STEPHEN POV. Habang nag-aaral ng mabuti si Kylie ako naman ay pinag-iigihan ng mabuti ang pag excercise para madali din akong makalakad. At mag-iisang taon na ako na nag the-therapy at masasabi ko na malaki na ang improvement ko. Nakakalakad na ako ng ilang hakbang na walang saklay. Kahit naman busy si Kylie sa pag-aaral, hindi niya naman pinababayaan ang pag-aalaga niya sa akin. Palagi siyang may bilin bago siya umalis at nahakanda narin lahat ng mga gamot ko na iinomin. Ilang buwan na ring nangyari yung paghalik ko sa noo ni Kylie at parang wala lang nangyari na ganoon sa pagitan naming dalawa. Pero pinaparamdam ko talaga sa kanya na espesyal siya sa akin. Kung kinakailangan na sasama ako sa pagsundo sa kanya araw-araw ay gagawin ko, Just to make sure na safe siya makakauwi.

