Mt. Skull
Dianne's POV...
"Alam mo ba, Ms. Cruz, ganyang-ganyan tumandang dalaga yung kare-retire pa lang nating kasamahan sa kabilang departamento, kakatanggi sa mga nagyayaya sa kanya na magbakasyon kahit isang araw man lang." sermon sa akin ng principal namin na si Sir Manalili.
"Naku sir. Wala ho akong hilig sa mga baka-bakasyon na ganyan. Imbis na waldasin ko ang pera, ipapadala ko na lang ho kila Sister Agatha sa bahay ampunan ang pera, tiyak matutuwa pa sila," sagot ko naman habang nakatingin sa ticket for two sa Boracay Island this weekend.
"Sa iba nyo na lang ho ito ibigay, Sir. O 'di ho kaya ay magbunutan ho kayo ulit ng mananalo. Wala naman po kasi akong maisip na isama. Kawawa naman po ako kung ako lang mag-isa ang pupunta doon, di ba?" dagdag ko pa habang sinasauli ang tickets.
"Ija. Di naman ibig sabihin na ticket for two ay required ka maghanap ng kasama. Uso na rin ngayon ang soul searching, no? Kung ako sa iyo, go for it. Malay mo, magbago bigla ang mundo mo after this trip." Pangungumbinsi pa sa akin ng matanda.
"Okay sige, Sir. Pagbibigyan ko na po kayo para naman makahinga rin ako mula sa mga trabaho ko bilang class adviser sa taong 'to."
Nakangiti pa rin sa akin si Sir Manalili habang nililisan ako ang kanyang silid. Nakatitig pa rin ako sa tickets na napanalunan ko sa raffle na pinasimunuan ng mga PTA Officers ng school na pinagtatrabahuhan ko.
Oo, isa akong public school teacher. "Plain Dianne" sa paningin ng iba. Bawal magkamali, parating kagalang-galang at wala man lang sumubok na manligaw. Sobrang nakakasawa ang araw-araw na buhay ko. Kung hindi mga high school students ang kaharap ko, mga papel at sandamukal na reports na kailangang ipasa.
Yes, you've read it right! Walang ka-thrill thrill ang everyday life ko. Pasok sa trabaho, check ng mga ipinasa ng bata, uwi sa condo unit ko, kakain, gagawa ng lesson plan at instructional materials, at matutulog. Limang taon nang ganito ang buhay ko. Wala rin naman akong ibang kaibigan kundi ang high school friend ko na si Janna na nasa Saudi pa, magtatatlong taon na.
Pag-uwi ko sa bahay ay binuksan ko kaagad ang laptop at tinawagan sa skype ang kaibigan kong si Janna.
"Dzai! Congratulations sa NBSB kong friend! Nabasa ko chat mo kanina. Sayang wala ako dyan, ako sana ang plus one mo." Excited na sabi ng kaibigan ko habang nasa shift pa ng trabaho niya sa isang cafe.
"Oo dai, mag-eenjoy sana tayo dun, ano? Kung hintayin na lang kaya kita makauwi bago tumuloy sa Bora?
"Dianne, pwede ba? For once in your life, magpaka-adventurous ka naman! Hindi yung panay ka trabaho. Sige ka, patutunayan mo kila Sister Agatha na dapat nagmadre ka na lang din."
"Eto na nga at magiimpake na ng mga dadalhin. Siguro doon ko na makikilala ang "The One" ko." patili kong sabi habang ibinababa ang maleta ko mula sa itaas ng aparador ko sa gilid ng kama.
"Dzai, mag-iingat ka dun ha. May nasabi ang Lola ko tungkol sa mga ginagawang alay dun at hindi na nakakabalik sa Maynila."
"Ano namang alamat yun, aber?"
"Yung mga kinukuha ng maligno na nalulunod at hindi na lumulutang sa pampang na nawawala na lang yung bangkay. Ibig sabihin raw noon, kinuha ng mga syokoy o di kaya mga sirena."
"Janna hindi malaman sayo kung tinatakot mo ba ko o pinu-push na magbakasyon! E kung wag na lang kaya ako tumuloy?!"
"Huy eto naman, pinag-iingat ka lang naman e. O siya, sige na. May customer na ko. Magbeauty rest ka na dyan! Uwian mo ako ng buhangin sa bote ah?"
Dito natapos ang kamustahan naming magkaibigan. Si Janna na lang kasi ang natitira kong kaibigan na halos kapatid ko na kung ituring. Sabay kami nagdalaga sa bahay ampunan at nangako kami na magiging magkaibigan hanggang sa pagtanda.
Natapos ang weekdays nang mabilis at ito na ang araw ng alis ko patungong Boracay.
Sinunod ko ang sinabi ni Sir Manalili na huwag na muna magsama ng iba at magsoul searching magisa. Baka andito na si Mr. Right inside this very plane or baka taga-Boracay, ah basta. Isa lang ang sigurado ako- handa na kong buksan ang puso ko sa kahit sinong nararapat para dito.
...
Nakakabingi ang ingay ng eroplano at busy ang mga tao sa paligid ko kakapicture at kakalibot sa Caticlan Airport sa Aklan.
Patuloy pa akong naglakad at hinanap ang banner ng bangkerong maghahatid sa akin sa islang sinasabi ni Mrs. Moran, ang presidente ng PTA Officers namin sa school.
Napahinto ako nang may mabasang "Welcome to Aklan, Miss Cruz! From Mrs. Moran."
"Ah, Kuya! Hello po. Ako si Dianne Cruz."
"Ma'am, kayo pala yan. Ang ganda nyo po pala sa personal. Tama si Mrs. Moran. Halika po at ihahatid ko na kayo sa isla."
Maganda ang tanawin at napakapresko ng simoy ng hangin. Maraming tao pero hindi ko yun inalintana dahil first time kong makasakay ng bangka. Ulila na ko sa mga magulang ko at wala naman kaming chance na makaranas ng ganito sa bahay ampunan.
Halos magiisang oras din mula sa pampang ang nilakbay namin at naninibago ako sa lakas ng alon. Para akong nahihilo at umaakyat lahat ng kinain ko kanina
sa lalamunan ko.
"Kuya, talaga po bang ganito kalakas ang alon?"
"Ewan ko rin iha. Pagpunta ko ay hindi naman ganiyan kalakas yang mga alon ma iyan."
"Wala ho ba tayong mahihintuang malapit na isla dito? Hindi ko na ho kaya yung hilo ko, Manong."
Dahil sa request ko, nagtungo kami sa pinakamalapit na isla sa amin. Maliit lang ito at mukhang wala naman sigurong mababangis na hayop.
"Manong, iihi lang po ako sandali. Hintayin nyo na lang po ako rito."
"Sige ho, Maam. Mag-iingat ho kayo at kapag ho naligaw kayo ay baliktarin nyo na lang ang suot nyong damit."
Hindi ko na pinansin masyado ang sinabi ni Kuyang Bangkero at binaybay ko na ang daan patungo sa maraming puno.
Nagtaka lang ako dahil imbis na uminit dahil tanghaling tapat na ay parang tila lumalamig ang klima na para kong nasa Baguio.
Nang makaihi ako ay bumalik na ko sa dinaanan ko kanina.
Laking gulat ko nang wala akong madatnan na dagat o bangka o kahit buhangin sa binalikan ko. Hindi naman ako maaaring magkamali dahil isang diretsong daan lang ang tinahak ko at di naman kalayuan ang punong pinagtaguan ko para umihi.
Sinubukan ko pang maglakad at tila inabot na ko ng dalawang oras kakalakad-wala pa ring manong, o bangka, o buhangin, o dagat.
Sinubukan kong pumikit at pakinggan ang paligid. Walang tunog ng dagat. Ang tanging umaalingawngaw lang sa paligid ay tunog ng mga kuliglig at hangin na humahampas sa mga dahon ng puno.
Dito ko naisip ang sinabi ng kaibigan kong si Janna. Paano kung isa lang pala akong alay at hindi na ko matagpuan ng mga kakilala ko? Nagsisimula na kong magsisi ng tumuloy pa ako.
Natigilan ako nang makarinig ng tubig sa paligid. Dagat ba ito? Hindi, tuluy-tuloy ang daloy nito, marahil ilog yung naririnig ko.
Nagsimula na akong magtaka dahil pagkaliit-liit lang ng islang binabaan namin kanina ni Manong. Imposibleng magkaroon ng ilog sa ganoong kaliit na isla.
Tama nga ang hinala ko. Ilog nga ang naririnig ko. At imbis na mag-alala ako, sinimulan kong hubarin ang crop top ko. Sabi kasi ni manong, kapag naligaw ako ay baliktarin ko ang suot kong damit. Bahala na. Hindi naman ako naniniwala ron, pero sa kalagayan ko, wala namang masama kung susubukan ko.
Inilapag ko ang damit ko sa isang bato di kalayuan sa ilog. Natira sa katawan ko ang bikini top kong pula at high-waist na shorts.
Inilabas ko naman ang cellphone ko at tinignan kung may signal ba o wala.
"Hay naku. Ano ba yan wala man lang signal dito. Teka, nasa bundok ba ako?"
Laking pagtataka kong sabi habang inaalala ang liit ng isla na pinagdaungan namin kanina. Imposibleng magkaroon ng bundok sa islang yon. Sa liit ng islang yun ay tatlong mansyon lang ang kasya roon.
Halos maningkit ang mata ko nang titigan ko ang nakaguhit sa puno sa kabilang dako ng ilog. Bungo. Hindi ako maaaring magkamali, Puting pintura na hugis bungo ang nakaguhit sa malaking puno na yon. Napaatras ako dahilan pata mabitawan ko ang cellphone ko at mahulog sa ilog.
"Sh*t! Bakit ngayon pa?"
Dali-dali kong hinubad ang shorts ko at sneakers. Sabay talon sa tubig.
Napaka linaw ng tubig dito at kita ko na agad ang phone ko. Natigilan naman ako nang kukunin ko na sana ang cellphone ko nang may palasong tumusok sa lupa sa ilalim ng ilog katabi ng cellphone ko. Sa takot na baka kamay ko ang matuhog, umahon ako dali-dali. Isa pa, mauubusan na rin ako ng hangin.
Pag-ahon ko ay laking gulat ko nang may marinig na mga boses.
"Azi. Mukhang hindi sya taga rito." Sabi ng isang matangkad na lalaking may hawak na sibat at nakatutok sa direksyon ko.
"Sino ka? Ano'ng pakay mo sa lugar namin?"
Tanong naman ng isang lalaking may katangkaran din. Itim na itim ang mga mata nito at mahaba ang buhok na hanggang balikat. Napaawang rin ang labi ko nang mapunta ang titig ko sa matipuno nitong katawan. Parang ang sarap haplusin at ang sarap magpayakap dito. Napailing naman ako at nagising sa pantasya ko ng makita ang isa pang lalaki na hawak naman ang mga damit ko.
"Teka, wala akong balak na masama. Naliligaw ako. Hinahanap ko yung bangkerong naghatid sa akin dito. Papunta kasi ako ng Boracay." Sabi ko habang sinusuri ang suot ng mga taong ito.
Nakatapis sila na tila gawa sa balat ng hayop. Mahahaba ang buhok pero ang iba ay nakatali, ang dalawa sa kanila ay may alun-along buhok na nakalugay. May mga tattoo rin sila sa buong katawan pero hindi nito naitatago ang taglay nilang kakisigan.
"Azi, hibang yata ang babae na ito. Wala namang Boracay na lugar dito e." Sabi ng lalaking may hawak ng damit ko na tila tinitignan kung anong klaseng damit ang sinuot ko."Kakaiba rin ang pananamit nya. Baka espiya yan galing sa Tuoranay."
"Tuoranay? Saan yun? Nasa Pilipinas pa rin ba ako, ha?"
"Dalhin sya kay pinuno. Wala kong tiwala sa kamangmangan nya. Huwag kayong padadala." sabi naman ng isang kasama nila na kanina ko pa tinititigan.
Umahon ako at nang makalapit sa lalaking tinatawag nilang Azi. Hiyang hiya ako dahil sa titig nila sa akin mula ulo hanggang paa.
Na-conscious tuloy ako. Hindi naman talaga ako nagsusuot ng ganito at matagal na nung huli kong suot ng bikin.
"Kakaiba ang nilalang na 'to, Azi."
"Tama ka, Oloy. Kakaiba nga ang itsura nya. Iba sa atin. Dapat siguro natin syang ipasuri kay Apo Duwaling." Sabi ni Azi na hindi maalis ang tingin sa dibdib ko.
Ginapos naman nila ang kamay ko at binuhat papunta sa kanilang lugar. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit ganoon kalaki ang islang yun pero napakaliit naman nung dumaong kami kanina. Nasaan na ba ako? Nasa langit na ba ako?
Hindi alintana ni Dianne ang panganib dahil mas napansin niya ang kakisigan ng apat na lalaking dumakip sa kanya. Napailing na lamang siya nang magising sa katotohanang baka mga maligno sila. O di kaya mga cannibal at baka kainin siya nang buhay.
Magdidilim na ang langit nang marating nila ang lugar na may malalaki at matatas ma puno. Kakaiba ang mga puno rito dahil kasing laki ng isang building ang isang puno at sa itaas ay may magagandang bahay na may magagandang pailaw at dekorasyong balahibo ng peacock. Nakapalibot ang malalaking puno sa isang lugar kung saan nagtitipon ang mga kalalakihan na parehas ng mga suot ng apat na nauna nyang makilalang mga kalalakihan. Lahat sila ay matatangkad, matatangos ang ilong, mapupungay ang mata at matitipuno ang pangangatawan. Kumbinsido na si Dianne na baka nasa langit na siya at baka mga anghel itong mga taong ito.
Napatigil ang lahat nang ibaba nila ang kawayan na pinagtalian sa kanya. Inilipat naman siya mula sa pagkakagapos sa kawayan, doon sa gitna ng malalaking puno kung saan nagtitipon tipon ang mga kalalakihan. Tantya niya ay nasa 15 ang mga ito.
Nasa gitna at nakaupo ang isang matandang lalaki na nakasuot rin gaya ng kasuotan ng ibang lalaki. Naka-tapis na manipis na tela hanggang tuhod at may mga tattoo sa katawan.
"Apo Duwaling. Isa siyang alay. Natagpuan namin siyang lumalangoy sa banal na ilog. Alam naman nating latay ang parusa sa lumapastangan sa ating ilog. Nais lang po namin malaman kung may sakit ba ang nilalang na ito dahil iba ang anyo niya sa atin. Kung malusog siya ay, itutuloy namin ang parusang sampung latay sa likod." Pagpapaliwanag ni Azi.
Nanigas ang buong katawan ko sa narinig.
"H-hindi p-po ako n-nanggugulo. N-nawawala po ako." Nanginginig ang boses ko na para bang malapit na akong umiyak.
"Babae." aniya Apo Duwaling.
"Isa siyang babae. Siya ang sinasabi sa banal na aklat na darating sa atin upang maging basbas ng langit." Sabi ng matanda habang umiikot sa paligid ko at tinititigan ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi dapat siya tratuhin nang masama, kundi, parurusahan tayo ni Bathala."
Hindi naman makapaniwala ang lahat sa narinig.
"Kaya pala napakaganda mo. Isa ka palang babae." ani isang lalaking may hawak ng damit ko.
"P-pwede ba kong m-magbihis. Nilalamig na kasi ako sa s-suot ko e." Sabi ko habang hawak ang magkabilang braso ko sa lamig.
"Azi! Bilang pinuno ng mga Pintados, ikaw ang inaatasan ng langit na mag-alaga sa babae." ani Apo Duwaling na nakangiti sa akin.
"S-salamat po." Ito na lang ang naisagot ko sa kanya habang nakatingin kay Azi.
Napakaganda ng mata niya. Kapag tumitig pa ko nang mas matagal ay baka matunaw na ko at maligaw sa kawalan. Isa pa, ibang klase rin sya tumitig- tagos sa kaluluwa.
Tinungo namin ang bahay sa itaas ng pinakamalaking puno dito.
"Ito ba yung bahay mo? Ang taas at nakakalula." Pilit kong pinagagaan ang sitwasyon at ayokong alalahanin ang mga sinabi ni Apo Duwaling. Tanging alam ko lang ay kailangan nila ako at hindi nila ako papatayin dahil bawal raw saktan ang babae.
Maganda ang loob ng Tree House. Understatement na maituturing kung tawagin itong tree house dahil sa laki ng puno na pinagkakabitan ng bahay ay tila mansyon na ito. Gawa rin sa kahoy ang interior at mga gamit. Panay puti at kulay kahoy ang nasa loob. Halatang si Azi ang pinuno ng tribong ito dahil sa ganda ng mga kasangkapan sa loob.
"Humihingi kami ng pasensya sa nangyari. Hindi namin alam na ikaw pala ang matagal nang hinihintay ng tribo namin." Masarap sa tenga ang boses ni Azi-maamo. Parang mga mata niya lang rin.
"Hindi ko talaga maintindihan ang nangyari sa akin. Kanina lang ay masa dalampasigan ak..."
"Dalampasigan? Isa at kalahating araw pa ang kakailanganin para makarating sa pampang." Nung sabihin ito ni Azi ay parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Asaan ako kung ganoon? Ayoko naman sabihin kung saan ako talaga nanggaling at hindi rin naman sila maniniwala. Baka mapahamak pa ako sa mga sasabihin ko kaya dapat matuto muna akong sumakay sa trip nila."Sa tribo nyo, ikaw lang ba ang babae?"
"Uhm, oo. Ako lang ang babae sa amin." Kung mayroong dapat gawin ngayon ay magsinungaling muna dahil baka pag nalaman nila na maraming kababaihan ay puntahan nila yung mundo ko at manguha ng mga babae. Ayoko naman mangyari yun.
"Siguro nababaliw rin sa iyo ang mga kalalakihan sa tribo nyo. Kabaliwan ang pakawalan ka at hayaang nagiisang lumalangoy..."
Palapit siya nang palapit at hindi ko napansing nasa dingding na pala ang likuran ko. Mapaglaro niyang hinawakan gamit ang hintuturo nya ang pisngi ko pababa sa leeg hanggang sa dibdib at sa pinakatulis na bahagi ng dibdib ko. Napasinghap ako.
"...nang halos walang saplot."
Kumawala naman ang ungol sa aking labi na nagpalaki ng mata ni Azi.
"Maraming tribo rito sa Bundok Bungo na nangangailangan ng reyna at mababaliw sa presensya ng isang babaeng tulad mo." Patuloy ang panunukso nito at nagsalita nang pabulong sa tenga ko habang ang mga kamay ay naglalakbay sa dalawa kong dibdib. Hindi ko gusto na nagugustuhan ko ang mga nangyayari.
"B-bundok Bungo? T-tribo? Anong s-sinasabi mo?"
"Ikaw ay nasa pangangalaga ngayon ng mga Pintados. Mga mandirigma ng Silangan. Kapag dumayo ka sa Norte, andun ang Tribong Apayao-mga alagad ng sining. Sa bandang Timog ay mga Muslim, mga manlalayag sila. At ang nasa Kanluran, mga Tuoranay-ang mahigpit naming kaaway."
Walang tigil niyang pinaglalaruan ang p********e ko, dahilan ng pag alingawngaw ng ungol ko sa buong silid habang nagpapaliwanag siya.
"P-parehas ng nasa mundo ko. Ugh." Ngayon lang ako nakaranas ng ako ang tinuturuan. At ang pinakamasarap na parte ay yung nilalaro niya ang hiyas ko.
Inalis niya ang dalawang daliri mula sa mamasa-masa kong p********e at dinilaan ito. Nagising ang buong diwa ko. Gusto kong ituloy niya. Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam noon. Pero tumalikod lamang si Azi.
"Ako si Azi. Pinuno ng mga Pintados. Nais ka nga pala kausapin ni Apo nang kayo lang dalawa."
...
Kinagabihan ay pinuntahan ako ni Apo Duwaling sa kwarto na ipinahiram sa akin ni Azi.
"Ano ang pangalan mo?"
"Dianne po."
"Taga-Maynila ka ba?"
"Huh?! Paano nyo po nalaman?! Alam nyo po ba kung paano ako makakabalik?"
"Ija. Ang mga lalaki rito, lahat sila, galing sila sa mundong pinanggalingan mo..." Naguguluhan ako pero inalalayan nya akong maupo sa isang upuan malapit sa bintana. Itinuro niya sa akin ang kalangitan sa labas ng kwartong iyon. Napaawang ang mga labi ko nang makitang tatlo ang buwan.
"...at pinanggalingan ko rin."
"Pinanggalingan nyo rin?"
"Oo. Pamilyar ka ba sa salitang alay?"
Hi. Author here. I hope you liked it. I'll try my best to make the other chapters longer so please, stay tuned. Lovelots. ?