KYLIE POV. Tapos na ang Final exam namin para sa first semester. So ibig sabihin bakasyon na. May tatlong linggo akong bakasyon bago magsimula ang 2nd half ng semester. At naging full time taga alaga parin ako ni Sir kahit na nakakalakad na siya. Akala ko nga nong una ay mawawalan na ako ng trabaho. Kaso kinausap naman ako ni madam Zette na tungkol doon sa pag-aalaga ko kay sir. Nandito ako ngayon sa kwarto namin. Nakatitig sa isang box na may laman na gown at may isang pares din na high heels, Bakit pa kasi ako sasama sa party na yun! Flashback "Iha maupo ka," sabi ni madam Zette pagpasok ko sa library. "Thank you po madam, Bakit niyo po pala ako pinatawag?" "Diba magsisimula na ang 2nd semester niyo at kailangan niyong mag OJT sa isang company. Kaya pinatawag kita para sabihin

