Chapter 10

1887 Words
Chapter 10 Ngayon ang unang araw ko sa bagong trabaho ko. Kagabi pa lang ay excited na ako dahil ngayon na lang ulit ako papasok sa trabaho na pang-umaga makalipas ang ilang taon. Maaga akong natulog kagabi dahil ayoko na ma-late ako sa unang pasok ko kaya maaga rin akong nagising kanina. At dahil sa kagabi pa lang ay nahanda ko na ang mga kailangan kong dalhin sa trabaho, nag-asikaso na lang ako ng almusal namin ng mga kapatid ko. Para hindi na si Liezel ang mag-asikaso ng almusal ay ako na ang nagluto ng ulam na babaunin rin nila para sa tanghalian nila at nag-sangag ng kanin. Alas-otso y media pa naman ang pasok ko pero siniguro ko na maaga ako kaya alas-siyete pa lang ay umalis na ako ng bahay. Kagaya ng una kong punta sa Serenity, si Kuya Guard pa lang ang inabot ko at sarado pa ang spa.  ‘Aba mukhang maaga ka talaga. Ikaw yung bago na empleyado dito tama?’  ‘Ako nga po.’ ‘Siguradong matutuwa sayo ang may-ari dahil ayaw nun sa lahat ay late ang mga empleyado niya.’ ngumiti lang ako kay kuya guard. ‘Liberty ang pangalan mo hindi ba?’  ‘Opo. Kayo Kuya, anong pangalan nyo?’ ‘Mahaba ang pangalan ko eh pero ang tawag nila sa akin dito ay Mang Juan.’ ‘So yun na lang rin po ang itatawag ko sa inyo.’  Nagkwento sa akin si Mang Juan kaya hindi ako nainip maghintay. Maya-maya lang ay binuksan na ang spa kaya pumasok na ako saka may dalawa rin na kagaya ko ay naka-uniform na pumasok rin. Nalaman ko na sa backdoor pala dumadaan si Miss Agatha, siya ang nagbubukas ng Serenity habang ang ibang empleyado ay sa unahan ang pasok kapag binuksan na ang pinto. Dahil sa maaga pa at wala pa naman customer ay tumulong muna ako sa paglilinis ng paligid. Tinuro rin sakin ni Cynthia, isang masahista rin, kung saan nakalagay ang mga stocks na ginagamit sa pagma-massage. Sinabihan rin niya ako ng mga tungkol sa Serenity at sa mga regular na customers nito. Bukod sa massage ay may service rin dito na pedicure at manicure pati nail arts, pero specialty talaga ng Serenity ay massage. Mga magta-tanghali ay nagsimula ng dumating ang mga customers. Ako ang unang nagka-client dahil pala kung sino ang unang dumating na masahista ay yun ang unang sasalang tapos ay susundan na ng iba. Madalas daw ay nakaka-dalawang ikot ang mga masahista, yun na daw ang pinaka-mababang dating ng customers dito araw-araw. Apat kaming mga massage therapist dito sa Serenity kaya more or less ay walo ang clients ng spa sa isang araw, labas pa dun ang mga nagpupunta para magpalinis ng kuko.  ‘Mukhang bago ka lang dito Liberty. Ngayon lang kita nakita.’ turan ng nakapusturang ginang na unang client ko. May kasama siyang babae na sa tingin ko ay anak niya na sa isang kasamahan ko naman nagpa-service.  ‘Opo. Ngayon araw lang po ako nagsimula.’ nilagay ko ang gamit na kakailanganin ko sa body massage. ‘Sana maayos kang mag-massage. The last we went here ng anak ko ay hindi masyadong naalis ang mga lamig sa likod ko.’ ‘Nag-aral po ako ng pagma-massage Mam.’  ‘Mabuti naman.’ ngumiti muna siya sa akin bago ako nagsimula. Makalipas ang halos dalawang oras ay natapos na ako kay Mrs. Martha. Natuwa naman ako dahil maganda ang remarks niya sa serbisyo na ginawa ko sa kanya. Sinabihan pa niya ako na kapag pupunta sila ulit ng anak niya next week ay sadyain daw niya ulit ako para mag-masahe sa kanya. Ayoko sana na tanggapin ang tip na binigay niya dahil medyo may kalakihan ito at hindi ko rin alam kung pwede ba kami na tumanggap ng mga tips, pero ayon sa kanya ay normal na daw na nagbibigay ng tip ang mga clients dito sa Serenity lalong-lalo na daw kung maganda ang serbisyo na ginawa kagaya ko. Nagpaalam pa si Mrs. Martha sa akin pati ang anak niya nang umalis na sila. Maya-maya ay pinatawag ako ni Miss Agatha sa office ni Mam Azineth.  ‘Maupo ka Liberty.’ sinunod ko ang utos niya. ‘I am really happy sa remarks na binigay sayo ng isa sa mga regular clients natin dito.’ nagtaka naman ako dahil wala naman akong sinabihan tungkol sa sinabi sa akin ni Mrs. Martha. ‘Baka nagtataka ka kung paano ko nalaman ang remarks ni Mrs. Martha?’ ‘Oo nga po.’ ‘Bawat mga regular customers kasi natin dito ay may access sa website ng Serenity na ginawa talaga ni Mam Azineth para sa mga feedbacks, comments or suggestions. Lahat ng nagpunta dito ay sinabihan na mag-iwan ng message sa website after para na rin malaman ng management kung naging maayos ba ang experience ng mga clients natin. Palaging open ang website at connected rin ito mismo kay Mam Azineth para updated rin siya.’ ‘Ganun po pala yun.’ ‘Kaya I am so happy because Mrs. Martha left a good remarks about you. Masaya daw siya na ikaw ang nag-handle sa kanya today. Magalang ka daw at marunong ka raw mag-masahe. Sinabi pa nga niya sa next appointment niya ay gusto niya ay ikaw daw ang mag-handle ulit sa kanya.’ natuwa naman ako dahil positive ang pasok sa akin ng araw na ito, dagdag pa dun ay may malaki akong tip.  ‘Paghuhusayan ko pa po Miss Agatha para hindi masira ang pangalan ng spa.’ ngumiti lang siya sa akin at pagkatapos ng ilang bilin ay pinalabas na ako ng office.  Ang sunod kong client sa araw na ito ay late afternoon na, mga bandang alas-singko y media. Isa naman itong lalaking may katandaan na rin at medyo may katabaan. Base sa mukha nat tindig nito ay may sinasabi ito sa buhay at mukhang may malaking kumpanya na hinahawakan.  ‘Good afternoon po Sir. Ako po si Liberty at ako po ang magha-handle po sa inyo ngayon araw.’ bungad na sabi ko nang makapasok na ako sa silid kung saan ay nakahiga na ang client.  ‘Ay akala ko si Cynthia ang hahawak sakin today.’ ‘May kasalukuyan pa po kasi na client si Miss Cynthia kaya ako po ang naatasan para mag-masahe po sa inyo.’ ‘Naku iha ako eh maselan sa mga nagmamasahe sa akin. Don’t get me wrong ha. Pero kasi kapag hindi ko gusto ang pagmamasahe sa akin ay talagang sinasabi ko ng diretso kay Azineth. Saka sa tingin ko ay baguhan ka dito, tama ba? Ngayon lang kita nakita kasi rito.’ hindi naman ako nasindak sa sinabi niya pero tinandaan ko na kilala ng client na ito ang may-ari ng Serenity. ‘Ah opo Sir, kakasimula ko lang po ngayon araw. Pero huwag po kayong mag-alala, hindi po ako mapapahiya sa inyo Sir.’ ngumiti ako ng matamis sa lalaki. ‘Sige, tingnan natin. Arms saka legs lang ang ipapa-massage ko, Liberty. Nangalay lang sa maghapon na workloads ko.’  ‘Okay po Sir. Simula na po tayo.’ Hindi nagsasalita ang lalaki habang minamasahe ko siya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko rin makitaan ang mukha niya ng ekspresyon kaya hindi ko matukoy kung ayos lang ba sa kanya ang ginagawa ko. Nang matapos ako ay lumabas na ito ng walang sabi-sabi. Kinabahan naman ako dahil baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at magsumbong siya sa may-ari. Ayoko pa naman na may maipintas sa akin lalo pa at unang araw ko ngayon. Paglabas ko ng silid at kaagad akong pinatawag ulit ni Miss Agatha sa office. Kabado ako at nanlalamig ang aking mga kamay. Kumatok ako sabay silip sa loob. ‘Pasok ka Liberty.’ dahan-dahan ako na naglalakad papunta sa upuan. ‘Anong sabi sayo ni Attorney Chavez?’ lalo akong kinabahan dahil attorney pa pala ang huli client ko. ‘Ah, wala po siyang sinabi Miss Agatha. Hindi nga po pala salita si Sir saka agad po siyang lumabas ng pinto matapos po ang pagmamasahe ko sa kanya.’ saglit itong ngumiti bago kinuha ang tablet at may pinindot.  ‘Sigurado akong kabado ka. Well, si Attorney Chavez talaga ay hindi pala-salita na client natin. One a week rin siya kung magpunta dito pero minsan, depende sa workloads niya, minsan twice a week. Actually ay isa sa mga trusted lawyers ni Mam Azineth si Attorney.’ napalunok ako sa narinig. ‘Miss Agatha, pangit po ba ang remarks sa akin ni Attorney Chavez?’ titig na titig ako sa kanya at naghihintay ng sagot niya. Tinitigan rin niya ako ng seryoso bago ngumiti. ‘No Liberty. He did gave you an awesome remarks. Magaling ka daw magmasahe at hindi niya yun in-expect knowing na baguhan ka raw. Isa pa, tino-totoo mo raw ang sinabi mo sa kanya na hindi ka mapapahiya sa kanya. I am very much impressed with your skills, Liberty. Kapag ganyan ka ng ganyan ay for sure, tataas ang sweldo mo. I am really delighted na dito ka napunta sa Serenity. Dahil kung sa ibang spa ka napunta ay malamang mababawasan ang mga clients namin.’ nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. May pinatong siyang isang libo sa ibabaw ng table. ‘At yan ang tip sayo ni Attorney, Liberty. Job well done ka raw.’ malapad itong ngumiti sa akin habang hinihintay akong kunin ang isang libo.  Hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o maiiyak sa mga oras na ito. Sobrang saya ko dahil bukod sa one thousand five hundred na tip ko ngayong araw, pareho na good remarks ang nakuha ko sa dalawang clients ko. Sobrang saya ko na hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko.  ‘Thank you po Miss Agatha. Sensya na po, masaya lang po ako talaga.’ mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.  ‘I guess you can call it a night Liberty. Pwede ka ng maunang umuwi dahil malabo nang may client ka pa ulit since anong oras na rin saka dalawa na lang ang appointments na parating.’ ‘Sige po Miss Agatha, salamat po.’ ‘Salamat rin Liberty. Bukas ulit.’  ‘Okay po.’  Habang nasa daan ay hindi maalis sa mga labi ko ang ngiti. Masaya ako dahil natuwa ang mga clients na hinawakan ko ngayon araw sa ginawa ko. Masaya ako dahil bukod sa sweldo na inaasahan ko ay may nauwi akong pera ngayon mula sa mga tips. Pumasok ako sa isang bakeshop upang makabili ng roll cake para mauwi sa bahay. Feel ko lang na bumili para may dessert kami magkapatid mamaya matapos mag-gabihan.  Nakahiga na ako nang maisip ko si Christian. Wala akong ganitong trabaho kung hindi dahil sa kanya. Hindi ko rin mararanasan ang ganitong kasiyahan kung hindi dahil sa tulong niya. Pina-alala ko sa sarili ko na bukas ay bibili ako ng mumurahin na cellphone at hihingin ko ang number ni Christian kapag nagkita ulit kami. Para kapag may mga oras na gusto ko siyang pasalamatan kagaya na lang ngayon ay pwede ko siyang i-text. Nagdasal muna ako saka bumulong sa hangin ng pasasalamat sa taong tumulong sa akin bago pumikit ng nakangiti pa rin.  ------,--’-,-{@ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD