I have a choice right now,” may sarcas

