KYLIE POV Ngayon na ang simula nang pasokan kaya maaga akong nagising para ipaghanda ng almusal si Sir. Habang nandito ako sa kusina nagluluto nagulat naman ako sa taong biglang nagsalita. "Good morning!" Si sir Stephen pala nakatayo sa pintuan ng kusina. "Ayy gwapong tao," gulat na sabi ko. Natawa naman siya sa sinabi ko. Kaya bigla naman namula ang mukha ko sa kahihiyan. "Sir bakit naman kayo biglang bigla sumusulpot, Good morning po," sabi ko naman. Gamit parin niya ang saklay niya lumapit siya sa my counter at umupo. Kaya tama lang naman na natapos na ako sa pagluluto. Nilagay ko sa kanyang harapan ang tocino, hotdog at itlog na niluto ko. "Kain kana sir," masigla kung sabi "Ahh saglit lang po ipagtitimpla kita ng kape." Habang nagtitimpla ako ng kape nakikita ko s

