Madilim pa rin nang huminto ang sasakyang dala ni Kuya sa tapat ng mansyon. Sandali akong napatingin sa gate namin kung saan nakita ko ang mga tauhan naming nakabantay dito. Sinisilip na nila kami, siguro’y nagtataka kung bakit kami huminto rito at hindi tumuloy sa loob. Gusto ko man, Kuya didn’t want to go inside. Siguro’y dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin siyang ma-trap dito kahit nagbabalak na siyang bumalik sa kumpanya. Syempre ay kilala namin pareho si Mommy. Hindi ko lang masabi sa kanya na pakiramdam ko nagbago si Mommy pagkagaling ng Batangas. Sa ngayon kasi, may ibang bagay na gumugulo sa isip ko. And it involves the most important person in my life right now. “Tungkol sa nalaman mo tungkol kay Reign... I hope you won’t hold it against her. Hindi na rin niya kailangang

