KYLIE POV. Magdadalawang buwan na ako dito sa Pamilya Dela Torre at ang masasabi ko, ay napaka swerte ko at napunta ako sa mabait na mga tao. Dahil hindi lahat na katulong na tulad ko ay nagkakaraon ng mabait na amo. Lagi ko naman tinatawagan sina mama para kamustahin at sa awa ng Diyos ay maganda naman ang kalagayan nila. Sa dalawang buwan ko dito hindi pa ako nagkaroon ng day off kaya kahapon kinausap ko si madam kung pwede akong lumabas bukas. Kinukulit na kasi ako ni Dessa na magkita na kami, kasi day off niya din bukas. Buti naman pinayagan ako ni madam. Kasalukuyan kaming nandito ni Sir Stephen sa excercise room dahil mag-iisang buwan narin siya na nag the-therapy. Nakakapagtaka nga dahil ang bilis ng recovery niya parang nagmamadali na makalakad. Pero noon una ay ayaw na

