KYLIE POV. Ang bilis ng panahon at kasabay din yung pagbilis nang recovery ni Sir Stephen. Kung dati ay naka wheelchair pa siya ngayon ay nakasaklay na siya. Mag-aanim na buwan naman ako dito at masasabi ko na nakalalagayan ko na ng loob si Sir Stephen. Hindi na siya masyadong masungit. Pero hindi parin ma wala-wala ang pagiging cold niya minsan. Kaya nginingitian ko na lang siya pagnagsusungit siya. Naglalakad ako ngayon papuntang library dahil pinatawag ako ni madam Zette. Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko nagulat naman ako dahil nandito si Sir Stephen na nakaupo sa harapang silya. Tiningnan ko naman siya at nginitian niya naman ako. "Iha maupo ka," tinuro ni madam Zette ang harapang upuan ni Sir Stephen. "Here," may inabot si madam na isang envelope. "Open it," sabi

