Habang nag iimpake Si Kylie Sa kanyang kwarto ay pumasok ang kanyang Ina. Ngayong araw kasi ang alis niya.
"Anak yan lang ba ang dadalhin mo? Isang backpack Lang?"
"Ma konti lang ang dala ko. Sabi kasi ni Des hindi na kailangang magdala ng maraming damit kasi marami naman daw po doon na murang bilihan."
"Mag-iingat ka doon anak ha, Ma mimiss kita. Mababawasan na ng maingay dito Sa bahay," Naiiyak na sabi ng mama niya.
"Ma wag na kayong umiyak ma, mabilis lang ang panahon. Hindi niyo namamalayan eh uuwi na pala ako. At tyaka maynila lang yan Ma. Hindi ako mangingibang bansa," nakangiti niyang sabi sabay yakap Sa mama niya.
"Basta wag mong pababayaan ang sarili mo palagi pa naman sumasakit ang ulo mo."
"Wag kang mag alala ma.. Ako ata Si Kylie ang matapang na anak ninyo! "
Lumabas na sila ng kwarto ng kanyang mama, nasa sala ang kanyang kapatid at ama na naghihintay Sa kanila. Isa-isa niyang niyakap ang kanyang mga kapatid.
"Ikaw Lenie ha! Ikaw muna ang panganay dito. Ikaw na bahala kina mama at itong Si zaizai aalagaan mo ng mabuti," sabi niya Sa kapatid niya na sumunod Sa kanya.
"Opo ate Ky, Mag-iingat ka doon ha mamimiss ka Ni Zaizai," sabay yakap sa ate niya.
"At ikaw naman bansot, mag-aral ka ng mabuti ha. Hindi yung palagi kang nasa internet shop. Tutulungan mo Si papa Sa talyer ha," sabi niya Sa kapatid niyang Si Banban. May pag ka boyish din kasi ito kagaya niya.
"Oo na Te, alam mo naman na idol kita eh, ako na ang bahala Sa talyer," mayabang na sabi ng kapatid niya.
"Papa," sabay harap Sa papa niya.
"Pa mag-iingat kayo dito ha, Promise babalik ako agad pag nagkaipon ako," mas close kasi sila ng papa niya.
Niyakap siya ng kanyang papa.
"Ikaw ang mag-iingat doon dahil mag isa ka lang doon. Wag kang mag alala dito Sa amin, alagaan mo ang sarili mo ha?"
"Opo pa."
"Anak ayaw mo ba talagang pagpahatid? Kahit Sa labasan Lang?" Sabi ng kanyang ama.
"Wag na Pa, alam niyo naman na ayoko ng ganoon eh, lalo lang akong nalulungkot."
Sinulyapan niya ng isang beses ang kanyang pamilya bago lumabas ng bahay. At Dali-dali siyang sumakay Sa nakaparadang trisikle at doon umiyak. Ayaw niya mang umalis pero kinakailangang maka pag-ipon siya.
~~~~~
Kakalabas lang Ni Kylie sa airport at huminga siya ng malalim.
"Hmmmm! Amoy tambutso, amoy basura. Nasa maynila na nga talaga ako," napapangiting sabi niya.
Sa hindi kalayuan may nakita siyang may edad na lalaki na may hawak-hawak na placard na my naka sulat na KYLIE CASTILLO. Dali-dali niya itong nilapitan.
"Kuya ako po Kylie Castillo. Ito po yung ID ko, " nakangiting turan niya sabay abot ng id niya.
"Ikaw nga, ako nga pala si Reynaldo. Kuya Rey na na lang ang itawag mo sa akin ineng," Nakangiti ring sabi ni kuya Rey.
"Ako nga pala ang family driver ng Mga Dela Torre. Sige na pumasok kana at para maka pagpahinga ka muna."
Habang nasa daan ay namamangha si Kylie sa mga matataas na mga building.
"Wow ang lalaki naman ng mga building dito kuya, grave nalulula ako."
"First time mo bang pumunta dito sa maynila ineng?"
"Opo kuya, kaya medyo kinakabahan din ako eh. "
"Masasanay ka rin dito ineng, at wag kang mag-alala mababait ang mga Dela Torre."
~~~~~~
Pumasok ang sasakyan sa isang Village at doon naman na mangha si Kylie sa mga naglalakihang mga bahay, ay Hindi pala bahay kundi mansyon.
Tumigil sila sa isang malaking gate at unti-unti itong bumukas. Medyo malayo pa ang kinatatayuan ng mansyon sa gate. May mga halaman na naka helera sa tabi ng daan at sari-saring mga bulaklak.
"Ang ganda naman dito," Nakangiting sabi ni Kylie.
"Dito na tayo neng hinihintay kana ni madam sa loob."
Pagbaba niya ng sasakyan napapatingala pa rin siya sa bahay. Hindi maka paniwala na ganito nga talaga ka yaman ang pagsisilbihan niya.
May sumalubong sa kanya na isang matandang babae na nakangiti. Simple lang ang suot nito.
"Welcome ineng," nakangiting bati sa kanya ng matanda.
"Ako nga pala si Linda, Nanay Linda ang tawag nila sa akin dito. Ako kasi ang mayordoma dito sa mansyon." Nakangiting bati nito sa kanya.
"Ako nga po pala si Kylie nay Linda," Nakangiti ring bati niya dito.
"Halika kana ineng ihahatid kita sa library kanina kapa hinihintay ni madam Zette.
~~~~~~
Tumigil sila sa isang malaking pintuan. Kumatok muna si nanay Linda bago buksan ang pintuan. Sa isang mesa may naka-upo na isang sopostikadang babae. Nasa 50's ang edad at mukhang mataray.
Nang makapasok si Kylie ay bigla siyang kinabahan. Pero na wala din yun nang ngumiti sa kanya ang babae.
"Iha buti naman at nakarating ka ng ligtas," Sabay abot ng kamay niya kay Kylie.
"Good afternoon po madam," Bati ni Kylie na nakangiti at inabot din ang kamay ng ginang.
"Before anything else I will introduce myself to you iha," sabi ng ginang habang naka ngiti.
"By the way im Suzzete Dela Torre, but you can call me madam Zette. "
Nakatulala lang si Kylie habang pinagmamasdan ang ginang. Namangha siya dahil sa kagandahan ng ginang.
"Ahh iha?" nakikinig ka ba?" Madam Zette.
Bigla namang natauhan si Kylie, hindi nya namalayan na nakatulala pala siya.
'Ahh madam Zette, ano po nga yun ulit?" kamot ulo ni Kylie habang nakangiti.
"Pwede ko bang malaman yung family background mo? Nabasa ko naman yung application form mo. Pero gusto ko marinig sayo," nakangiting sabi ng ginang.
"Ahhh opo Madam, Im Kylie Castillo po, tubong ilongga po ako, 3rd yr Bussiness Ad po yung napag-aralan ko, kasalukuyan po akong nakahinto muna para magtrabaho. My maliit po kming talyer, tatlo po kaming magkakapatid."
Naikwento na ata lahat ni Kylie yung talambuhay niya. At nawili naman ang ginang na nakikinig sa kanya.
"Yan ang mga hinahangan kong tao. Yung katulad mo, na my paninindigan at my pangarap sa buhay," madam Zette
Bigla na lang naisip ni Kylie na magtanong tungkol sa aalagaan niya.
"Ahh madam pwede po ba ako mag tanong?"
"Sige iha magtanong ka lang,"
"Ahmm madam ilang taon na po ba ang aalagan ko?"
"My son is 24yrs old--- " naoutol ang sasabihin ng ginang ng sumabat agad si Kylie.
"Pooo? 24yrs old po?" Gulat na tanong ni Kylie.
"Yes iha Stephen Dela Torre my son is 24yrs old," Bigla naman nalungkot ang mukha ng ginang na siyang gina bahala ni Kylie.
"1yr ago he got into a car accident the way home. At doon na nagbago ang buhay ng anak ko. Hindi siya makakalakad dahil doon sa aksidenteng nangyari. Ang sabi ng Doctor may pag-asa naman siya makalakad but my son decided not to take the therapy " Lungkot na sabi ng ginang
"Sorry po madam." Kylie
" Its ok iha. I want my son to back what he is before. Yung masiyahin, mapagbiro. I want him to go back to his normal life" bigla niyang hinawakan ang kamay ni Kylie
"And i hope iha you can help me on that. Sana mapagtyagaan mo yung ugali ng anak ko ngayon. May naka schedule naman na doctor para tingnan siya. Ang kailangan mo lang gawin iha is make sure he will eat and take his medicine," paliwanag ng ginang sa kanya.
"Eh diba po dapat nurse po yung kailangan ng anak ninyo?" biglang sabi ni Kylie
"Madami na kaming nurse na kinuha sa kanya pero walang nag tagal sa ugali niya," Malungkot na sabi ng ginang.
Bigla naman kinabahan si Kylie dahil sa sinabi ng ginang. Pero nandito na siya at kailangan niya ng trabaho.