KYLIE POV Mag-iisang buwan na ako dito sa maynila. At kung akala niyo ay may nag bago kay Sir Stephen. Well wala po ganoon parin lagi niya akong sinisigawan at minsan tinataboy pa. Pero kailangan ko gawin lahat ng bilin nina madam Zette bago sila umalis papuntang hongkong. Kaya ito ako ngayon at hinahabaan parin ang pasensya ko sa tuwing magkakaharap kami ni Sir. Papunta ako ngayon sa kwarto niya para maghatid ng lunch niya. Kumatok muna ako bago pumasok. As usual nasa veranda na naman siya. Paglapit ko nilagay ko muna yung pagkain niya sa tabing mesa. Hindi man lang niya ako binalangin ng tingin kasi busy siya na nakatunganga sa Tablet niya habang my binabasa. “Sir kain na po kayo. Lalabas po muna ako saglit para kuhanin yung mga gamot niyo,“ sabi ko at tumalikod na. Hindi niy

