“Migz, stop! Baka sumakit ang tyan mo!” sigaw ko para pigilan si Migz sa paghigop ng sabaw ng sinigang. Ngunit ‘di pa siya nakuntento at sa mismong bowl na uminom. Kung umasta siya ay para bang napakasarap ng pagkaing nakahain sa lamesa. “Bakit? Nakakain naman ito,” sabi pa ni Migz kahit namumutla na ang labi. Sa tabi niya’y halos hawakan na ni Anthony ang kanyang tyan kakatawa. Ang init tuloy ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Natikman ko ‘yung sinigang ko at alam kong sobrang asim nito dahil yata sa isang bote ng suka na ibinuhos ni Claudia rito! Maging siya ay mukhang disappointed ngayon sa sarili dahil sa kalokohan. “You don’t have to do this,” bulong ko kay Migz pero tumingin lang siya sa akin at tipid na ngumiti. Nang marinig kasi ang pangaasar ni Anthony sa luto ko, agad akon

