Kylie POV Natapos ang araw na medyo okey naman ang pakikitungo ni Sir Stephen sa akin. Natapos ko na rin ang lahat ng gawain ko at tumulong narin ako kay ate Mira sa mga liligpitin sa kusina. "Kylie kamusta naman ang unang araw mo na kasama si Sir?" naka ngising sabi ni ate Mira. "Okey naman ate, nong una medyo nahirapan akong pakainin siya pero hindi ko siya sinukuan," Naka ngiti ko ring sabi sa kanya. Natapos na kami at nandito narin kami sa kwarto namin naghahanda na para matulog. Pero bigla kong na-alala na hindi pa pala ako nakakatawag sa amin. Baka nag-aalala na sina mama sa akin. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto namin bitbit ang cellphone ko na luma. Lumabas ako sa my garden at doon tinawagan ang number ni papa. "Hello Ma!" masigla kong sabi kay nanay na pinipigilang pum

