CHAPTER 4

919 Words
Kylie Pov Pagkatapos naming mag-usap ni madam Zette ay pinakilala muna ako sa mga kapwa ko kasambahay dito. Pumasok kami sa malaking kusina at may dalawang kasambahay akong nakita na kumakain. Bigla naman silang tumayo ng makita si nanay Linda at sabay lingon sa akin. "Ahh Kylie, sila ang mga kasamahan natin dito sa bahay," sabi ni nanay Linda. "Hi Kylie, ako nga pala si ate Mira ako ang taga-luto dito sa bahay. Kung may gusto kang kainin sabihin mo lang at ipagluluto kita," nakangiting sabi ni Mira. "Hello po ate Mira, ako nga pala si Kylie," nakangiti ding bati ko. Napatingin din ako sa katabi ni ate Mira na mukhang magka-edad lang kami, medyo mataray naman ang aura nito. "Oh Shasha, hindi kaba magpakilala kay Kylie?" sabi ni ate Mira at siniko ito. "Tsk," sabay tingin sa akin na parang napipilitan, Shasha ako yung taga-linis ng bahay," sabay- irap sa akin. "Hello Shasha," sabi ko na nakangiti, alam ko naman na madali lang sa akin makisama sa ibang tao. "Ahh iha, kumain ka muna dyan, sumabay kana sa kanila at pagkatapos mo ituturo ni Shasha sayo yung kwarto ninyo at makapagpahinga kana," sabi ni nanay Linda. "Salamat po nanay Linda," sabi ko at umupo na para kumain. Aalis na sana si nanay Linda ng biglang bumalik ito at hinarap ako. "Ahh oo nga pala Kylie tutal hapon kana nakarating dito. Bukas mo na makilala si sir Stephen at bukas kana rin mag-uumpisa, sa ngayon magpahinga kana muna," paalala ni nanay Linda sa kanya. "Sige po nanay Linda, salamat po," sabi ko at bumalik na sa kinakain ko. Habang kumakain kami bigla naman nagsalita si Shasha. "Goodluck na lang sayo bukas Kylie," sabay ngisi nito sa akin. Bigla naman siyang siniko ni ate Mira at tiningnan ng masama. "Ohh bakit ate?" Goodluck naman talaga ang dapat sabihin kay Kylie. Dahil walang tumatagal na taga-alaga dyan kay sir Stephen. Sobrang sungit at laging nakasigaw akala mo babae na may dalaw! Tsk" sabi ni Shasha. "Hinaan mo nga ang boses mo Shasha at baka my makarinig sayo," saway ni ate Mira kay Shasha. "Bakit ate Mira ano bang klaseng tao si sir Stephen?" curious na tanong ko. Tiningnan nman ako ni Ate Mira at bumuntong hininga. Habang nakikinig ako hindi ko naman maiwasan na hindi maawa kay sir Stephen at the same time kinakaban. ~~~~~~~~~~~~~~~' Stephen POV. I was sitting on the terrace in my room looking outside at the garden nang nakita ko yung family car namin na pumasok sa gate. And someone step outside at the car. A girl or can I say na probinsyanang babae. Makikita kasi ito sa kilos at sa pananamit niya. Pero hindi ko makita ang mukha niya kasi naka talikod siya. "Ito na siguro yung sinasabi ni mommy na bagong mag aalaga sa akin. Well tingnan na lang natin kung magtatagal ka," kausap ko sa sarili ko. After the accident and my fiancee leave me. Nagbago na ang lahat. Ayoko ko na magtiwala kasi I know in the end they will leave me because of my situation. Isang inutil. After an hour may kumatok sa pintoan ng kwarto ko. And I think it is Mom. "Son im coming in," sabi ni mommy habang binubuksan yung pintuAn. Tahimik lang akong nakatingin parin sa labas ng garden. At naramdaman ko ang kamay ni mommy sa balikat ko. "Son, dumating na pala yung bagong mag-aalaga sayo. I hope she is the last son," Napabuntong hininga na sabi ni mommy. "Diba Mom sabi ko naman sa inyo I don't need anyone, I can handle myself," sabi ko na hindi parin siya tinitingnan. "No son, you need someone beside you habang nasa work kami ng daddy mo. And please be nice to Kylie I like her as a person," sabi ni mom. So her name is Kylie, Well I don't care. "Ok mom as you say," pagsang-ayon ko na lang kay mommy para tumigil na siya . ~~~~~~~~~~~~~~~~ Kylie PoV Habang nakahiga ako sa kama ko napapa-isip naman ako sa mga nalaman ko tungkol kay sir Stephen. FLASHBACK "Three years na ako dito sa mga Dela Torre Kylie at si Shasha naman ay mag-dadalawang taon na," sabi ni ate Mira. "Si sir Stephen hindi naman dati ganyan eh, sobrang masayahing taong yan at sobrang bait. Pero nong nangyari ang aksidente bigla nalang nagbago ang lahat. Dahil sa hindi na nga siya nakakalakad ay iniwan pa siya ng fiance niya na mukhang coloring book ang itsura. Doon na nagsimula ang miserableng buhay ni sir Stephen sobrang mahal niya kasi yung fiancee niya. At parang ayaw na niyang mabuhay sa mundo " Patuloy ang kwento ni ate Mira. Habang nakikinig ako meron akong naramdam na sakit, parang ako yung nasasaktan sa sitwasyon ni sir Stephen. Nabigla ako nong hawakan ni ate Mira ang kamay ko at tiningnan ako sa mata. "Kylie sana matagalan mo yung ugali ni sir, sana ikaw ang makakatulong sa kanya na bumangon ulit," Malungkot na turan ni ate Mira. END OF FLASBACK Napabuntong hininga na lang ako habang nag-iisip kung ano ang pwede kung gawin para matulungan ko si sir Stephen. "Kaya mo yan Kylie, sisiw lang yan sayo. Nakaya mo nga yung trabaho sa talyer ito pa kaya," bulong ko sa sarili ko. "Hoy Kylie matulog kana nga at magkaroon ka ng lakas bukas," sita ni Shasha sa akin. Napangiti na lang ako kay Shasha. "Goodnight Shasha," natatawa kong sabi sa kanya. Makatulog na nga, At bukas sasalang ako sa gyera, At tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD