Chapter 9
Ikinatuwa ng mga kapatid ko ang magandang balita na may bago na akong trabaho na papasukan. Sinabi ko nga sa kanila na kahit pa hindi kasing laki ng kinikita ko sa club ang sweldo ko sa Serenity ay hindi naman ako puyat at ang bonus pa, makakabalik na ako sa pag-aaral. Masaya sila para sa akin. Masaya sila na sa wakas ay matutuloy ko na ang naudlot kong pag-aaral na balang araw ay magagamit ko sa mas maayos at magandang trabaho. Bilang selebrasyon ay kumain kaming tatlo sa labas. Nilibre ko sila sa isang hindi naman kamahalan pero masarap at nakakabusog na kainan. Bihira na kami makalabas magkapatid dahil syempre ay nagtitipid kami, pero iba ang gabi na ito dahil dapat ay ipagdiwang ang simula ng tagumpay ko at simula ng pagbabagong buhay ko.
Kinaumagahan ay maaga na naman akong gumayak dahil usapan na namin ni Christian na pupuntahan namin ang tanggapan ng ALS ngayong araw para makapasa ako ng requirements. Simpleng shirt at maong pants lang ang sinuot ko na tinernuhan ko ng medyo kupas ng rubber shoes, tinali ko rin ang buhok ko dahil malamang ay baka abutin kami ng tanghali ay mabuti ng presko ako sa sarili ko. Hinanda ko narin ang mga documents na kailangan, isinama ko ito sa mga papeles na binigay sa akin noon ni Christian.
‘Hindi ka pa ba aalis Ate?’ napatingin ako kay Liezel nang lumabas siya ng kwarto. Naka-uniform na siya at handa ng umalis.
‘Wala pa si Christian eh. Ang usapan namin ay dadaanan niya ako rito.’
‘Wow ha! De sundo na ang Ate namin! Anong next? Baka naman sa susunod ay malaman na lang namin na kayo na ni Fafa Christian, Ate!’ kantyaw pa ni Lorenzo na bigla na lang sumulpot sa likuran ni Liezel.
‘Naku magsitigil nga kayo! Nagmagandang loob lang yun tao tapos pinag-iisipan pa ng kung anu-ano! May syota na yun! At loyal siya sa syota niya! Ayos na ako na magkaibigan kami at tinutulungan niya ako!’ kumuha ako sa bag ko ng pera at nilapag sa mesa. ‘Pumasok na kayo para hindi kayo ma-late! Umuwi kaagad Lorenzo ha! Madalas ang pagtambay mo sa basketball court at late ka na kung umuwi!’
‘Ang sabihin mo Ate ay nadadalas ang tambay sa tindahan ni Aling Dina dahil sa anak nitong si Maribel.’
‘Hindi ah! Huwag kang maniwala kay Ate Liezel, Ate!’
‘Naku Lorenzo ako eh tigil-tigilan mo jan sa panliligaw mo ha! Maraming oras para jan! Ang atupagin mo ay ang pag-aaral mo at makapagtapos ka! Kapag yan ibon mo kumawala at makalimlim ng iba, sinasabi ko lang sayo! Bahala ka na sa buhay mo!’
‘Hindi naman Ate. Pinag-iigi ko nga sa school para mataas palagi ang mga grades ko.’
‘Aba dapat at nakakahiya naman sa akin! Sige na! Gora na at hindi kayo ma-traffic!’ lumabas na sila matapos na kunin ang mga baon nila.
Maya-maya lang ay dumating na si Christian. Bigla naman akong nag-alangan sa suot ko dahil naka-polo ito na asul at itim na slacks. Kung titingnan kami ay para akong alalay niya sa get up ko.
‘Kanina ka pa ba naghihintay Liberty?’
‘Naku hindi. Kakaalis lang rin halos ng mga kapatid ko.’
‘If ready ka na ay alis na tayo. Tumawag na ako sa ALS office at nandun na ang kausap ko.’
Habang naglalakad kami palabas ng eskinita ay maraming mga mata ang nakatingin sa amin. Hindi na bago sa akin dahil madalas naman ay ganito na talaga dito sa lugar namin. Kapag may mga naka-porma ay siguradong talk of the town ka na agad. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya bago siya sumakay sa driver’s seat. Ngumiti pa muna siya sa akin bago pinaandar ang makina.
‘Sana ay walang masyadong tao ngayon para hindi tayo magtagal.’
‘Bakit? May ibang lakad ka ba today?’
‘Ha? Wala naman. Kaya lang ay dalawang araw na kitang naabala sa trabaho mo, nakakahiya na sayo.’
‘It’s fine. For a friend who is in need, I am more than willing to help.’
‘Salamat ulit Christian ha. Sa lahat-lahat ng mga naitulong mo sa akin. Huwag kang mag-alala, balang-araw ay makakaganti rin ako ng utang na loob sayo.’
‘That’s nothing Liberty. Hindi naman ako humihingi ng kapalit sa mga tulong ko sayo. Magkaibigan tayo kaya natural lang na magtulungan tayo right?’
‘Sana dumating rin ang panahon na matulungan kita sa kung anu man bagay.’ ngumiti lang siya sa akin at nag-focus na sa pagda-drive.
Nang makarating kami sa tanggapan ng ALS ay kaagad kaming inasikaso. Kinuha sa akin ang mga dokumento na kailangan at pina-fill up ako ng student form. Makalipas ang halos dalawang oras ay natapos na ang lahat ng proseso at nakuha ko narin ang schedule ko.
‘Kain muna tayo Liberty, hindi pa kasi ako nag-breakfast kanina sa bahay.’ sabi niya nang makabalik na kami sa loob ng kotse niya.
‘Eh sana sinabi mo kanina. May sangag pa at tuyo sa bahay.’
‘Sa fast food na lang tayo kumain, ayos lang ba sayo?’
‘Kahit sa turo-turo mo lang ako dalhin ay ayos na ayos sa akin.’
‘Alright. Sa fast food na lang tayo.’
Nang mahatid ako ni Christian sa bahay ay umalis na rin agad siya. Naglinig muna ako sa loob namin bago nagpahinga. Pagsapit ng alas-siyete ng gabi ay nagpunta na ako sa club upang makausap ang manager namin pati narin ang mga kasamahan ko. Bago pa ako makapag-chikahan sa mga kasama ko ay tinungo ko muna ang opisina ng manager at nagpaalam pagkatapos ay binalikan ko ang mga kasamahan ko.
‘Totoo na ba talaga yan Liberty? Talaga bang aalis ka na dito?’ malungkot na tanong ni Tanya.
‘Oo eh. Mag-aaral na ulit ako saka may bago na akong papasukan na trabaho.’
‘Hay! Mamimiss ka namin dito Liberty! Mababawasan ang kita ko sigurado!’ natawa ako sa huling tinuran ni Mommy A.
‘Mabuti ka pa ay makakapag-aral ka na ulit. Sinong nag-sponsor sayo?’ tanong naman ni Camille.
‘Tinulungan lang ako ng isang kaibigan na makapasok sa ALS at makahanap ng matinong trabaho.’
‘Sana all!’ tawanan kami sa sinagot ni Myleen.
‘At least may pag-asa ka na kay Paul! Hindi ba ay type na type mo yun!’
‘Ay oo nga! Gagalingan ko talaga para mahumaling rin sakin si Paul ko!’
‘So paano? Uwi na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas sa Serenity. Bukas na ang simula ko eh.’ bigla ulit nalungkot ang mga mukha nila.
‘Mag-ingat ka Liberty ha. Goodluck sayo saka huwah kang makalimot ha kapag yumaman ka na.’ niyakap ko si Tanya.
‘Oo naman, ako pa ba? Dadalawin ko rin kayo dito minsan kapag libre ako.’
---
‘Hindi ko talaga alam na pupunta siya yesterday Victor. If I knew, sa tingin mo ba ay papayag pa ako na pumunta ka at masayang lang ang effort mo para sa wala?’
'Dapat kasi ay inaalam mo! Hindi yung nasayang lang ang pagpunta ko dun kahapon tapos hindi rin naman pala kita makakasama!’ padabog itong umupo sa sofa. Sinundan ko siya at tinabihan.
‘Sorry na talaga. I really didn’t knew na darating si Christian kahapon. I swear Victor.’
‘Habang tumatagal ay nahihirapan na ako sa set up natin Caroline. Kailan mo ba kasi balak na akitin ang gago na yun para magawa na natin ang plano natin laban sa kanya?’
‘Soon. Humahanap lang ako ng tyempo dahil hindi madali ang mga gusto mong mangyari.’
‘Naiinip na ako. Ang tagal mong kumilos!’ hinaplos ko ang braso niya para pahupain ang galit niya.
‘Alright. Gagawin ko na para sayo. Sa susunod na lumabas kami ay aakitin ko na siya para may mangyari na sa amin.’
‘Dapat lang! Kung hindi lang mayaman ang Christian na yun at wala tayong mapapala, noon pa ay inutusan na kitang hiwalayan siya! Di hamak na mas gwapo naman ako sa gago na yun! Wala siyang sinabi sa akin!’
‘Oo naman! Ikaw kaya ang pinaka-gwapo sa lahat at pinaka-masarap.’ pinagapang ko ang aking palad sa hita niya. Tiningnan niya ako ng mariin. Tingin pa lang niya ay tumitindig na ang mga balahibo ko sa excitement sa posibleng mangyari sa amin ngayong gabi.
‘Pasalamat ka talaga Caroline at mahal na mahal kita. Kung hindi…’
‘VICTOR!’ napatili ako ng bigla niya akong patungan at mabilis na dinakma ang aking hinaharap. Inangat niya ang blouse ko saka sinubsob ang ulo sa gitna ng dibdib ko. ‘Oh yes please.’ ako na ang nagbukas ng pantalon niya saka may panggigigil na hinimas ang galit na galit niyang alaga.
‘Akin ka lang Caroline! Tatandaan mo yan! Matikman ka man niya pero ako ang nakauna sayo at akin lang ang katawan mo!’ hinawi niya ang panty ko sabay mabilis na pinasok ang dalawang daliri niya. Napaungol ako ng malakas na sinundan ng sunod-sunod na halinghing ng bilisan niya ang paglabas pasok ng mga daliri sa akin.
‘Ah! Sige pa Victor! Oooohhh!’ pero sa gitna ng nakakabaliw na ginagawa niya ay bigla siyang huminto at tumitig sa akin. ‘Bakit?’
‘Mas gusto kong labasan ka gamit ang bibig ko.’ napangiti ako ng mapang-akit saka hinila ang batok niya pababa.
------,--’-,-{@